Dismissal
"Hi baby!"bati saakin ni Kuya Luis,ang stepbrother ko.Inakbayan nya ako at ginulo ng konti yung buhok ko."Oh anong nangyari sayo para kang ginahasa sa itsura mo"
"Grabe ka naman porket ganyan ka kalinis ngayon.Ang yabang mo!"
"Hahaha. Hindi ako mayabang, sinasabi ko lang yung totoo" hanggang sa kuya ko ba naman maiinis ako ngayong araw? Sheez. "Teka dadaan ka ba sa opisina ni mama?"
"Why? Kung may ipapadala ka wag na ako, kuya.Ang dami ko kayang bitbit"sabi ko at kinuha yung ibang gamit nila Ella at Cass.
"Eto naman magpapadala lang eh"sabi nya at nakita ko yung ipapadala nya ang dami, pinapagod ba ako nito?
"Pwes hindi po ako delievery girl kaya chupi ka na"sabi ko at tinulak sya papalayo
"Osige na bye"sabi nya at kiniss ako sa noo
"Lul! Ang corny mo!"
"Love you too ingat ha!"sabi nya habang tumatakbo.
Saan kaya yung racket ni kuya? Gusto kong pumunta pero pagsinabi ko naman yun ang unang lalabas sa bibig nun ay hindi pwede baka kung mapaano ka pa roon.
"Uy alam parang jowa mo yang kuya mo" sabi ni Cass
"Oo nga lyn, kuya mo ba talaga yun? O nagpapanggap lang para maka makasama ka lang? Ayieee"sabi ni Ella. Loko toh ah!
"Ano ba kayo kung ano anong pinagiisip nyo syempre kuya ko yun noh"sabi ko at binatukan sila.
BZZZZTTTT
Bigla naman nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko naman ito at tinignan. Hehe thanks to Cass kasi sya yung nagvibrate mode ng phone ko.
'Kaya pala kaya pala,may iba ka na pala. Bakit mas pogi naman ako ha kesa sa baby mo? Bakit sya pa?!'
Luh anong pinagsasabi neto eh?.Parang baliw na ata etong taong toh eh! Kung ano ano ang pinagsasabi. Aish! Magiba na kaya ako ng number? Kabago bago ng phone ko may adik na scammer na, tsss.
The next day at school
"Hi I'm Cassandra and you?"tanong ni Cass.Ngayon asa isang table kami sa canteen
"Marion nga pala"sabi ni Marion,matagal ko na syang friend sa province,tahimik yan kaya nga maraming bumubully dyan eh at dahil doon kaya kami nagkilala.
"Kailan ka nga pala dumating dito?'
"Kahapon lang,grabe ang hirap dito"
"Psh ang hirap daw, para ngang isang langgam yung test sayo isang kita mo palang tapos na agad yung buhay ng langgam eh hahah" sabi ko, para akong baliw na kinomper yung langgam at yung entrance exam
"Hahaha hay nako lyn! Iba dito iba yung sa province noh!" sabi ni Marion at uminom na ng juice
"Ay diba galing ka sa province ni Lyn.Magkwento ka nga tungkol sa school nyo at tungkol din sainyong dalawa"excited na sabi ni Cass
"Ummmm. Maganda naman sa school namin at mapayapa naman kahit papaano pero hindi tulad dito na ang ganda na nga, ang lawak pa pero sa mga nakikita ko hindi payapa dito"
"Tama ka dyan. Lalong lalo na pag dumikit ka sa mga mokong katulad nung muntikan ng bumangga saakin kahapon. Ay nako! Mukhang hindi tatahimik ang buhay ko" sabi ko na inis inis pa rin kila Joaquin, yung tipong pati pagkain dinadamay ko na. Sorry food huhuhu ARGH!
"Ganyan din ba sya doon?"
"Uhmmm. Si Lyn sya ang pinaka matapang at maganda babaeng nakilala ko sa school"sabi nya naniwala nasana ako sa matapang eh pero yung sinabi yung maganda nabulunan ako dun ah! "Sya rin ang tinaguruang bad princess sa school.Maganda na matapang pa kaya nga maraming may gusto dyan eh kaso walang nagmamatch kay Lyn eh, lahat sila duwag kaya walang umuubra sakanya."
"Sayang naman lyn,ayun na yung chance mo para pumili ng the one mo ang daming pagpipilian! Kung ako yun mamimili na muna ako ng maigi hindi yung agad agad kong babustedin"sabi ni Cass
"Edi sayo na lang"sabi ko
"Ay gusto ko yang inisip mo.Marion pogi ba yung mga nagkakagusto dyan?"excited na sabi nya lumapit sya ng konti kay Marion. Jusko desperada much?
"Okay lang"sabi ni Marion "Ay excuse me lang ha bibili lang ako" at umalis na.
"You know what, I like Marion kaso ang tahimik nya"sabi ni Ella.
Buti naman gusto nila si marion kasi talagang magkaiba silang tatlo yung dalawa ang dadaldal (Ella at Cass) tapos yung isa tahimik (Marion) yung dalawa naman mahinhin (Marion at Ella) yung isa hindi. (Si Cass)
"Ano nanamang nangyayari doon at pinagkakaguluhan nanaman"sabi ni Ella at pumunta doon kaya kami rin ay sumunod na sakanya
"Sorry po hindi ko naman sinasadya eh"sabi ni..... Marion?.
Teka paano napunta yang mga kupal na yan sa harapan ni Marion? Psh dapat sa mga ito may sariling daan eh para wala na silang mabangga. Bulag ba sila? Kahapon pa ah! Kahapon pa. Tsss.
Nakita ko rin yung kinakausap nya na sila Joaquin (sino pa ba?).Tapos nakita ko yung damit ni Joaquin may konting ketchup
"Okay lang, sabi mo naman na hindi mo sinasadya eh"sabi ni Joaquin at kumuha ng pampunas at pinunas doon sa uniform nya
"So.. Sorry" nanginginig na sabi ni Marion habang nakayuko.
"New ka rito diba?"
"H-ha?"
"Ang sabi ko New ka rito diba"sabi nya ulit at tumango naman si Marion ng dahan dahan. Nakita kong nagsmirk naman si Joaquin pagkatango ni Marion. "Ang rude ko naman kung hindi ko iwewelcome ng maayos ang new student sa school na ito"
Bakit ganoon parang kinakabahan ako sa gagawin ni Joaquin.Tumingin sya kay Charles at matamlay na binigay ni Charles yung inumin nya kay Joaquin. Ano naman kaya gagawin ni mokong na toh. Biglang binuhos ni Joaquin yung inumin sa ulo ni Marion. Lahat ng tao rito ay nagtawanan except saamin syempre.
Nanginginig na yung kamao ko na handa na syang sugurin anytime pero pinigilan ako ng dalawa.
Sumusobra na sya ah! Pati ba naman kaibigan ko ginaganyan nya! Nakuuu. Humanda na talaga sya saakin ngayon!
"Welcome to our school"sabi ni Joaquin na nakasmirk pa at yung bote ng inumin ay binigay kay Marion.
Nakakapikon na ha,at umalis lang na parang walang nangyari.Pinuntahan namin agad si Marion
"Okay ka lang ba?"sabi ni Ella.
Nakita ko naman umiiyak na sya,humanda talaga saakin yung Joaquin na yun.Kinuha ko yung bote na may konting inumin pa at dinagdagan ko ng tubig. Tingnan nalang natin kung hindi sya mababasa rito.Sumunod ako kila Joaquin,pinigilan man ako nila Ella at Cass hindi na ako huminto.Binuksan ko na yung bote at
"Hoy Joaquin!"sabi ko, tumingin naman sya saakin. Oppss wrong move hahaha. Pagakatingin nya saakin agad kong binuhos yung laman nung bote sa pagmumukha nya.
Ngayon it's a tie na sila ni Marion pareho silang basa.Tumingin sya saakin na hindi makapaniwala pati na rin yung mga kagrupo nya, nagchin up ako habang nakasmirk hahaha
At bago umalis. Kinrumple ko yung boteng hawak hawak ko at lumapit sakanya "Sa susunod, marunong ka dapat mamili ng pagtritripan mo ah? Hindi lahat, hindi ka kaya. Kaya wag kang nagmamataas!" sabi ko sabay bato sa pagmumukha nya yung boteng yun tsaka umalis na
Pasalamat sya at yun lang yung nagawa ko sakanya. Hahaha!
"WHAT THE?!" narinig ko na sabi nya.
"Joaquin, mukhang nakahanap ka na ng katapat mo ah" narinig kong sabi ni Charles ata?
"AISH! Mas mababa sya saakin" aba't!?!
Napahinto ako paglalakad papalayo at hinarap ulit sya.
"Babae sya eh" sabi nya ng nakasmirk. Teka teka... Minamaliit ba nito ang kakayahan ng isang babae? Eh kung masapak ko kaya toh at matauhan na.
Nakipagtitigan ako sakanya. Habang tumatagal painit ng painit ang titig namin. Kung pwede lang syang patayin sa titig, kahapon ko pa ginawa.
"Anong sabi mo? Mas mababa ako sayo? Aba't! Hoy! Ikaw! Namumuro ka na saakin ah! At kung makikipagtitigan ka lang saakin ngayon, aba wala ka pala eh!" sabi ko ng maastig pero ang totoo nyan, gusto ko ng matawa sa itsura nya. Naglakad sya papunta saakin
"Yan naman pala.Lalapit ka naman pala,pinatagal mo---"napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong
Yakapin ng mahigpit.
"Bitiwan mo nga ako hindi tayo close.At sino ka ba para yakapin ako! Weirdo!"sabi ko at tinanggal yung pagkayakap nya saakin
"Hindi mo ba ako nakikilala? Asa past mo ako"sabi nya.Bigla naman kumunot yung noo ko
"Huh?? Anong past? Pastpasin ko yang mukha mo eh! Kung asa past man kita matagal nakitang kinalimutan. Hindi ka worth it para maalala"
"Gusto mo bang malaman kung sino talaga ako"sabi nya. Teka teka gusto ko ba talagang malaman o napipilitan lang? At wala naman talaga akong pake kung sino sya eh.Kaya wag nalang
"Osige"sabi ng bibig ko. Taksil bibig, hindi masunurin kay utak!
Lumapit sya saakin kaya lumayo akong kaunti hanggang sa dumikit na ako sa pader,sya naman ay papalapit lang ng papalapit.
Bro malapit na yan ha sobrang lapit na yan.
"Girlfriend kaya kita"
Lumaki naman yung mga mata ko sa narinig ko at tinignan sya. Nakita ko naman syang nakasmirk at nagwink.
HINDI NGA?!
"Ulol! Don't me!Alam mo nasobrahan ka siguro ng inom ng tubig o juice kaya kung ano ano na ang pinagsasabi mo"awkward kong sabi. Paano ba naman! Halos magkadikit na kami. Ang awkward kaya. "Psh! Tabi nga!" sabay buhos sakanya nung water bottle na nasa side. Napaatras naman sya sa ginawa ko hahahha. Mapapakanta nalang talaga ako ng...
Basang basa sa ulaan!! Walang masisilungan. Walang malalapitan...ann
"HAHAHA. Iwasan mo muna yun ha nakakamatay kasi yun eh baka malunod ka nyan eh"sabi ko at pinalo ng sobrang hina yung pisngi nya. Dinaanan ko yung tatlong kamyembro pa nya, ayun nagpipigil ng tawa "Masama din ang nagpipigil ng tawa. Mauutot kayo nyan"
Narinig ko yung iba nagtawanan well nakakatawa nga naman silang pagtripan. Hahaha.
Habang naglalakad kami nila Cass, Ella at Marion sa classroom namin paulit ulit dumadabo saaking magagandang tenga ang mga sinabi nya saakin kahit na kwento ng kwento si Cass at Ella. Yun pa rin yung naririnig ko.
Girlfriend kaya kita
Girlfriend kaya kita
Girlfriend kaya kita
Tang*nang Joaquin yan ah!! Akala nya madadaan nya ako dun sa pagirlfriend girlfriend nya? Well nagkakamali sya! Hindi nya ako maiisahan sa trip nyang yan noh!