bc

Pag-ibig Nga Muli

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
inspirational
student
drama
sweet
bxg
campus
highschool
first love
friendship
passionate
like
intro-logo
Blurb

Hanggang saan ang kaya mo itaya para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan kung ikaw nga ba ang ipinaglalaban? Para kay Charlene, handa siyang muling sumugal makasama lang muli ang una niyang pag-ibig, si Denver.

chap-preview
Free preview
Simula
Ilang beses kong pinapatunayan sa sarili ko na mali ang matatanda sa sinasabi nilang, "Kung ano ang puno ay siya ring bunga." Gusto kong ipakita sa kanila na ang noon, panahon nila, ay hindi na gaya ng ngayon, panahon namin. Ngunit, dahil sa kauhawan, nalunod lamang ako at nabaon ng sandamakmak na pagkakamali. Sumugal ko. Sumugal nang paulit-ulit hanggang sa lahat ng pantaya na mayroon ako ay natalo. Hindi ko alam na sa murang edad ay may malambot pa lang akong pondasyon at hindi pa ako dapat magmalaki at magmarunong. Sapagkat sa mga panahong iyon, ang alam ko lamang ay tumaya at hindi kung paano makipaglaro. Ang mga barahang nilalaro ko ay walang panama sa barahang pinaiikot ng tadhana sa ilalim ng pangalan ng kapalaran. Oo, naging mapagmataas ako, na siyang naging primerang dahilan kung bakit ang alas na nakuha ko sa kalagitnaan ng laban ay nagawa kong pakawalan. Isa akong malaking hangal. Hawak ko na, e. Abot-kamay ko na. Pinakawalan ko pa. Sino'ng nasa katinuan ang gagawa ng iyon, hindi ba? Ako lamang. At ngayon, magtatanong-tanong ako sa kanila, sa sarili ko, sa Kaniya kung bakit ako naiwang luhaan, ubos na ubos, sa gitna ng mesang pinaglalabanan namin? Kung p'wede lamang pihitin pabalik ang mga nagdaan, ayusin ang mga nasira, at ibahin ang kuwentong naisulat na sa libro ng buhay, ginawa ko na. Lahat sana ay nasa ayon ngayon. Ngunit, ito ang reyalidad. Ito ang kapalit sa mga desisyong isinagawa, sa mga planong isinakatuparan. Ito ang dapat kong yakapin ngayon at panibagong kahangalan kung sosolusyonan ko ito ng panibagong pagtakbo. Hindi ko ito dapat takasan. Hindi ko na ito dapat pang takasan. Inilakad ko ang mga paa ko papuntang dalampasigan. Malapit sa dagat ang bahay naming yari sa tagpi-tagping yero't tabla, at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng pamilya namin. Ganoon din ang uri ng bahay at pamumuhay ng mga tiga-rito, ngunit maituturing na mas maganda ang tirahan at buhay namin kompara sa iba. Naupo ako sa basang kulay abong buhangin at hinayaang sumabay sa pagsayaw ng tubig-alat ang pares kong paa. Nilalamon na ng kapulahan ang paligid dahil sa papawala ng araw. Maging ang simoy ng hangin ay nagsisimula nanv lumamig. Habang nakasuporta ang magkabilang braso kong nakatukod sa buhangin, malaya kong pinalalayag ang paningin ko sa malawak na dagat. Ang nag-aagawang kulay pula't kahel na nasasalamin dito ang mas nagpapaganda ng tanawin. Nagpapaganda, oo. Marahil sa iba'y ganoon. Ngunit, para sa aking nangungulila't nagsisisi, para itong napakatamis na bangungunot. Mukha ng lalaking pinakamamahal ko ang tanging naididkit ko sa kasalukuyang larawan. Siya at siya lang. Bawat anggulo, bawat piraso ng lugar, bawat elemento ng eksena, ang katauhan niya ang naipagtatagpi-tagpi ko. Kumusta na kaya siya? Masaya kaya siya sa kinaroroonan niya? Masaya kahit wala ako? Ako pa rin kaya ang madalas na nasa isip niya? Pangalan ko pa rin kaya ang sinisigaw ng puso niya? O, dala ng mga nabaling pangako, masasakit na katagang namutawi sa bibig ko, ay ang paglimot din niya sa minsang naging mukha ng pag-ibig para sa kaniya? Siguro, may mahal na siya ngayong iba. May bagong nag-aalaga. May bagong nagpapasaya. Siguro'y ganoon na nga. Kinalimutan na nga niya siguro ako. Hindi na nga siguro ako sumasagi kahit sa gunita man lang niya. Natapunan nga siguro ng tubig at nabagsakan ng malalaking bato ang babasaging baraha namin kaya kahit pag-isa-isahin pa namin ang pinong bubog ay hindi na mabubuo pa. Masusugatan lamang kami pareho. Sa tuluyang pamamaalam ng araw sa mundo ko ay siyang patugtog ko rin ng awiting malaki ang naging bahagi sa kuwento naming dalawa. Looking in your eyes, I see a paradise. This world that I found is too good to be true. Standing here beside you, want so much to give you this love in my heart what I’ m feeling for you. 'Tila isang napakagandang mahika ang kantang ito na nagdala sa akin sa kabanatang gusto ko muling mamayani sa kasalukuyan. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang itong puso ko ang muling sumugal...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
2.0M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
60.7K
bc

The Ex-wife

read
242.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Governor Hidden Mistress

read
63.0K
bc

Lara's Seduction

read
184.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook