SNOW POINT OF VIEW Tahimik lang kaming dalawa ni Davian habang nakaupo sa lilim ng puno, ang mga paang nakalubog sa buhangin at ang hangin ng dagat ay dahan-dahang nilalambing ang balat ko. Simula nang dumating ako rito sa resort, ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganitong uri ng kapayapaan—yung tahimik pero hindi nakakatakot, yung presensiya ng ibang tao ay hindi pabigat, kundi parang pahinga. Tumingin ako sa kanya. Relax lang si Davian, nakasandal sa puno, nakapikit, habang bahagyang ngumingiti sa hindi ko alam kung anong iniisip niya. At sa totoo lang, nakakairita. Dahil paano niya nagagawang ganun ka-chill habang ako, heto, lutang na naman sa damdaming hindi ko pa rin maipangalan. “Uy, girl!” Napalingon ako sa tawag. Tatlong babae ang papalapit, mukhang magkakaibigan. Pare-pare

