Prologue

927 Words
Sa mundong puno ng kaguluhan, mga kalalakihang nagkalat ang kanilang makamundong pananaw. Hindi na ako umaasa pa na makakahanap pa ako ng lalaki na magmamahal sa akin. Hindi na ako umaasa na maranasan ko ang mga nababasa ko sa libro, maging ang mga sinusulat kong mga kuwento. Buhay nga naman, malapit na mawala sa kalendaryo ang edad ko pero hanggang ngayon flings pa lang ang nararanasan ko. Kailan ba ako mapapasok sa isang seryosong relasyon? Kasama ko ang kaibigan ko ngayon. Nasa tuktok kami ng building, isang kompanya na pag-aari ng kaibigan ko. Mula rito tanaw ko ang lawak ng makati, kakatapos lang ng bagong taon ngunit nakipagkita agad sa akin ang kaibigan ko. "Sa ating magkakaibigan, ikaw na lang walang asawa, Heaven. Scratch that! Walang boyfriend!" gigil sa sermon ni Cy. "Tigilan mo na ang pagiging bitter, dahil tatanda kang dalaga," dugtong pa nito habang masamang nakatingin sa akin.  Nakahiga ito sa sun lounger katabi ng kinihigaan ko. Masama ang tingin niya sa akin dahil sa paulit-ulit na sermon niya ay wala pa rin akong ginagawa para masolusyonan ang problema niya sa akin. Tuwing nagkikita kami o ‘di kaya ay nagkakausap kaming magkakaibigan, iyan ang lagi nilang sinasabi sa akin. Madalas sermon ang bungad nila sa akin at kung hindi sermon ay tiyak na tanong kung may love life na ba ako. Ano bang masama sa pagiging single? “I’m single by choice and happy to be an independent woman,” pang-beauty queen na sagot ko. "Kamo, ang sabihin mo queen of bitterness ka! Kung matino ka ba namang tao e ang hilig-hilig mo sa ampalaya at sa mapapait na pagkain, kaya ayan!" pasigaw na sermon niya habang masama pa rin ang mga tingin sa akin. "Paano mo naman nasabi na bitter ako?” Natatawang tanong ko. “Wow, heaven, just wow! Gusto mo talaga isa-isahin ko? Naalala mo yung binato mo yung couple na ang bagal maglakad sa harapan natin? Naalala mo yung sumigaw ka na walang poreber sa people’s park na puno nang couple dahil valentines day? At-” “Hep, tama na, oo na.” Natatawang sabi ko. “Ayoko naman na madaliin relationship ko. Isa pa, hirap kaya makahanap ng lalaking faithful, puro loyal. Titikim ng putahi pero sayo pa rin ang balik, kahit saan tignan hindi maganda," pagdadahilan ko habang nakatanaw sa mga bituin. “Heaven, hindi ka talaga magkaka-boyfriend kung ganiyan ang mindset mo,” nanluluma na sabi ni Cyrene. Ito na naman po kami sa mga lintaya niya. Twenty-nine-years-old na ako, and this year ay thirty-years-old na. Napag-iiwanan na ako ng mga ka-batch ko, karamihan sa kanila ay happily married na, ang iba may boyfriend na, ang iba naman single parents. At ito ako, hanggang ngayon naghihintay pa rin sa kuryente na mararamdaman ko sa isang tao na maaaring mahalin ko. Pero ang totoong dahilan ay ayaw ko pang mag-asawa at higit sa lahat ayaw ko pa magka-boyfriend dahil hindi pa ako ready na masaktan. "Tsk, ‘wag ka ngang maingay! Ihuhulog kita d’yan e. Saka hindi naman totoo yang love na yan," depensa ko bago siya inismiran.  Ang kulit niya palibhasa sigurado na siya sa boyfriend niya. Hindi naman talaga ako bitter pag-fiction boys ang pinag-uusapan. Dream ko na makahanap ng lalaki na katulad ng mga nababasa ko. Kahit hindi guwapo, kahit hindi mayaman, basta kayang magmahal ng totoo at hindi manloloko, iyon lang naman ang gusto ko. Pero ibang usapan pag mga impaktong lalaki ang pinag-uusapan. Ika nga sa post, welcome to the new generation where cheating is a normal, where love is a game, where broking someone’s heart is an achievement. I am a fiction writer, a romance writer to be exact pero mukang hanggang sa mga libro ko na lang yata mararanasan ang romance kung saan ako ang bidaa, at ako ang pipili ng leading man ko. Ako rin mismo ang magsusulat kung paano magsisimula ang love story ng lalaking mapipili ko. Syembre kung siya ang panimula, siya rin ang wakas. "Takot ka lang masaktan at magcommit... Pag ikaw na-in love tatawanan kita," naghahamon nitong sabi, bago itinuon ang pansin sa langit. Mahina akong natawa sa sinabi niya. Mag-aampon na lang ako para may magmana ng mga ari-arian ko. Sa panahon ngayon napakahirap maghanap ng matinong lalaki dahil kahit babae hindi na rin makunti sa isa. Saan ba kasi ako makakahanap ng lalaking matino? "You’re joking, Cyre. Nice joke, magdilang demonyo ka." Natatawang sabi ko habang umiiling. "Ma-inlove ka sanang bruha ka bago matapos ang taon," seryosong sabi niya pero nakatuon pa rin ang pansin sa kalangitan. "Let’s see. Pagnatapos ang taon, at thirty-years-old na ako, and still, still, single pa rin. Sagot mo lahat ng expenses ko papuntang korea!" excited na sabi ko sabay bangon at pumuwesto paharap sa direksyon niya.  Natatawang lumingon siya sa akin. "Deal, don’t fall in love before year end." Nakangising sabi nito para bang sigurado siya na magkakaruon ako ng boyfriend this year na napaka-impossible para sa akin. "I have this gut feeling that this year, your love life will bloom." Natatawang sabi nito Napangiwi na lang ako sa sinabi niya bago humiga at tahimik na pinagmasdan muli ang mga bituin. Mukang siguradong-sigurado siya. Katahimikan ang bumalot sa amin, kahit tahimik hindi awkward sa pakiramdam, siguro sanay na kami na ganito, boring man sa iba pero sa amin hindi. I’m still waiting for the right person, and I’m still need to ready myself from the pain and chaos….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD