"Ma?! Ano ba ‘to? Saan ba tayo pupunta?!" kinakabahang tanong ko.
Kasama ko si Mama sa loob ng sasakyan. Magkatabi kami sa back seat habang si Manong driver ang nagmamaneho para sa amin. Kinakabahan ako sa biglaang desisyon ni Mama. Halos isang oras na kaming bumabayahe, dala ang dalawang malalaking maleta na puno ng mga damit ko, tanging mga damit ko lang. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Ma, ano ba ‘to? Kinakabahan na ako. Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit may maleta ako na puno ng damit ko tapos, ikaw wala?!" natatarantang tanong ko.
Parang hangin ang kausap ko dahil walang sumasagot. Hanggang ngayon walang balak si Mama na sagutin ang mga tanong ko. Nananatili lang siyang tahimik na naka-upo habang nakatingin sa bintana. Simula nang magising ako ay wala na akong ibang naramdaman kundi puro kaba. Wala akong ideya sa mga nangyayari sa paligid ko.
Napabuntong-hininga ako kasabay nang pagtaas baba ng balikat ko. Padabog na isinandal ko ang aking likod sa upuan, at tumingin na lamang sa dinadaan namin. Tatahimik na lang ako dahil magsasayang lang ako ng laway kung magpapatuloy ako sa pagtanong. Muka namang wala talagang balak si Mama na sumagot.
Pagkalipas nang tatlong oras na biyahe ay tumigil na sa wakas ang sasakyan namin. Huminto ito sa tapat ng isang malaking gate. Nasa isang subdivision kami kung hindi ako nagkakamali. Nadaanan namin ang club house ng subdivision, at mahigpit din ang security sa lugar na ito dahil humingi muna ng I.D ang security guard sa driver namin bago kami pinapasok.
"Labas, Heaven. Ilabas mo na rin ang maleta mo," may awtoridad na sabi ni Mama. Nakatingin lang siya ng diretso sa harapan niya habang sinasabi iyon.
Sino ba ang kausap niya? Iyong driver? Yung upuan o ako?
Padabog na binuksan at sinara ko ang pinto. Bata pa lang ako ay hindi na kami close ni Mama. Malayo ang loob ko sa kaniya dahil sa mga ginawa niyang kasalanan sa amin at higit sa lahat sa ginawa niyang kasalanan kay Daddy. May mga pagkakataon na nag-aaway kami ni Mama pero sa mga away na iyon si Mama lang ang laging nagsasalita, tahimik lang ako para na rin sa salitang respeto dahil una sa lahat ay siya pa rin ang magulang ko kahit marami siyang nagawang maling desisyon sa buhay na ako ang mga nagbayad.
Life is unfair but life must go on. Nakasimangot ako habang nakatingin sa nakabukas na compartment. Sinimulan kong buhatin iyon.
"Bilisan mo diyan, Heaven!" sigaw ni Mama mula sa loob ng sasakyan.
“E, kung tumulong ka kaya?!” inis na bulong ko sa sarili.
Naiinis ako sa sarili ko at sa kaniya, matagal na siyang hindi naging ina sa akin pero hanggang ngayon kung magdesisyon siya sa buhay ko daig niya pa ang isang mabuting ina. Ang bigat at ang laki kaya ng maletang ‘to. Hindi ko kaya ang ganitong kalaking gamit, dahil hindi ako matangkad na tao, wala rin akong muscle. Cute size ang tawag sa kapandakan ko. Namana ko ang pagiging cute sa Daddy ko. Matangkad at mala-miss univers, ang tangkat at ganda ni Mama.
"Ito na po, ma!" nilakasan ko ang sigaw ko mas malakas sa sigaw niya. Para maramdaman niyang naiinis na ako dito.
Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako sa nangyayari. Padabog na binagsak ko ang huling maleta, at malakas na binagsak ko ang pinto ng compartment pababa para maisara. Sa wakas ay natapos na rin, buong akala ko ay aabotin ako ng gabi rito.
Nasa harap kami ng isang malaking gate. Nilibot ko ang paningin ko sa mga iba pang bahay. Magaganda ang mga bahay rito. Malalaman mo agad na mayayaman ang mga nakatira dito. Maglalakad-lakad sana ako nang marinig ko ang pagbumukas ng isang gate. Napalingon ako sa bahay kung saan kami tumigil. Nakita ko ang paglakas nag isang matandang babae. Nakasuot ito ng isang pang-kasambahay, dirty blue na damit, parang dress iyon dahil diretsyo palda ang dating. Kung hindi ako nagkakamali ay maaaring siya ang mayordoma sa pagkalaki-laking bahay na nasa harapan ko ngayon. Ramdam ko lang, malakas ang intuitive thinking ko. Aura pa lang niya ay pang-mayordoma na.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tinignan ako ng matanda bago marahang yumuko. Hindi naman niya kailangan gawin iyon. May pakiramdam akong kilala niya ako. Maaaring siya ang ipinunta namin rito ni Mama. Walang salita na pinuntahan niya si Mama. Nakasilip sa nakababang bintana ng sasakyan si Mama na para bang alam niyang may lalabas para kausapin siya.
Halos magkakalahating oras na silang magkausap ay hindi pa rin natatapos. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil lumayo ako nang malaman kong mag-uusap sila. Lumaki ako na hindi chismosa, ayaw ni Daddy sa ganoon. Usapang pang matatanda lamang iyon kaya hindi puwede sa akin na bata pa. Napabuntong-hininga ako sa pagkainip. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako napabuntong-hininga, habang pinagmamasdan sila.
Ilang minuto pa ay nakita kong iniabot ni Mama ang cellphone niya kay Manang. Iniabot iyon ni Manang. Kumilos ang mga daliri ni Manang sa cellphone ni Mama bago ito ibinalik kay Mama. Tumayo ako ng tuwid dahil siguradong tatawagin na ako ni Mama.
"Heaven!" pagtawag ni Mama.
Sabi ko na nga ba. Mabilis akong lumapit kay Mama. Nakababa pa rin ang bintana ng sasakyan, na ang totoo ay palaisipan pa rin sa akin kung paano niya ito nabili gayong ang alam ko ay wala siyang trabaho.
"Magpakabait ka dito. Sa ngayon, dito ka muna titira pansamantala. Walang tanong-tanong. You’re staying here and its for your own good. Mauuna na kami, hija," masungit na bilin nito pagkatapos ay maarte niyang isinuot ang sun glasses na hindi ko alam kung saan niya kinuha, wala naman iyon kanina e. binalingan niya ang driver at inutusang magmaniurba na ng sasakyan.
Tumaas ang kilay ko sa inaasta ni Mama. Akmang magtatanong ako nang itaas niya ang bintana ng sasakyan. Mabilis na umalis ang sasakyan kaya wala na akong nagawa pa. Napatulala ako habang sinusundan nang tingin ang sasakyan ni Mama. May pinaplano na naman siya ng hindi ko alam, lagi na lang.
"Maam Heaven, tara na po sa loob. Si Raul na lang ang bahala sa mga bagahi mo," tawag pansin ni Manang. Pasok sa isang tenga labas sa isang tenga ang mga narinig ko. Napansin ni Manang na tulala pa rin ako at walang kibo kaya tinawag niya ulit ako. “Heaven,”
Natauhan ako at gulat na napalingon kay Manang. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala ako sa sarili. May halong kaba at takot na unti-unting nabubuo sa utak ko.
"Sigi po, Manang," nag-aalinlangan kong sagot.
Naunang naglakad si Manang kaya sumunod na lamang ako ng tahimik. Gusto ko mang magtanong ay nahihiya ako, ayaw ko naman isipin ni Manang na feeling close ako.
Tahimik ang buong bahay pagkapasok pa lang namin. Parang walang nakatira dito. Nakatingin lang ako sa bato na hugis square na merong halong marbles, na syang dinadaanan namin. Ang bato ay diretso daan papunta sa pinto. Sa kaliwang banda ay may kalsada kung saan dadaan ang sasakyan, one way lang iyon at nakadiretso iyon sa isang one floor house na katabi ng main house, mukang parking place ang one floor house na iyon, sa main house kasi ay may dalawang malalaking pinto na siyang bubungad sayo para makapasok, samantalang sa kabilang bahay ay aluminum na pinto kung saan puwede mong ibaba taas, mukang automatic nga iyon e.
Wala pa kami sa pinto ngunit ramdam ko, na parang may nakamasid sa akin mula sa malayo. Tumaas ang mga balahibo ko dahil doon. Kung bakit kasi napakahilig ko sa creepy pasta at horror movie. Ayan tuloy ay nadadala ko dito ang mga napapanuod at nababasa ko. Nahaplos ko ang braso ko sa takot, nagsitaasan ang balahibo ko sa takot.
Pumasok kami sa bahay at dumiretso sa dining area. Huminto si Manang at hinarap ako. Itinuro niya ang upuan sa dining.
"Dito ka muna, hija. Ipaghahanda kita ng makakain." Nakangiting sabi ni Manang bago ako tinalikuran.
Nagtataka man pero wala na akong nagawa nang tumalikod na ito. Umupo ako sa isa mga upuan na nakahilera sa mahabang mesa habang iniikot ang paningin sa buong paligid. Nasa pinakadulo ng mesa ang naupuan ko. Kita ko mula rito ang isang kinainan na hindi natapos, may plato, kutsara, tinidor, baso at transparent na pitsel, na may laman na tubig. Nasa dulong bahagi iyon at katapat ng upuan ko ngayon.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagkaing nasayang sabay napailing. Sino kayang maaksayang tao ang nag-iwan ng pagkain? May iba pa ba kaming kasama? Hinintay ko si Manang na dumating habang komportable akong nakaupo at tinitignan ang plato.
Minuto lang ay naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na iyon, iyong pakiramdam na may nakatingin sa iyo kahit wala namang tao sa paligid mo. Kanina ay medyo kumalma ako ngayon ay bumalik na naman ang takot ko. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay, hindi ko rin alam kung paano, siguro dahil sa nangyari sa akin ilang taon na ang nakalipas kaya naman mas naging alerto ang katawan. Alam kong may taong nagmamasid sa akin. Gusto kong makilala ang lahat ng tao na makakasama ko rito. Mabuti na ang sigurado. Hindi ako kampanti sa bahay na ‘to.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yapak si Manang. Buti na lang. Hawak-hawak ni Manang ang isang tray. Pancake, fresh milk at utensils ang nakalagay sa tray. Takang nakatingin ako sa mga pagkain na isa-isang inaayos ni Manang sa mesa, nagtataka ako kung paano nalaman ni Manang na ito ang dapat na I-served sa akin sa umaga. I mean, masilan ako kumain sa umaga. So I prefered eating pancake, fresh milk or something na suwak sa gusto ng tiyan ko. Siguro ay sinabi ni Mama sa kaniya.
"Manang, may iba pa po ba tayong kasama rito?" magalang na tanong ko.
Sandali siyang tumigil ginagawa at tinignan ako. Sandali niya akong tiningnan bago bumalik ang siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa kakainin ko.
"Meron naman, hija. Siya nga pala, pagkatapos mong kumain ay dadaanan kita rito. Para maipakilala kita sa mga kasama natin dito sa bahay. Hindi mo pa alam ang pangalan ko kaya naman sabay-sabay na kami ng mga katulong ko rito sa bahay na magpapakilala." Nakangiting sabi ni Manang.
Nang matapos ni Manang maihanda ang lahat sa hapag, nanatiling siyang nakatayo sa tabi ko, na siyang ikinailang ko, hindi kasi ako komportable kapag may taong nakatingin sa akin habang kumakain. Pinilit kong kumain paunti-unti. Tumingin ako kay Manang pagtapos ng isang subo. Nakangiti agad ito pero nawala rin nang madako ang tingin niya sa naiwang kinainan sa dulong bahagi ng mesa. Dali-dali niya itong niligpit bago nagmamadaling nagpaalam at umalis.
"Sigi, hija."
"Ang we-weird ng mga tao ngayon. Hayts, ang boring naman dito. Mukang work at home muna ako," pagkausap ko sa sarili.
Ang g**o ng buhay ko, mas lalong ginulo si Mama. Wala na ngang lovelife, wala pang personal life. Lagi na lang nilang kinokontrol buhay ko. Hindi na lang kasi ako pabayaan tutal malaki na ako at may mga naipundar na rin ako sa buhay.
