2: Cellphone problems

1450 Words
At the classroom Ganito yung arrangements namin Vacant Ako! Ella Cass Wawa ako noh,nahiwalay ba naman ako sa kanila,kasi naman mas matangkad ako sa kanila eh at may pangalan pa sa bawat upuan namin kaya hindi kami pwedeng magkakatabi huhuhuhu.Pero okay lang atleast malapit sila saakin "OMG!! Andyan na sila!!"sigaw yung isang estudante sa labas. Sinong sila??! Narinig ko naman yung tilian ay alam na alam ko na kung sino yun.Lumabas na lahat ng kaklase namin maliban kami kaso wala eh hindi kami makatiis kaya lumabas narin kami. Pagkalabas namin ay bigla ko silang nakita may inaalipin "Eto oh linisin mo toh gamit ang damit mo"sabi ni Kiddo at yung nerd na boy ay sumunod naman,pinapahirapan nya nilalagayan pa naman ng putik pagkatapos nyang linisin!Langya! Namumuro na talaga saakin tong grupong toh ah. Pakainin ko kaya sakanila yung putik na yan. Tsss Nakita ko naman si Joaquin ay tumingin saakin at ngumiti ng demonyo,bagay sakanya DEMONYO! hahaha pero wag ka mas demonyo ako. Watch and learn, Joaquin. "Yun mga new rito,listen up! paghindi kayo sumunod saamin"sabi ni Drake "Ganito ang mangyayari sainyo HAHAH" dugtong ni Kiddo at nagapiran naman sila ni drake . Si Charles naman ayun tahimik lang na nakatingin sa pinagagawa netong dalawang toh at si Joaquin ayun nakatitig parin. Ano bang problema nitong lalaking ito?! Kaya tumalikod nalang kami at pumasok na sa classroom. "Oh ngayon nakita mo na yung kaya nilang gawin"sabi ni Cass "Oo sus yun lang eh kayang kaya ko yun upakan eh!"sabi ko,napaface palm tuloy yung dalawa "Ang hirap mo naman Lyn. Saan ka ba pinaglihi, sa bato ba? Ang tigas kasi ng ulo mo baka yung puso mo rin mas matigas pa sa bato"sabi ni Ella at tumalikod na. "Hi Joaquin"sabi ng isang babae.Lumaki naman yung dalawang mata nila Ella at ni Cass na sumilip saakin. So ibigsabihin kaklase ko sya sa buong school year. "Omg andito sya"bulong ni Casss natakot na takot "Hayaan nyo sila.Malayo naman sila saatin diba"sabi ko habang nagbabasa ng magazine.Nakita ko naman sila tumingin parin sa likod kung asaan sila Joaquin "Anong ginagawa nila?"tanong ko "Kanya kanya,Si Crake at si Kiddo nangchichix nanaman habang si Charles nakaheadphones tapos si Joaquin ay nagtetext"sabi ni Cass "Owww see hindi naman nila tayo tinitingnan diba"sabi ko at nagshooked sila ng head. Dumating na si sir matangkad,may apil at may bigote,mga mid 26 na ata toh.May kasunod syang maliit na cute na bata naalala ko tuloy yung kapatid ko noong baby pa sya cute ngayon acute na "Goodmorning class"sabi ni sir nagreet naman din kami "I am Mr. Galvez and I will be you computer teacher and as well as your adviser for the whole year."sabi nya at sinulat yung pangalan sa white board "Well kung ang bansa ay may batas pati rin dito sa classroom ay may batas rin" Lahat ata kami sumimangot nung narin yun eh,may batas pa parang elementary lang. Huhuhu Sir wag na!! "Sirr!!" angal naming lahat "Sa ayaw't sa gusto nyo magkakaroon tayo ng batas rito,okay let's start with the first one. NO NOISE are allowed here during classes,class may mga breaks naman kayo kaya preserve mo namuna yung chikahan nyo dito" Yung mga chismoso at chismosa ay biglang sumimangot haha buti nga nakakabanas din kasi paminsan eh, puro chismisan nalang. Psh. "Second NO FLIRTING inside the classroon/campus wala akong pakielam kung magflirt kayo sa labas ng campus pero sa loob ng campus/classrom BAWAL NA BAWAL iyan" Bery good sir! Dapat lang noh! Respeto naman sa mga walang lovelife, jusko. HAHAHA. "Third NO USING OF CELL-----" Toot toot toot Gosh hindi ko na silent yungcellphone ko,patay! Firstday na firstday confiscated ang cellphone. Bigay pa naman toh ni mama saakin. "Kanino yun?"tanong ni sir lahat sila tumingin saakin.patay nakahalata.Lumapit saakin si sir at naggive ng eye contact. Pick up the phone. You got a text! "Ms.Tampipi kung hindi mo mapapatahimik yang cellphone mamili ka aalis ka sa klase ko o I will confiscated yang cellphone mo" Pick up the phone. You got a text! Napapikit na lang ako kasi naman hindi ko alam kung paano tong isilent,sorry po taong bundok po ako hahaha.Pero help guys paano toh? Pick up the phone. You got a text! Nakakaleche pa yung ringtone. Sino ba naglagay neto? Nakakarindi ah! Ang corny pa. Tss Pick up the phone. You got a text! "MS.TAMPIPI!"sigaw ni sir, napatuloy agad ako sa sobeang gulat at umalis na. Dumaan ako sa likod at nagkatinginan kami ni Joaquin. Eh sa tanga ako nadapa tuloy ako at mas worst yung nangdapa pasaakin ay si Joaquin mismo, tumayo agad ako at umalis ng nakakunot ang noo Humanda ka talaga saakin Joaquin Delosreyes. Nagkamali ka ng pinupuntirya! Lunch Time Toot Toot Toot "Eh sino ba kasi yang katextmate mo at kanina pang kulit ng kulit sayo"sabi ni Ella habang kumakain "Hindi ko nga alam eh at hindi ko sya katextmate hindi nga ako nagrereply sa mga text nya eh" Pick up the phone. You got a text! "Tsk! Paano ba imute toh?! Buti sana kung matino tino yung ringtone eh hindi eh! Tss. Atsaka alam nyo, yang Joaquin na yan, simula yung nakita ko yung pagmumukha nun, nagkanda leche leche ang lahat. Tsk isa pang makita ko pagmumukha nun patay sya" gigil na sabi ko. Argh! Pahiyain ba naman ako ng sadya sa classroom. Tsss dapat talaga maturuan yun ng leksyon. "Chill, Lyn. First day pa lang naman eh" sabi ni Ella "Oo nga. Hays Patingin nga nyan. Bakit ka kasi bumili ng phone tapos hindi mo rin pala alam gamitin."sabi ni Cass at kinuha yung phone ko "Mama ko kasi bumili nyan pati yung simcard, yan yung dati nyang number. Sanay kasi ako dun sa de keypad. Hindi sa touch screen" Habang binabasa nya iyun natanaw ko naman yung grupo nila Joaquin ayun may pinagtritripan nanaman. Tsss. Bakit kaya hindi nila pagtripan ang mga sarili nila kesa pinagtritripan yung iba tutal mga g*go naman sila. Psh. "Talaga bang ganyan yang mga yan?" "Sino? Sila Joaquin ba?"tanong ni Ella at tumango ako "Gaya nga ng sinabi ko hindi sila ganyan dati,oo mga sikat din sila dati pero hindi naman ganyan ang ugali simula kasi nung maglaho yung greatest love ni Joaquin naging ganyan na sila nawalan ng direction sa buhay"sabi nya. Napatingin naman ako kila Joaquin na ngayon ay nasa table na nila Greatest love? Psh. Greatest love my ass. Mukha ngang hindi yan marunong magmahal ng tunay eh. Sa itsura palang mas hindi na katiwatiwala kesa sa gumagawa ng krimen eh. "Aish! Sino kayang girl magpapakatino dyan noh at kailan kaya yun mangyari?" tanong ko sasarili ko "Hay nako Lyn wag ka ng umasa kahit marami na yan nagiging GF iisa lang ang nagpakatino dyan" narinig kong sabi ni Ella "Who?" "Edi yung greatest love nya" napairap naman ako sa sinabi nya. "Lyn sino si bebs?"biglang tanong ni Cass "Bakit?" "Sabi nya kasi,'Hi bebs ganda mo ngayon hindi ka parin nagbabago' tapos 'Hi bebs musta na?' tapos 'In case you lost my number here it is' and the best part is 'Ikaw parin lyn ikaw parin ang mahal ko wala ng iba so please bumalik ka na saakin'"sabi ni Cass na nagiba yung boses "What the! Kung sino man yan ha nangaasar ba sya porket wala akong love life gaganyanin nya ako. Abaaaa subukan lang nyang magpakita saakin, bugbog sarado sya saakin. Tss" "Uy ang sweet kaya nya"sabi ni Cass na ubod ng kilig. "Oo nga agree ako don, so sino ba sya?"sabi ni Ella at pumunta kay Cass nakitingin sa mga text messages ng bebs kong kunyari. Pick up the phone. You got a text! "Isilent mo nga yan!"sabi ko nakakairita kasi yung tunog. Jusmiyo! "Sabi nya 'Natatanaw kita mula dito sa pwesto namin kung gusto mo rin ako matanaw tingnan mo ang paligid mo at may isa roon makikita na gwapong nakatingin sayo"sabi ni cass tumingin namana ko sa paligid ko at tingin nan yung gwapong nakatingin saakin daw at napatingin naman ako kina Joaqin na ngayon kasama ang mga gfs nila "Mukhang pinagloloko nya lang ako,Adik siguro yan"sabi ko tumayo na---"Ahhh!"sabi ko paano ba naman may nagtali ng shoes ko at yung hinulugan ko ba ay madumi na putik. Pagkatingala ko nakita ko naman si Joaquin, na malakas ang kutob kong may gawa nito, na tumatawa. Grabe galing din eh. Hindi halatang sya yung may gawa neto. "Okay ka lang ba?"sabi ng isang lalaki at tinulungan akong makatayo "Ay okay lang ako. Sige salamat"sabi ko at umalis na ng nakatali parin yung mga sapatos ko. Bwiset naman kasi si Joaquin eh! Pag ako talaga nagkachance na maghiganti sakanya. Itutuloy tuloy ko na talaga yun. Mas triple pa sa ginagawa nya saakin ngayon. Leche sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD