SNOW POINT OF VIEW Nagmulat ako ng mata sa liwanag na sumisilip mula sa manipis na kurtina ng kwarto. Ilang sandali akong tulala, pinagmasdan ang kisame na tila hindi pamilyar—hindi ang kwarto ko ito. Paglingon ko, dama ko pa ang init ng unan at amoy ng kumot. Nasa gilid ako ng kama, at agad kong naramdaman ang malamig na hangin sa balat ko. Naka-shirt lang ako at jogging pants. Maayos pa rin ang ayos ng suot ko… at doon ko naalala — wala namang nangyari. Napabuntong-hininga ako. Si Davian. Wala sa tabi ko. Napabangon ako agad, mabilis ang pintig ng puso ko. "Aalis siya?" tanong ng utak ko. "Nagbago na naman ba isip niya?" Agad akong tumayo at lumapit sa pintuan ng kwarto. Bukas ito. Tahimik lang ang buong bahay. Dinig ko ang huni ng mga ibon sa labas, ang banayad na tunog ng alon m