Ilang minuto pang katahimik ang namayani bago ako tuluyang natapos kumain. Dumating si Manang at pinasunod ako sa sala. Sobrang laki talaga ng bahay na ‘to, parang hindi na ito bahay, parang mansion na. Pagpasok mo ng bahay ay bubungad sa iyo ang dalawang malalaking hagdan, pinagigitnaan nito ang isang itim na piano, at ang hilera ng mga libro. Sa kaliwang bahagi ng mansion duon kami ang dining area kung saan kami lumabas ngayon. Sa gitna ng malaking hall na ‘to, tanging sala lang ang nandoon. Tanging hagdan, piano, sala, mga libro at mga pinto lang ang makikita mo.
Mula sa hamba ng dining area, nakita ko ang tatlong katulong na babae at dalawang lalaki na siguro ay guwardiya ng bahay. Nang makarating kami sa sala agad na ngumiti ako sa kanila at ganun din sila sa akin. Inaasahan kong may darating pa kaya nilibot ko ang paningin sa paligid. Pero nagsalita na si Manang, ay wala pa ring dumating. Siguro ay wala na nga talaga
"Maam Heaven, kami po ang makakasama mo sa loob ng bahay na ‘to. Ako ang mayordoma," panimula ni Manang.
Tanging tango lang ang naisagot ko at pilit na ngiti.
"Ako si Manang Sonya. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. Siya naman si Flor." Tinuro nito ang isang babaeng na sa tingin ko'y kaparehas lang sa edad ko.
Marahan itong yumuko at ngumiti.
"Hi po, Maam Heaven. Isa po ako sa mga fan reader niyo," kinikilig na sabi ni Flor.
Napangiti ako sa sinabi niya. Gumaan ang loob ko kahit papaano. Mukang may isa akong makakakulitan dito. Buti na lang, dahil puro may edad na ang mga kasama namin. At for sure hindi ko naman maku-kuwento sa kanila ang mga nakakakilig na kdrama na napanuod ko o ‘di kaya ang mga magagandang w*****d na nabasa ko.
"Thank you, Flor," masayang sabi ko.
Masaya ako dahil may mga nakaka-appreciate ng mga akda ko. Hindi man mala-international ang mga libro na sinusulat ko pero malay natin hindi ba.
"Hija," pag-agaw ng atensyon ko ni Manang Sonya. "Siya naman si Nanay Jen. Mas matanda ako sa kanila kahit mukang magka-edaran lang kami. At siya. Siya naman si Manay Ella." Parehong ngumiti lang dalawang may edad sa akin at yumuko upang magbigay galang. "Siya naman si Mang Raul ang driver sa bahay na ‘to. At siya, si Mang Esban, siya ang guard sa bahay." Nakipagkamay lang sila sa akin ng may ngiti sa labi ngunit hindi na nagsalita.
Hindi na ako magtataka kung bakit parang walang katao-tao sa bahay.
"Hello po sa inyong lahat siguro po kilala niyo na po ako. Pero magpapakilala pa rin po ako. I’m Heaven Sky Enricoso at alam ko po na kilala niyo ang Mama ko." Nakangiting sabi ko. Agad naman silang tumango at sumagot nang oo sa sinabi ko.
Makikipagplastikan ako. Kailangan ko ng sagot. Alam ko na may chance na hindi nila ako pagbigyan pero try lang naman.
"Kaya sana po sabihin n’yo sa akin kong bakit po ako nandito? For sure, may idea kayo," magalang na sabi ko. May plastik na saya na nakaplaster sa aking muka.
Gulat ang bumalot sa kanilang muka ngunit pinili pa ring manahimik . Sana all pinipili. Ilang sandaling katahimikan pa ang nangibabaw bago magsalita si Flor
"Hindi po ba sinabi sayo ni Madam V?!" biglang tanong ni Flor, ngunit agad na tinikom ang bibig nang tinignan siya ng masama nang mga kasamang naming may edad na.
Magtatanong ba ako kung oo? sarkastikong tanong ko sa likod ng isip ko. Napangiwi ako sa sariling kabaliwan na naiisip. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kawalang pag-asa. Looks like, i need to work hard just find the answer.
"Magbalik na sa ginagawa," masungit na sabi ni Manang Sonya sa mga kasama nya.
Mabilis namang sumunod ang mga kasambahay sa utos ni Manang Sonya. Pinaalis muna niya ang mga ito bago bumaling sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang tignan lang sila habang papaalis.
