4: Batohang Bola

1554 Words
"Nice one, Lyn! Hahaha" sabi ni Cass at sumigaw sigaw "Sigurado ako hindi ka nun titigilan. Ang tindi ba naman ng ginawa mo sakanila" tss. Ang kj talaga netong si Ella kahit kailan "Ella naman. Maliit palang yun, compare mo sa pinagagawa nilang kalokohan sa iba" sabi ko habang kumakain ng fishball Ang weird nga eh habang palabas kami ng school nagtitingnan saakin yung mga tao tapos yung iba pa natatakot na saakin. I mean anong meron? Hahaha hmm mukhang napalitan ko na ata ng pwesto si Joaquin ah hehe. "Para ka ng girl version ni Joaquin! Tama nga si Charles, nakahanap na si Joaquin ng katapat nya. Hahaha buti nga" sabi ni Cass at kumain na ng isaw "Pero wait ano ba yung binulong nya sayo? Alam mo bang akala ng lahat na nagkiss kayo" sabi ni Marion. Eww! Siguro nakailang toothbrush ako pag hinalikan ako nun at siguro pinaglalamayan na sya ngayon. Argh! Iniimagine ko palang nagsisitaasan na yung balahibo ko. Aish! Ano ba yan "Tingnan mo nakapost na sa i********: and f*******:" sabi ni Cass at napairap naman ako. Mga tao nga naman napakamalisyoso na ngayon. Tss. Kinwento ko naman lahat ng sinabi nya saaking kasinungalingan "Weh sinabi nya yun?" sabi ni Cass na medyo nakanganga. Kakasabi ko lang kasi yung girlfriend girlfriend na pinagsasabi ni Joaquin.The fudge alam ba nya na hindi ako nakapagconstrate sa class ng dahil lang doon! "Diba may girlfriend na yun?"tanong ni Ella "Oo diba si Gizel na maarte pa nga eh.Baka naman napagkamalan nya ako........Pero ang layo grabe biruin nyo sya mapapagkamalan ako yung girlfriend nyang maarte.What the fudge! Mas maganda pa nga ako dun eh!" Paano ko nakilala? Oppss hindi ako stalker nung Joaquin na yun noh! Sadyang kalat lang. At alam nyo naman, kaibigan ko si Cass isa, sa mga chismosa "O baka kaya...."nagtinginan sila ni Cass at Ella. Eyecontact? "Baka naman ikaw yung long lost GF nya,baka ikaw yung greatest love nya"sabay nilang sabi "Huh? Sinong greatest love?" "Kathang isip lang yun Marion" sabi ko sabay inom nalang nung gulaman habang inexplain nila kay Marion yung tungkol sa Greatest love "Baka nga ikaw yun" pilit na sabi ni Ella. Ang kulit neto! "Asa pa hindi naman ako papatulan nun,sa ganda kong ito at sa panget nyang yun.Mga bro hindi match! Atsaka tigil tigilan nyo na nga yung kakasabi ng greatest love na yan, ang baduy!" "Tama nga naman, pero ako parin ang pinakamaganda"sabi ni Cass at rumampang pang beauty queen. "Sige rampa lang ha diretso ka lang. Hindi ka nyan maliligaw hahaha!"sigaw ko at tumakbo na kami ni Marion at Ella papalayo. The next day It's P.E time!Yeheeeyy! I super duper extremely love PE! "(Whistley) Goodmorning class Iam Mr. Gara and I will be your PE teacher this school year.Ngayon ang gagawin natin ay madali lang since 1st meeting palang natin I want to know all of you first. Alam nyo yung pasahan ng bola?" Pasahan ng bola? Boring! "Yes sir bakit po magpapasahan lang tayo ng bola ngayon ang boring nun sir!"sabi ni Drake. Tama! May utak din pala toh hahaha. "Teka lang hayaan mo muna akong matapos. Class, hindi tayo magpapasahan lang ng bola para mas more exciting magbabatuhan tayo.Una ibabato nyo yung bola sa gusto nyong batuhan tapos pagtumigil ang music yung may hawak ng bola sya yung magpapakilala dito sa gitna at kung sino man yung bumato sa kanya ay magdadare sa kanya.Gets nyo po ba?" "Pero sir laro nalang tayo basketball. Boys vs girls"sabi ni Kiddo Ang unfair talaga netong mga ito noh? Psh. "Osige laro tayo ng basketball pero ikaw ang magiging bola" sabi ni Sir. Ay game ako dyan sir hahah basta tong apat na ugok na toh ang bola hahaha. "Joke lang po sir" ehhh dali na Kiddo! Masaya yun! Mapupunta kayo sa ibang demensyon sa sibrang hilo hahahah. "Okay let's start" Nagstart na yung music una ipinasa ni sir kay molly tapos pinasa ni kiddo kay Chels tapos kay Naomi tapos kay Drake tapos kay Cass tapos kay Ella tapos kay Charles and so on hanggang dumating kay Joaquin para may hinihintay sya hinintay ba nyang magstop yung music para sya yung unang magpakilala?Oh may balak syang ipasa sa iba bago magstop yung music? "Joaquin bato mo na yan"sabi ni sir at papalapit ng pindutin yung botton pero bago yun biglang pinasa saakin ni Joaquin yung bola,medyo na palakas ata ipapasa ko na sana sa katabi ko pero too late kasi nagstop na yung music and thats all because of that stupid man! "Okay miss say your name and if you are a new student sabihin mo kung bakit gusto mong magaaral dito at kung saan kang school galing"sabi ni sir "Hello sainyong lahat ako nga pala si Evangeline Tampipi.Galing ako sa La Consolation Unversity of the Philippines I transferred here because I think it is a better school for me" pagpapakilala ko "At yung nagpasa sayo ng bola ay si Joaquin Delos Reyes"sabi ni sir.Sayang akala ko nakalimutan na ni sir yun. *Pout* "Okay Ms.Tampipi,ano kayang pwedeng dare sayo?"tanong niya sa sarili.Psh ano sya baliw?! Nakikipagusap sa sarili haha "Sir diba kahit anong dare?"tanong niya kay sir at tumango naman sya,tiningnan nya ako taas baba habang nagiisip ng malalalim.Hanggang tumigil siya sa labi ko. "Dare that and you're dead" sabi ko na may nalilinsik na mga mata. Nagsmirk naman sya saakin. "Are you threatening me?" tanong nya habang naglakad papalapit saakin. Bakit ba gusto gusto netong lumapit saakin?! "OO! Leche! Umayos ka nga!" Nakita ko naman sila Drake,Charles at Kiddo nagsingitian! "Kiss mo ako sa cheeks,magkabilaan ha"bulong nya.Hue na kahinga rin ng maluwag. Pero ano raw?!!! "Utot mo hinding hindi ko yun gagawin noh!" "Sir oh ayaw gawin"sabi nya.Nagsumbong pa parang bata talaga. Psh. "Ms. Tampipi nasasayang oras oh gawin mo na!"sabi ni sir. Ikikiss ko ba sya o wag na lang. Well wala naman siguro mawawala saakin kung ikikiss ko sya,pero nakakadiri kasi yung pagmumukha nya puno ng pawis! Pumikit ako at mabilis na... Tsup. Okay isa pa papalapit na sana ako sakaya kaso bigla syang... "G*go!" sabi ko sabay sipa sa ano nya tsaka umupo na Humarap ba naman sya saakin at muntikan na kaming maghalikan buti nalang kamo binuksan ko yung mata ko nun. "HAHAHAH OHH JOAQUIN" sigaw nung mga kaibigan nya. Pahiya ka ngayon Joaquin haha "Uy ano yun ha may bagong loveteam na namumuo sa section natin? Sabihin mo lang ngayon din magpapagawa ako ng banner para sa inyong dalawa"sabi ni Cass "Shonga. Kasi naman si Joaquin yung Dinare saakin ay ikiss ko sya both cheeks. Yuck! Ikikiss ko yung bakulaw na yun!"sabi ko "Oy grabe ka naman sa bakulaw.Ang pogi kaya nya"sabi ni Marion sabi ni Marion habang nakatingin dun sa gawi nila. "Sige wag nalang bakulang, Unggoy na lang hahahaha"sabi ko at uminom ng tubig. The next day (Lunch) "Ayun sya oh" "Okay yung plano natin ha wag kalimutan" "Sige bro basta libre mamaya ha" Habang kumakain ako kasama sina Cass at Marion,si Ella kasi may sakit kaya 1 week ata syang hindi papasok,sayang hindi namin maikwekwento sakanya ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari dito sa campus "Omg Lyn don't look now but look now"sabi ni Cass at tinuro yung asa likuran ko. Oh the Charmers daw! "Hayaan nyo sila kung hindi natin sila papansinin edi wala tayong magiging problema"sabi ko.Pero nagulat ako nung may bumagsak na plato sa table namin "Hi ladies. Makikiupo lang kami ah"sabi ni Kiddo ng nakangiti na para bang close kami. "Ang dami dami pang vacant seats oh pwedeng doon na muna kayo kasi nakakawalang gana eh" angal ko. Jusko! Nanadya ba sila? Nagpapansin? Tsss Palibahasa kulang sa pansin tong mga toh. "Lahat yan may nagpareserve na"sabi ni Joaquin "Edi tumayo nalang kayo kasi nauna na kami rito, diba?!" "Oh talaga asaan yung pangalan nyo rito kung sainyo nga ito" "Bakit may sinabi ba akong pagmamayari namin toh?!"pasigaw kong sabi "Um Guys pwedeng kumain na muna tayo, nagugutom na kasi ako at nakakaistorbo na tayo sa iba"sabi ni Marion "SO?!" Sabay pa naming sabi ni Joaquin. Nagkatinginan kami ng masama, gayagaya ba toh?! "Oh bakit ka nakatingin?!" leche. Ginagaya nya talaga ako oh! "Oy kayong dalawa! Timeout muna at kumain kaya kayo!"sigaw ni Cass at doon kami tumahimik tsaka padabog na umupo na magkahiwalay. Tsss ayoko ngang katabi yung unggoy na yun. Okay na sana yung dito sila sa table namin kumain kaso si Joaquin ay tumabi saakin edi mas nakakawalang gana.Bwiset! "Alam mo kung hindi ka kakain dyan in 5 seconds susubuan na talaga kita sa ayaw't sa gusto mo" "Try it and your dead"sabi ko at talagang tinotoo nya sibuan nya talaga ako "Shoot!" "Sweet naman ng pare ko!" "Ayos brad!"sabi ng tatlo at nagapir silang lahat. Tinignan ko naman yung dalawa ayun tumawa ng patago pero nung tumingin saakin at nakita yung deadly glare ko, ayun umayos na at nagpatuloy na kumain. Subukan lang nilang sumama sa pangaasar. Tass "Ano isa pa--AHH!" hindi natuloy yung pangaasar nya na isa pa raw dahil bigla ko syang piningot na pagkadiin diin. Eh ginawa nya pa rin kahit binalaan ko sya eh. Sorry sya "Aww awww aww" Para tuloy syang aso na tumatahol dahil nasasaktan hahaha. Buti nga. Ayaw kasing sumunod eh. Bleh! Binitawan ko na sya at kumain na ng tahimik na parang walang nangyari HAHAHA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD