PANIMULA
Araw ng kasal ni Ivan at Layka.
Andito kami ngayon sa venue. Isang malaking lugar na kung tawagin ay Deluxed Hotel.
Sa entrance door palang nito ay may mga bulaklak na nakadisenyo sa gilid at pinaiikutan nang silk na telang puti.
Pagpasok naman sa loob ay mga naka hang na iba't ibang uri ng bulaklak. May telang nakadisenyo sa gitna na parang nakaballoon style ito. Sa pinakagitna naman ang malaki at sobrang gandang chandelier na kulay ginto.
Sa baba naman ay may mahahabang mesa na nababalutan ng kulay puting tela na pinatungan ng kulay na parang bughaw na langit. May mga bulakblak din ito sa gitna at mga porselanang plato, kubyertos na ginto, at pilak na baso.
Naka organized din kung saan uupo ang bawat bisita dahil sa nakalagay na maliit na board sa gitna ng bawat mesa. Sa gilid nang venue naman ay isang malaking swimming pool. May kiddie pool din para sa mga batang bisita. Kinaganda pa nito ay tanaw na tanaw ang magandang tanawin habang nag-suswimming ka o nakatamabay ka lamang sa labas. Sa sobrang ganda nang lugar hihilingin mong magstay pa nang mahabang araw para manamnam ang itsura ng lugar.
Nakaupo lang kami ni Ivan sa gitna habang nagkakasiyahan ang mga bisita at oras na ng pagkain.
Ang saya nila tingnan. Napalingon ako kay Ivan medyo namula pa ako nang makita ang gwapong mukha nito. Sa totoo lang, masaya din ako kasi ikinasal ako sa lalaking mahal ko. Wala na ako mahihiling pa bukod sa mailabas ko ang aming supling nang maayos at malusog na bata.
"Mahal subo na lalamig ang pagkain mo. O baka gusto mo iba ipasubo ko sayo? mas masarap diyan hahaha." pang-aasar ni Ivan.
Nagpout ako ng mukha para ipakita ang pagkainis ko nang bahagya. "Napaka pervert ng lalaking ito kahit saan nalang" wika ko nalang sa isip.
Habang abala ang iba. Tumungo ang tropa sa pwesto namin para makipagkulitan.
"Congrats prinsesa at Ivan. Grabe pala itong si Ivan ano ang bilis," wika ni Kenneth.
"Oo nga, gulat talaga ako ng malaman kong buntis na ang bestfriend ko," wika ni Trina.
"Ano ba kayo. Kapag mahal mo madaliin mo!" hiyaw ni Kaijoo.
Nagtawanan ang magkakaibigan sa sinabi ni Kaijoo.
"Loko! dapat mas igalang mo kapag mahal mo!. Kung anu-ano iniisip mo. Alam mo nahahalata ka talagang manyakol," saad ni Marie.
"Grabe ka talaga sa akin Marie aminin mo nalang kasi na may gusto ka sa akin kaya kung bara barahin mo ako ay ganun ganun lang," pagtatanggol ni Kaijoo.
"In your dreams, bleh," sagot ni Marie.
"Tumigil na kayo baka magkapikunan," pagpapahinto ni Kenneth.
Masayang nag-aasaran ang magbabarkada nang biglang may lumapit na magkapatid na bisita.
"Paumanhin sa aking paggambala nais lamang namin magkapatid batiin ang aking kaibigan nasi Ivan," wika ng lalaking lumapit sa amin.
"Uyy bro haha long time no see buti nakapunta kayo. Teka ito naba si Lesly yung iyakin mong kapatid noon haha," pang-aasar ni Ivan.
"Oo ito na si Lesly, ang totoo niyan kakauwi lang niya galing barcelona," wika ng lalaki.
"Nice to see you bro," bati ni Kaijoo.
"Salamat bro Kai."
"Teka ipakilala ko kayo sa mga kaibigan ko," alok ni Ivan.
"Sige bro."
"Guys ipapakilala ko pala sa inyo ang kaibigan ko. Ito si Yugo at ang balikbayan na kapatid nitong si Alice."
Nagtunguan ang magkakaibigan matapos ipakilala ang dalawang dumating na bisita.
"Yugo, si Layka asawa ko."
Napatingin sa akin si Yugo saka nag ayos ng suot nitong toxido bago inialok ang kamay sa akin para makipagkamay "Well hi Layka, I'm Yugo and this is my sister, Alice," mahinang wika ni Yugo.
"Hi, nice to meet you," bati ko sabay hawak sa kanilang kamay. "Salamat sa pagdalo," dagdag ko pa.
"Nice wife bro, magaling kang pumili."
"Haha syempre bro. And this is Marie and Trina."
"Hi girls," bati ni Yugo.
"Hi, " sabay na bati ng dalawa.
"Ehem presko," bulong ni Trina kay Marie.
Ngumisi lamang si Marie bilang sagot kay Trina.
"And this is our class president, Kenneth,"
"Nice to meet you."
"Nice to meet you too Yugo and Alice," sagot ni Kenneth.
"Paano bro alis muna kami. Doon lang muna kami sa table. Puntahan lang namin kasamahan namin."
"Sige usap nalang tayo mamaya."
Umalis na ang magkapatid para tunguhin ang mga kaibigan. Naiwan naman kaming magkakaibigan at pinagpatuloy ang kwentuhan.
"Ang presko naman ng guy na yun," wika ni Trina.
"Yeah your right," pagsang-ayong sagot ni Marie.
"Mabait yung kaibigan naming iyon. Nakasama namin iyon sa Japan ni Insan," paliwanag ni Kaijoo.
"Hahaha oo mabait iyon kasama din siya sa grupong sinalihan namin ni Kaijoo na ako ang ginawang leader. Yung kapatid lang niya. Medyo balat sibuyas," paliwanag naman ni Ivan.
Tumango lamang ang magkakaibigan sa sinabi ni Ivan bilang pagsang-ayon.
Habang naglalakad ang magkapatid.
"Grabe kuya ang gwapo pa din ni Ivan sayang lang at may asawa na," wika ni Alice na napayuko at napabuntong hininga.
Ngunit hindi umimik si Yugo. Nanatili itong nakatingin sa malayo na tila may malalim na iniisip.
Napalingon ito kay Yugo nang mapansin ang hindi pagsagot nito. "Hoy kuya nakikinig kaba?," tanong ni Alice.
"Ang ganda ni Layka," sagot ni Yugo.
"Huh?."
"I mean. Nakita ko lang siya sa picture sa social media account ni Ivan. Pero totoo pala ang balita na maganda daw yung Layka. At napatunayan ko yun after ko siya makita kanina."
Nakarating sila sa mesa at sabay na naupo dito.
"So?. Huwag mo sabihin sa akin na may pagtingin ka sa kanya. May asawa na siya remember."
"I know Alice. Wala naman masama kung kakaibiganin ko." Tumingin si Yugo sa pwesto namin ni Ivan.
Sa mga oras na ito medyo hindi ako mapakali at pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin sa akin si Yugo. Nakangiti ito sa akin sabay kindat pa. Tipong nagpapahiwatig ng kung ano. Masama ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Parang may itinatagong baho sa katawan.