"Hija, wala kami sa lugar para magsabi ng mga dapat mong malaman. Madaldal si Flor lalo na at inididolo ka niya. Siguradong magsasabi ito sayo pagpinilit mo at kapag nalaman ito ni Madam V ay siguradong matatanggal ito sa trabaho. Ako na ang nakikiusap sayo," kalmadong paliwanag ni Manang. Pilit ipinapaunawa sa akin na hindi ko na dapat malaman sa iba, sa kanila ang dapat ay sinabi na sa akin ni Mama.
"Manang, gusto ko lang ho malaman kung bakit ako nandito. Hindi po ba ako puwede lumabas, nakakulong na po ba ako dito? Hanggang kailan? Hindi ko na po ba magagawa ang mga gusto ko? Nalilito po ako, Manang. Bakit nandito ako?!" pagod akong napaupo sa malapit na sofa sa’kin.
Napaawang ang bibig ni Manang habang nakatingin sa akin may reaksyon siya muka niya na nagsasabing nababaliw na ako. Tumingin s’ya sa’kin bago umupo sa tabi ko.
Ang sa akin lang naman. Bakit kahit kaunting paliwanag lang, ay walang sinabi sa akin si Mama. Basta niya na lang ako itinapon rito. Kagaya ng madalas niyang ginagawa pag nagkakautang siya sa mga tita ko. Dati ay ako ang ginagawa niyang pangbayad. Titira ako sa mga tita ko at magpapaalila. Natatakot ako na baka ganoon rin ngayon. Malaki na ako, may trabaho. Lumipas na ang maraming tao pero hindi pa rin nagbabago si Mama.
"Hija, magagawa mo pa rin ang gusto mong gawin. Hindi ka rin nakakulong rito. Makakalabas ka kahit kailan mo gusto," malumanay na paliwanag ni Manang.
Parang lumundag ang puso ko sa sobrang saya nang marinig ko ito. Niyakap ko si Manang sa sobrang saya agad naman hinaplos nang isang kamay ni Manang ang buhok ko. Malawak ang ngiti sa labi ko.
"Talaga ho, Manang. Salamat naman," masayang sabi ko.
Parang may mali sa mga nangyayari pero hinayaan ko lang ito dahil ang importante tuloy ang buhay. Siguro dahil pakiramdam ko may kasama pa kaming ibang tao sa loob ng bahay o maaaring multo. Ang mahalaga malaya pa rin ako, at hindi ako magiging katulong lang.
"Pero… Hija,” natigil ako sa pagsasaya dahil sa paraan ng pagtawag sa akin ni Manang. Parang masama ang kutob ko. “Pag-aalis ka, ay may kasama kang mga body guards. Sila ang mag-aalalay sayo at magbabantay sayo," nagagalak na sabi ni Manang na para bang isang magandang balita ang sinabi niya.
Naglaho ang ngiti sa labi ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya, at takang tumingin kay Manang. Hindi ko alam kung nag-jo-joke ba siya pero tanging ngiti lang ang nakikita ko. Mukang hindi si Manang ang tipo ng tao na joker. Anong kalayaan nga ulit ang ikinangingiti ko? Wala.
"Ho?!” tumaas ang boses ko nang hindi ko sinasadya. “Pero ayoko ko ho. Ayoko sa mga bodyguards. And beside, i don’t need it," nawawalang pag-asa na sabi ko kay Manang.
"Hija, its your mom’s order. And BESIDES, hija. Its for your own good," pinagdiin niya pa ang beside na halatang ginagaya ang pangangatwiran ko kanina.
Ang ganda ng accent ni Manang. si Mama ang may ari ng bahay na ‘to. At saan naman nakakuha ng pera si Mama para makabili ng mansion? Si Mama? Nakapaghire pa ng body guards. Nakangiti lang si Manang sa akin na para bang hinihintay pa ang mga I-dadahilan ko. Pero wala naman akong choice. I know how Mama think and I hate it, but not Mama.
"Sigi po. Wala naman po akong magagawa. Pupunta lang po ako ng kwarto ko," matamlay na sabi ko.
Tumango si Manang habang may kakaibang tingin sa akin. Nagpresitang siyang ihatid ako sa kuwarto. Malaki ang kuwarto ko for sure. Sana mas malaki sa condo ko. Pero mas maganda pa rin sa condo ko , malaya ako sa condo, kahit kumanta ako ng sintunado walang sasaway at manlalait doon at higit lahat kahit magpatutog ako ng kpop song na hindi naman maintindihan ang lyrics e walang magrereklamo doon.
Nakakapagtaka ang mga nangyayari. Buong akala ko ay magiging alila ako sa bahay na ‘to pero hindi kabaliktaran ang nangyayari. May bodyguards ako, may masarap na pagkain, at siguradong maayos na kuwarto. Hindi ako mangangatulong dito. Magiging donya pa ako. Ang weird nun para sa akin na dahil hindi kami mayaman hindi rin naman mahirap, sapat lang, at mas lalong hindi mayaman si Mama. Ang pera ko, na kinikita ko ay malaki talaga. Walang trabaho si Mama tamang raket-raket lang at para makabili ng ganitong mansyon, nakakapagtaka talaga. Hindi ko ba alam kung magiging masaya ako dahil hindi pangangatulong ang dahilan kung bakit ako ipinatapon ni Mama rito.
Hindi kaya para magbantay ng bahay? Oh no. Bahala na.
Tahimik na sinundan ko si Manang paakyat ng second flor, wala rin imik si Manang. Habang nasa daan kami patungo sa kuwarto ay hindi ko maiwasan mamangha sa ganda nang hallway. Isang hallway lang ang makikita mo sa second flor. Pero nahati iyon sa gitna. Isa sa kanan, isa sa kaliwa. Isang veranda ang humahati sa hallway. Sa kanang bahagi kami ng hallway dumaan. Apat na pinto pa ay huminto na si Manang kaya napahinto rin ako. Nasa tapat kami ng isang puting pinto. Si Manang mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Humarap sa akin si Manang bago nagsalita.
"Hija, ito ang kuwarto mo. Sana ay maging komportable ka. Kung may kailangan kang bagohin ay sabihin mo lang sa akin," mahinahong sabi nito at tumabi sa gilid ng pinto para makadaan ako.
Tumango ako at pumasok ako sa kuwarto. I scanned the whole room and a small smile appeared in my place. I like it so much. Humarap ako kay Manang habang nakapoker face. Kailangan maramdaman niyang hindi ako natutuwa dito sa bahay na ito.
"Okay na ho, Manang. Salamat po," pagod na sabi ko.
Tumango si Manang at ngumiti bago tumalikod. Akmang isasarado ko ang pinto nang humarap siyang muli, parang may nakalimutan sabihin sa akin.
"Hija, ang pinadulong pinto sa kaliwa sana ay, huwag mong bubuksan yun at wag ka rin pupunta roon," seryosong paalala ni Manang wala na ang ngiting kanina niya pa suot-suot.
Gulat na napalingon ako kay Manang. Akala ko nakaalis na ‘to, nagtataka man ay tumango na lang ako kay Manang. Siya na rin ang kusang nagsara nang tuluyan sa pinto. Agad na hinanap ng mata ko ang kama, kagaya ng dream room ko ay nakatago ito sa likod ng pader at sa harap ng pader ay naroon ang sala set. Sa kanang bahagi ng kuwarto ay puno iyon ang shelves, na may mga libro at ilan pang mga sign sa bahay. Sa kaliwang bahagi ay ang glass wall at window. Tanging ang malalaking kurtina lang ang humaharang upang hindi tuluyang maging visible ang buong kuwarto mula sa labas. Sa likuran ko kung saan ang nakaharap ang sala ay mayroong Flat screen tv at iba pang devices.
Nakakapagtaka, ang dream room ko ay eksaktong-eksakto sa kuwarto ko ngayon para bang pinagawa talaga ito ayon sa gusto ko, pero hindi alam ni Mama ang design na gusto ko para sa kuwarto ko. Kaya imposibleng maipagawa ito para sa akin talaga.
Napabuntong-hininga ako bago lumapit sa kama. Nakakapagod ang umaga ngayon. Hindi pa man lumulubog ang haring araw pero parang binugbog na ako sa pagod at stress na parang buong araw ako na nagtrabaho.
“Anong kayang nasa kwartong yun?” takang tanong ko sa sarili bago padapa na humiga.