2nd Smudge

2289 Words
"NAIPASA n'yo na ang thesis n'yo, 'di ba? So it means, maluwag na ang schedule mo. Hinihintay n'yo na lang naman ang final defense n'yo, right?" "Yep, why?" tanong ni Berrie sa personal assistant at road manager niyang si Boo nang hindi inaalis ang tingin sa phone niya. Katabi niya lang ang PA pero hindi niya iniintindi ang mga sinasabi nito. May cameo role siya sa isang drama kaya hatid-sundo siya ni Boo buong-araw. Ini-stalk kasi niya si Stacy, ang bagong f**k buddy ni Nathan. Sa isang taon na pag-o-observe niya sa lalaki, natutunan na rin niya ang pattern nito pagdating sa mga babae. May flavor of the month ito dahil buwan-buwan, iba-ibang girls ang inuuwi ng lalaki sa condo. Minsan nga, dalawa ang pinagsasabay nito sa isang buwan. Sigurado siyang hanggang kama lang ang relasyon ni Nathan sa mga babaeng iyon dahil tuwing gabi lang naman niya nakikita ang mga karibal niya. Natigilan si Berrie nang makita ang isang picture sa ** ni Stacy. Nakalingkis ang lintik na babae sa leeg ni Nathan na nakangiti pa. Wow. Ngayon niya lang nakitang nakangiti si Nathan. Naiinis na inihagis niya ang phone sa pinakalikod na bahagi ng van kung saan siya kasalukuyang nakasakay. "Nakakainis ang girl na 'yon. Natikman na niya ang Nathan ko. Eh, kung sa ganda lang, mas maganda naman ako. Mas malaki lang ang boobs niya nang very light." "'Kaloka 'tong babaeng 'to," iiling-iling na sabi naman ni Boo. He was gay and fat, thus the nickname Majin Boo, a reference from a famous animé series which featured a cute and big character with pink skin. Pero cute si Boo dahil parating naka-man bun ang buhok nito. Maputi rin ito at singkit. Kaya nga ganoon ang tawag dito. "Kanina pa 'ko dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig." Parang batang pumadyak si Berrie, saka siya humalukipkip. "Nakakainis naman kasi si Nathan. May bago na naman siyang flavor of the month. Akala ko may chance na 'ko after he dumped Karen. Pero ilang days pa lang ang lumilipas, may Stacy na siya." "'Te, remind lang kita, hindi mo siya jowa. It's none of your business kung may bago siyang fubu kaya huwag kang mag-emote d'yan," sermon ni Boo. Dahil matagal na niyang kasama si Boo, naging close friends na rin sila. Kaya nga nakakapagsalita ito nang ganoon sa kanya. "Saka hindi ka pa nasanay. Sa isang taon mong pagsunod-sunod sa lalaking 'yon, never naman siyang nabakante nang matagal, 'di ba? May pagka-f**k boy din 'yang teacher mo, eh. In all fairness, hindi halata sa unang tingin. Mukha kasi siyang good boy." "Hindi ko na teacher si Nathan," naiinis na sabi ni Berrie. "Anyway, I don't want to talk about his women. Ano nga pala 'yong sinasabi mo kanina?" "Ngayong maluwag na ang schedule mo, gusto ni Miss Ariella na tanggapin mo na 'yong movie offer sa 'yo. 'Yong sexy horror film," sabi ni Boo na ang tinutukoy na Miss Ariella ay ang talent manager niya. "Matagal na raw ang two-year hiatus mo. Gusto uli niyang maging active ang career mo ngayong ga-graduate ka na." "I do TV guestings naman," katwiran ni Berrie. "Kumikita pa rin naman siya sa 'kin, 'di ba? Saka I don't want to accept that movie offer. Nabasa ko na ang script at nakita kong may super passionate bed scene akong kailangang gawin na wala namang kinalaman sa ikagaganda ng movie." Sumimangot siya nang may maisip. "Saka alam ko naman ang plano ni Miss Ariella. Gusto niyang maging sexy ang image ko dahil feeling niya, malalaos na 'ko kung hindi pa 'ko magle-level up, tulad ng ginawa niya sa iba niyang talent." "Eh 'di ba, gusto mo rin namang maging mature na ang image mo?" maingat na tanong naman ni Boo. "Sabi mo before, sawa ka na sa pa-tweetums mong mga role. Saka ayaw mo na ring gumawa ng rom-com. So bakit ayaw mo pang tanggapin ang movie offer?" "Boo, iba naman ang pagiging sexy sa paghuhubad sa harap ng camera just to save my career," katwiran niya. "It's a very desperate move. It's not like palaos na 'ko. Ako naman ang nag-decide na mag-hiatus. Makakabalik naman ako kapag gusto ko. Masyado lang paranoid si Miss Ariella. And she's too greedy. Kahit anong role na lang, ipipilit niya sa talent niya para lang magkaro'n siya ng commission. Gumaganti lang siya kasi feeling niya, nalugi siya sa 'kin no'ng nag-hiatus ako." Ang network na may hawak sa kanya, supportive sa desisyon niyang mag-aral muna. Hindi naman kasi niya tinalikuran ang mga project niya. Nagpasya siyang mag-break noong time na hindi na ganoon karami ang naka-line up na trabaho para sa kanya kaya wala siyang naging problema. Ang tumutol lang nang bongga sa desisyon ni Berrie ay ang manager niyang si Miss Ariella. Pero wala naman itong nagawa dahil nakausap na niya ang mga big boss nila. Kaya siguro ngayong hindi na siya busy sa school ay gusto na agad siyang pakinabangan ni Miss Ariella. To make up for lost time, perhaps. "'Buti sana kung maganda ang dahilan kung bakit kailangan kong gumawa ng bed scene," pagpapatuloy pa rin ni Berrie sa hinanakit niya. "Eh, hindi naman. My character will die after making love to her boyfriend. So what's the point of including that scene in the film? Obviously, they want me to show too much skin kasi feeling ni Miss Ariella, 'yon ang effective way para maging sexy agad ang image ko." Bumuntong-hininga si Boo at binigyan siya ng tinging puno ng simpatya. Iyon ang dahilan kung bakit ang lalaki (o gay) ang pinili niyang maging PA at road manager. "All right, gets naman kita. Hindi ko rin naman gusto ang ipinapagawa sa 'yo ni Miss Ariella." Binigyan niya ng apologetic na ngiti ang kaibigan. "Sorry din kung sa 'yo ko naibuhos ang inis ko, Boo." "Wala 'yon, 'no," natatawang sabi naman nito. "Anyway, sasabihin ko na lang kay Miss Ariella na sobrang busy mo pa rin kaya hindi mo pa siya mapupuntahan. But I'm telling you, hindi ko na mapapatagal pa ang pag-delay sa pakikipag-meeting mo sa kanya." Bumungisngis si Berrie at niyakap si Boo. "Thank you, Boo! You're the best!" "Bolera," natatawang sabi nito, pagkatapos ay tumingin sa paligid nang huminto na ang van. "O, nandito na tayo sa building mo. Gusto mo bang ihatid kita sa unit mo?" "Nah, I can take it from here," nakangising sabi naman ni Berrie. "Bibisitahin ko pa si Nathan ko, eh." Napairap si Boo. "See you tomorrow, baby girl." "Bye," sabi lang niya, saka bumaba ng van habang isinusuot ang kanyang face mask. Well, alam naman ng mga ka-building niya na siya ang artista na si Berrie Diaz. Nakasanayan na lang niyang magsuot ng ganoon. Plus, she liked her chic and cute masks. This time, kulay-black ang suot niyang maskara na may disenyong plump red lips. Trademark na niya ang pagsusuot ng ganoon. Naglalakad na si Berrie papunta sa underground elevator nang mapansin niya ang kotse ni Nathan. Sa isang taong pag-o-observe niya sa lalaki, kabisado na niya pati ang plate number at brand ng sasakyan nito. Balak lang sana niyang hawakan ang kotse ni Nathan na madalas niyang gawin. Para lang madama ang bahagi ng pagkatao nito. Pero natigilan siya nang makitang nasa loob pa ng kotse ang lalaki. Ibinaba ni Berrie ang suot na maskara. Napangiti siya nang magtama ang mga mata nila ni Nathan. Kinawayan pa niya ito. "Hi, Sir Nathan!" As usual, tiningnan lang siya ng lalaki. Kumunot ang noo ni Berrie sa pagtataka. Sa kakatitig niya kay Nathan, kabisado na niya ang iba't ibang klase ng pagsimangot nito. His frown right now meant he was problematic. Hindi rin niya alam kung paano niya nasabi. Mabilis siyang lumapit sa kotse at marahang kinatok ang salaming bintana. "Hey, Sir Nathan. What's wrong?" Hindi siya nito tiningnan. Nagulat si Berrie nang bigla na lang na-unlock ang pinto ng passenger seat. She took it as an invitation kaya sumakay na siya. Kung normal na pagkakataon iyon, baka malaswang rason na ang naisip niyang dahilan ni Nathan dahil first time siya nitong imbitahan. Pero hindi, eh. Kasi alam niyang may problema ito. Nahalata niya ang amoy ng alak na humalo sa mabangong amoy ng kotse ng lalaki. "You're drunk?" kunot-noong tanong ni Berrie. "Nakainom lang ng kaunti," tanggi ni Nathan, saka sumandal sa headrest at pumikit. Napansin niyang namumula ang mukha nito. Ah, lasing nga. Mabuti nakapagmaneho pa ito nang maayos. Napansin din ni Berrie na bukas ang tatlong butones ng polo ng lalaki kaya lantad na lantad ngayon ang maputi at halatang matigas nitong dibdib. Napalunok siya, parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Ipinaraan tuloy niya ang dila sa ibabang labi. But only if she could, she would rather run her tongue on his chest, and all over his obviously rock-hard body. Lord, ang yummy po niya. Nagtuloy-tuloy ang paglalakbay ng mga mata niya sa forearms ni Nathan na makikita naman dahil nakatiklop sa mga siko nito ang suot na tailored polo. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela kaya siguro lumabas ang mga ugat sa mga braso nito. It only made his arms look sexier. Mabilis na pumikit si Berrie at umiling-iling. Kinalma niya ang sarili dahil kung hindi, baka dambahin niya si Nathan. She was close to jumping all over him. Sobrang hot naman kasi ng lalaking ito! "Berrie, I might have STD. Worst case scenario, I might be a father soon." Biglang nagmulat si Berrie dahil sa sobrang gulat. Sumalubong sa kanya si Nathan na nakatingin na pala sa kanya. Halatang problemado ang guwapo nitong mukha. "Excuse me?" "Last night, while Stacy and I were doing it, the condom fell off," halos pabulong na pagkukuwento ng lalaki, may bahid ng takot sa boses. "Pero hindi agad kami huminto. I withdrew before... before you know. But I can't be too sure. I can't even remember what exactly happened between us." "Bakit hindi ka nag-iingat?!" naiinis na tanong niya. "Withdrawal is still dangerous, Sir Nathan." Namula ang mukha ni Nathan at nag-iwas ng tingin. Napahiya yata ang lalaki dahil napakamot ito sa batok. "I know. But I was too horny and too drunk last night to think straight. No'ng nahimasmasan na ako kaninang umaga, do'n ko na-realize ang mali ko. What if Stacy's not clean? Worse, what if I get her pregnant? She didn't mention being on birth control." Naiinis na tinapik nito ang busina dahilan para mag-ingay nang ilang segundo ang kotse. "s**t. That was so stupid and so careless of me." Tumango-tango si Berrie. She was seriously bothered by the possibility of Nathan fathering a child. Mabuti sana kung siya ang ina. Pero hindi, eh. Mahirap pagnasaan ang lalaking may anak na. Sa karibal pa niya! Ngumisi nang mapait si Nathan. "Hindi ko rin alam kung bakit sa 'yo ko 'to sinasabi. I don't know who else to turn to. My friends would just probably laugh at me." Biglang natauhan si Berrie. Sinabi sa kanya ng lalaki ang problema nito. Imbes na isiping wala lang itong choice, inisip na lang niya na baka may tiwala ito sa kanya. Mabilis gumana ang isip niya sa paggawa ng paraan para matulungan si Nathan. "First things first. Kailangan muna nating makasiguro na wala kang nakuhang kahit anong sakit, since hindi n'yo naman pala napag-usapan ni Stacy kung regular ba ang pagpapa-check up niya. How about you?" "I do regular check-ups," mabilis na sagot naman nito. Nang muli itong magsalita, pansin niyang may takot na naman sa boses ng lalaki. "Though I'm... I'm kinda scared to do that now. Natatakot ako na baka mag-positive ako sa STD." "Naiintindihan ko ang fear mo, Sir Nathan," maingat na sabi ni Berrie. "Pero ikaw ang may gawa nito sa sarili mo. Hindi mo na mababago ang nangyari so you have to face this. Ngayon mo mas kailangang magpa-check kung malinis at safe ka pa. If ever mangyari man ang kinakatakutan mo, makakagawa tayo ng paraan para maagapan 'yon, 'di ba?" Nanatili lang nakatitig sa kanya si Nathan. This time, she couldn't read his emotion. "I mean, mas okay 'yon kaysa sa maglasing ka uli, 'di ba?" biglang bawi niya, just in case masyado na siyang naging commanding. "Baka mamaya kasi, makipag-unprotected churvahan ka na naman nang hindi planado. Makaka-jackpot ka na talaga kapag naulit pa 'yon." Napakurap-kurap ang lalaki pagkatapos, bigla itong tumawa. Malakas, buhay na buhay, at masarap sa pandinig. Wow, even his laugh was sexy. Kumunot naman ang noo ni Berrie. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Mabilis namang umiling si Nathan. Mukhang nahimasmasan na ito, pero hindi na nawala ang magandang ngiti sa mga labi. When he turned to her, his smile turned grateful. "Natatawa lang ako sa sarili ko dahil natakot ako sa bagay na hindi pa naman nangyayari." Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. "Thank you, Berrie. Salamat kasi hindi mo 'ko pinagtawanan sa problema ko. You also encouraged me to do the thing I was afraid of. Dahil sa 'yo, kumalma na 'ko." Ngumiti lang si Berrie. In all fairness, for the first time, she felt something else aside from lust. Nag-init uli siya, pero sa dibdib na. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya, idagdag pa ang pangingiliti ng kung ano sa kanyang tiyan. Hindi na siya teenager pero kinilig pa rin siya. Ang cute kasi ng ngiti ni Nathan. Saka nakakatuwang malaman na napagaang niya ang loob nito. Pero umaasa pa rin siya na sa susunod, sa ibang parte naman ng katawan niya maramdaman ang mainit at malaking kamay ni Nathan... Stop, saway ni Berrie sa sarili. He needs a friend right now, okay? Control your hormones. Tinanggal na ng lalaki ang kamay nito sa ulo niya. "Would you like to have coffee with me, Berrie?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD