NAKAPALUMBABA si Berrie habang masama ang tingin sa mataas na baso ng kape niya. Naiinis siya sa sarili dahil tinanggihan niya ang offer na kape ni Nathan noong isang linggo, pagkatapos, nakuha pa niyang mag-coffee ngayon. Bakit ba kasi tinanggihan pa niya ang lalaki?
Eh, kasi po, kung nagtagal ka pa with him, baka hindi mo na nakontrol ang sarili mo.
Just talking to him that night already made her so wet. In fact, when she got home, she has to touch herself before she could concentrate on anything. Ganoon kalakas ang epekto ni Nathan sa kanya. Pati hormones niya, baliw na baliw sa lalaki. Not that she could blame her hormones. He was a six feet male of pure hotness. Every inch of him screamed s*x. Great s*x, at that.
Baka kung nagtagal pa siya sa kotse ni Nathan nang gabing iyon, dinamba na niya ang lalaki. Baka ma-trauma pa ito sa kanya at layuan siya. Kung kailan pa naman kinakausap na siya nito.
Pero pinagsisisihan talaga ni Berrie ang pagtanggi niya kay Nathan. Walang araw sa isang linggong lumipas ang hindi siya nanghinayang. Nagkataon pa na sobrang busy naman siya sa pagpa-practice ng thesis defense kasama ang mga kagrupo at may mga taping naman siya ng mga TV guesting niya sa gabi kaya hindi na siya nakakasilay sa kasexyhan ng former instructor niya.
Heto siya ngayon sa favorite coffee shop ni Nathan, ang Hot & Cold. Tuwing umaga kasi, dumadaan doon ang lalaki kaya umaasa siyang magkikita sila bago siya pumasok sa university. Pero isang oras na siya roon, ni anino ng lalaki ay hindi pa rin niya nakikita. Kailangan pa naman niya ng inspirasyon at good luck charm bago ang thesis defense nila mamaya.
"Hi, Berrie."
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Today, she wore her white mask with a stitched mouth design. Pero hindi ang pagkakakilala sa kanya ang ikinagulat niya. Nagulat siya sa kung sino ang walang paalam na umupo sa bakanteng silya sa tapat niya. Hinubad niya ang mask. "Alexis."
Ngumisi si Alexis at sumaludo. "I'm flattered na kilala mo pa rin ako."
Sumimangot lang si Berrie at hindi niya iyon pinagkaabalahang itago.
Ang Hot & Cold Café ay coffee shop na malapit sa condo building na tinitirhan niya. Karamihan sa mga customer doon ay kapitbahay niya kaya immuned na ang mga ito sa kanya, pati ang mga staff. Meaning, hindi siya tinatrato bilang celebrity. She was a normal resident in their area, which was totally fine with her. Gusto niya ang katahimikan dito kaya naiinis siya na may taga-showbiz na bigla na lang siyang guguluhin.
Si Alexis, isang matandang showbiz reporter na nasa late fifties na, ang pinakamalaking buwisit sa buhay niya. Mula noong sumali siya sa TNTR, wala na itong isinulat na maganda tungkol sa kanya. Hindi kasi siya nagbabayad ng press para lang magsulat ng PR article para sa kanya.
Noong nag-hiatus si Berrie, isinulat nitong si Alexis na buntis siya at may nakakita sa kanya sa isang ospital kahit na noong araw na iyon ay kausap niya ang dean ng college para sa pagbabalik-school niya.
This is showbiz, ladies and gentlemen.
"I heard you're having a comeback movie," pagpapatuloy ni Alexis nang hindi siya nagsalita, nakangisi pa ang matanda. "A sexy horror movie, at that. May eksena ka raw na maghuhubad ka?"
Naikuyom ni Berrie ang mga kamay. Kilala si Alexis bilang pinakataklesang showbiz reporter kahit na lalaki ito kaya hindi na siya nagulat sa bastos na lumabas sa bibig nito. Pero nakakagalit pa rin. Still, she composed herself and smiled sweetly. "I heard you have a daughter that is around the same age as me. Hindi ka ba natatakot na siya ang makarma sa kabastusan mong 'yan sa ibang babae? Sana lang, walang masamang mangyari sa kanya dahil sa kasalanan ng daddy niya."
Nagtagis ang mga bagang ni Alexis. "Huwag mong idadamay dito ang nag-iisa kong anak."
Ngumisi lang si Berrie. Kontento na siya na nasira na niya ang araw ng matanda. At least, nakaganti na siya sa pagsira nito ng umaga niya. "Never ka namang naging credible reporter kaya hindi na 'ko nagulat kung bakit mali rin ang tsismis sa 'yo ng source mo." Tumayo na siya at tiningnan pababa ang matanda na masama ang tingin sa kanya. "Have a good day. Mukhang kailangan mo kasi ng magandang araw para naman hindi mo naiisipang magsulat ng kuwento na nakakasira sa buhay ng iba."
Nagmura si Alexis.
Umirap lang si Berrie at naglakad na palayo. Itinapat niya uli sa kanyang bibig ang chic face mask, saka siya naglakad na parang beauty queen. Todo-sway ang baywang niya at talagang pinapatunog niya ang takong ng kanyang pump shoes sa marmol na sahig. Kahit naka-corporate attire siya, sexy pa rin siya sa suot niyang black blazer at pencil skirt. Hindi siya mukhang teacher, hindi gaya ng iba niyang blockmates. Nakita niya kasi ang selfie ng ilan sa mga kaklase niya sa i********:.
"Berrie Diaz!"
Hindi huminto si Berrie sa paglalakad kahit na narinig niya ang galit na pagtawag sa kanya ni Alexis. Bigla lang siyang napahinto nang hawakan ng matanda ang braso niya at pilitin siyang pumihit paharap dito. Dahil sa biglaang pag-ikot niya, nawalan siya ng balanse. Sa taas ng mga takong niya, natapilok siya at bumagsak sa sahig. Tumama ang mga tuhod niya sa magaspang na kalsada, pero ang mas nagpangiwi sa kanya ay ang paghila ni Alexis sa braso niya na hawak pa rin nito nang subukan siguro nitong itayo siya. Pero lalo lang siyang nasaktan sa ginawa ng matanda.
"Hey!"
Nabigla si Berrie nang bigla siyang bitawan ni Alexis. Bago siya bumagsak sa kalsada, naitukod niya ang mga kamay sa magaspang na daan. Pero lahat ng sakit na naramdaman niya ay nawala nang makilala niya ang boses na iyon. Nang tumingala siya, kinilig siya nang bongga nang makita si Nathan. Well, nakatalikod ito at kaharap si Alexis. Pero siguradong siyang ang lalaki iyon.
Bumaba ang tingin ni Berrie sa round and hard butt ni Nathan. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil. Heto nga't nakaluhod na siya sa kalsada at may sugat pero kung ano-ano pa ang naiisip niya. Though come to think of it, kung haharap lang si Nathan sa kanya ngayon, perfect na sana ang posisyon niya para hawakan ito sa matitigas nitong hita at bigyan ito ng...
"Alam mo bang harassment ang ginawa mo kay Miss Diaz ngayon lang?" iritadong tanong ni Nathan kay Alexis. Kahit nakatalikod, halata sa boses nito ang inis kaya siguradong nakasimangot ito.
"Wala akong ginagawang masama, ha," mabilis na kaila naman ni Alexis. "Aksidente ang nangyari," paliwanag nito, saka nagmamadaling umalis.
Sa gilid ng mga mata niya, nakita ni Berrie ang matanda na tumakbo papunta siguro sa kotse nito.
"Berrie, are you hurt?" tanong naman ni Nathan nang lumuhod ito sa tabi niya. "I'll help you get up."
Pinigil ni Berrie ang sariling mapaungol sa sarap nang akbayan siya ni Nathan at akayin patayo. Ang titigas ng mga braso nito! Sinadya rin niyang sumandal sa dibdib ng lalaki, at wow, heaven. Matigas din! Solid na solid ang katawan ng lalaki. Ganito rin kaya katigas ang junior ni Nathan?
Hindi na niya napigilang mapabungisngis dahil sa naiiisip niyang kalaswaan. Hindi na talaga siya makapag-isip ng hindi bastos tungkol kay Nathan. Nagiging pervert siya dahil sa lalaking ito.
"Sa lahat ng nasaktan, ikaw lang ang kilala kong masaya pa," iiling-iling na sabi ni Nathan habang tinutulungan siyang umupo sa baitang ng hagdan ng front porch ng café.
"Alam mo naman siguro kung bakit," masaya pa ring sagot ni Berrie. Sa sobrang kilig niya, hindi na niya nararamdaman ang hapdi ng kanyang mga sugat. "First time mo 'kong niyakap, eh. Kung ganito ang reward tuwing guguluhin ako ng mga makukulit na reporter, I will embrace them with open arms."
"Hindi kita niyakap," kaila naman ng lalaki saka ito lumuhod sa harap niya habang nakatingin sa kanyang mga tuhod, partikular na sa kanan na namumula dahil sa sugat. Pumalatak ito. "May gasgas ka sa tuhod. 'Buti hindi napunit ang stockings mo."
"Hindi ako nakasuot ng stockings," tanggi naman ni Berrie. "Mukha bang fake ang kinis at puti ko?"
"Hindi ka talaga naka-stockings?"
Nag-angat siya ng tingin kay Nathan na nakakunot pa rin ang noo. "Hindi nga. Bakit ba kasi?"
Tumingin ang lalaki sa mga binti niya. Napalunok ito bago magsalita. "Your skin... looks perfect."
Kinagat ni Berrie ang ibabang labi para pigilang mapaungol. Ang init kasi ng tingin ni Nathan sa mga binti niya. Pati tuloy siya, biglang nag-init. Pasimple niyang itinaas ang naka-bunch up nang skirt para mas malaking bahagi ng hita niya ang ma-expose sa mga mata ng lalaki. "Thank you, Sir Nathan. My skin also feels perfect. Gusto mong i-try?"
Nag-angat uli ng tingin si Nathan. Pero nananaway na ang tinging ibinigay nito sa kanya ngayon. "Wait here, Miss Diaz. Manghihiram lang ako ng first-aid kit."
Napasimangot si Berrie. Ibinaba na niya uli mula sa pagkaka-bunch up ang skirt niya. "Yes, Sir."
Tumayo na ang lalaki at pumasok sa loob ng Hot & Cold.
Si Berrie naman, ipinatong ang mga siko sa kanyang mga hita at nangalumbaba. Habang tumatagal, napapansin niyang hindi na naiiwasan ni Nathan ang tumingin sa katawan niya pero halata rin namang matindi pa rin ang pagpipigil nito. Her hard work was slowly paying off. Pero ano kaya ang kailangan pa niyang gawin para tuluyan nang bumigay ang lalaki sa pang-aakit niya?
Pero magandang sign na na hindi na niya ma-resist ang panse-seduce ko, 'di ba?
That made her feel good. Muli, napabungisngis siya.
"Talagang masaya ka pa na nasugatan ka, ha?"
Tumingala si Berrie kay Nathan na nakabalik na. May dala nga itong first-aid kit. "'Buti meron silang first-aid kit sa café."
"Siyempre, hindi naiiwasan ang aksidente sa mga coffee shop. Lalo na 'yong mga natatapunan ng kape kaya may first-aid kit sila," paliwanag naman nito, saka lumuhod uli sa tapat niya habang binubuksan ang box. "Saka kilala ko si Dustin, 'yong owner ng café. Boy Scout 'yon, eh, laging handa."
Tumango-tango siya. "Ohh. Friends pala kayo ng owner nitong Hot & Cold. Kaya pala parati kang dito nagkakape."
"Stalker," biro ni Nathan habang binabasa nito ng alcohol ang cotton ball na hawak.
Ngumiti si Berrie, pero agad din siyang napangiwi nang marahan nang idikit ng lalaki ang cotton ball sa sugat sa tuhod niya. Umungol siya sa sakit.
"Did it hurt? Sorry," mabilis at apologetic na sabi naman nito. Pagkatapos, bahagya itong yumuko para marahang hipan ang sugat niya.
Okay, nawala na ang hapdi na naramdaman ni Berrie.
Mainit ang hininga ni Nathan na tumatama sa sugat niya. Effective nga iyon para mawala ang sakit. Pero dahil sa ginagawa nito, kinikilabutan siya sa kakaibang paraan. Sa pag-ihip ng lalaki, bigla siyang nag-init. Na-imagine kasi niya na ganoon ang pakiramdam kapag sa ibang bahagi ng katawan niya tumama ang hininga nito. Gaya sa sensitibong bahagi ng leeg niya. O sa pagitan ng mga hita niya. Look, him kneeling down before her was a perfect position if he would go down on her.
Napaungol uli si Berrie. Pero puno na ng pagnanasa ngayon ang boses niya.
Biglang natigilan si Nathan sa ginagawa at kunot-noong nag-angat ng tingin. "You're making weird sounds now, Miss Diaz."
Kinagat niya ang ibabang labi at mas idiniin pa ang pagkakadikit ng mga hita niya. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi hindi dahil sa pagkapahiya, kundi dahil sa matinding pagnanasa na maramdaman ang lalaki sa parte ng katawan niya na namamasa na ngayon. "You're making me feel weird, Sir Nathan."
Nabigla si Nathan dahil sa sinabi niya. Nang nakabawi, tumikhim lang ito at itinuloy na ang ginagawa. Iniba na rin nito ang topic. "Nagpa-check na 'ko no'ng isang araw. Hinihintay ko na lang ang resulta. Sana, wala akong maging problema."
Nanghinayang si Berrie na binago ng lalaki ang topic kaya bigla ring nawala ang pag-iinit na naramdaman niya. Pero masaya naman siya sa narinig niya kaya okay na rin. "That's good. I'm sure na negative 'yon kaya relax ka lang, okay?"
"I can do that now, thanks to you," sinserong sabi naman ni Nathan.
Pagkatapos linisin ang sugat niya, maingat naman nitong nilapatan iyon ng Band-aid. Pagkatapos, nag-angat ito ng tingin. "Okay na. Hindi na mai-infect ang sugat mo."
"Thank you, Sir Nathan," ngiting-ngiting sagot niya.
"I don't have teaching duties today so you don't have to be formal," sabi ng lalaki. Iminuwestra pa nito ang sarili at noon lang niya napansin na imbes na polo, long-sleeved shirt ang suot nito. Mas kaswal kaysa sa madalas nitong attire sa university. "May klase ako sa grad school ngayon. In fact, may exam pa kami kaya for today, I'm a student like you."
"Oh," tumatango-tangong sabi ni Berrie. Muntik na niyang makalimutang pumapasok sa grad school si Nathan habang nagtuturo. "May thesis defense naman kami ngayon. Wish me luck."
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. "Break a leg."
Tumingin si Berrie sa sugat sa tuhod niya. "I almost did."
Natawa si Nathan. Iyong tawang sexy na naman.
Napatingin siya rito. Wow, lalo palang gumuguwapo ang lalaki kapag nakatawa. Napangiti siya. Nakaka-two points na siya sa pagpapasaya rito.
Nahimasmasan na si Nathan sa pagtawa pero nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kanya. "Gusto mo bang isabay na kita sa pagpasok sa university?"
Marahang umiling si Berrie. Nakakahinayang dahil ngayon lang nag-offer ang lalaki ng ganoon. Pero may importante pa siyang kailangang gawin. Hindi naman puro pang-aakit lang kay Nathan ang nasa isip niya. Mahalaga rin sa kanya ang pag-aaral niya. "Thank you for the offer but I brought my car today. Saka dadaanan ko pa ang mga thesismate ko, eh. Magpa-practice pa kasi kami uli bago ang mismong defense namin mamaya." Tiningnan niya ang wristwatch niya. "Speaking of which, I have to go."
Hindi siya sigurado pero nang mawala ang ngiti ng lalaki, parang dumaan din ang pagkadismaya sa guwapo nitong mukha. "Oh. Is that so?"
Tumango si Berrie, pagkatapos ay tumayo na. Hindi niya ininda ang mahapdi pa ring sugat sa tuhod. "Thanks for cleaning my wound, Sir Nathan." Kumaway siya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay ginamit niya para itapat uli sa bibig ang kaninang suot na mask. Kaya nang magsalita uli siya, muffled na ang boses niya. "Bye-bye."