CHAPTER 01

1575 Words
Kanina pa nag-ri-ring ang telepono sa baba. Wala yatang tao roon at walang sumasagot kaya kahit tinatamad at groggy pa ay bumangon si Tony upang tanggapin ang early morning call na iyon. Nasa ikalawang baitang pa lamang siya pababa ng hagdan nang marinig niya ang amang si Fernan na kausap na ang nasa kabilang linya. Nagdalawang isip siya kung babalik pa ba sa pagtulog o bababa na lang upang mag-almusal. He’s not a morning person. He has been a night owl for quite a while. Minsan lumalabas siya kasama ang mga kaibigan o ‘di naman kaya ay magdamag na nakaharap sa computer. Graduate na siya sa kursong Business Management. Magmula pagkabata ay pinangarap na niyang maging piloto, ngunit pinakiusapan siya ng kanyang Daddy na kumuha ng kursong mas makatutulong sa pag-unlad ng kanilang mga negosyo. Nag-iisa lamang siyang anak kaya siya lang ang magmamana ng mga negosyong iyon. Bilang isang mabait at masunuring anak, isinantabi niya ang pansariling kagustuhan. Hindi iyon naging madali para sa kanya. He didn’t graduate with flying colors, but knowing he gave his best made him proud of himself. Hindi niya kailanman binigyan ng sakit ng ulo ang kaniyang mga magulang. Kahit nag-iisa lang siyang anak, he makes sure na maasahan siya ng mga ito. His life’s top priority is his parents’ happiness, while his own remains a consolation. His eyebrows met when he saw his Dad lose grip of the phone, leaving it hanging. Nanginginig ang mga kamay nito at nasapo ang mukha ng dalawang palad. He doesn’t have the slightest idea kung ano ang sinabi ng nasa kabilang linya at ganoon na lamang ang reaksyon ng kanyang ama. But one thing is certain, ang tagpong iyon ay nagdulot ng kaba at pag-aalala sa kanya. He took the remaining steps downstairs- feeling like something is pulling his feet back. Tila ayaw niyang malaman ang sagot sa kanyang itatanong, but he doesn’t have a choice. “Dad...” he uttered. Napaangat ng tingin ang kanyang ama. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. “What is it?” He managed to remain calm while secretly making himself ready of what he’s about to hear. “Ang Lolo mo,” his Dad said with quivering voice, “wala na siya.” At tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito. Tony felt his heart beat stop for a second at tila huminto rin ng saglit sa pag-inog ang kanyang mundo. And in another blink of his eyes, he found himself crying. Ang kanyang Lolo Manuel... A week ago, he called him. “Kumusta na ang paborito kong apo?” He always greets him that way everytime they would talk over the phone, as if may iba pa itong apo. He would chuckle after throwing his intro joke. Malutong ang tawa nitong nakakahawa. “Kailan mo ba dadalawin ang Lolo, apo? Nagsasawa na ako sa mga ipinapadala mong larawan. Ang gusto ko ay makita ka ng personal. Hindi mo ba na-mi-miss ang Lolo?” When he was a kid, lagi siyang sinusundo ng kanyang Lolo sa bahay nila sa Maynila every weekend. Lagi siya noong excited na sumapit ang Sabado at Linggo. His Lolo’s place is the best for him. Sasalubungin sila ng kanyang Lola, pupupugin siya ng halik sa mga pisngi at yayakapin ng mahigpit. Ipinagluluto siya nito ng mga paborito niyang pagkain. At kapag natataong panahon ng ani, nagsasawa siya sa mga matatamis na mangga na galing sa malaking manggahang pagmamay-ari mismo ng kanyang Lolo at Lola. He and his Lolo would go fishing in the sea nearby, at madalas ay nauuwi iyon sa paliligo. He was only ten years old when his parents decided to expand their business internationally. Not long after, they decided to settle in the US for good. Iniwan sa pamamahala ng kanyang Uncle Bobby, nag-iisang kapatid ng kanyang Mommy, ang kompanyang minana pa ng mga ito sa kanilang magulang at iba pang negosyo nila sa Pilipinas. He didn’t want to leave his Lolo. Nais niya sanang isama na lang ito o ‘di kaya ay magpaiwan na lamang siya, but he was too young to decide for himself. He became too busy with his studies, and his Mom and Dad with their Company, kung kaya nahirapan na silang makahanap ng oras para makabisita sa Pilipinas. Maraming taon ang lumipas. Nagbinata na siya at lalong nadagdagan ang kulubot sa mga balat ng kanyang Lolo at Lola. Noong isang taon lang ay pumanaw ang kanyang Lola, at naiwan nang nag-iisa ang kanyang Lolo. He wanted so badly na damayan ang kanyang Lolo, ngunit huling taon na niya sa kolehiyo at napaka-demanding na ng kanyang mga responsibilidad bilang isang graduating candidate. Hindi siya nakauwi. “I’ll be home for your birthday,” he promised his Lolo nang wala na siyang mga commitments pa after he finally graduated. His Lolo sounded so excited and happy nang sabihin niya iyon, ngunit iyon na pala ang huling beses na magkakausap sila. Madaling araw nang makarinig ng kalabog mula sa kwarto ng matanda ang isa sa mga maid na kasama nito sa bahay. Nang puntahan nito sa kwarto ang matanda, naabutan nitong nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Inatake raw ito sa puso. Ang maid na iyon ang naghatid ng masamang balita sa kanyang Daddy. Dali daling nagpa-book ng flight ang kanyang Daddy. Walang ibang mag-aasikaso sa burol ng kanyang Lolo kundi ito lamang sapagkat nag-iisang anak lang din ito. Sila lang ng kayang Daddy ang makakauwi. Maiiwan ang kanyang Mommy upang tingnan ang kanilang negosyo. Hindi niya inaasahang mapapauwi sila sa Pilipinas dahil sa malungkot na pangyayaring ito. Hindi na siya makakabawi sa mga panahong hindi sila nagkasama. It’s too late for him. Hindi maiwasang bagabagin siya ng kanyang konsensya. Hindi man lamang niya natupad ang hiling ng kanyang Lolo na magkita sila. He was packing his things nang pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang Yaya Loring. “Bukas e, hindi na ako kumatok,” wika nito. Lumapit ito sa kanya at hinagod ang kanyang likod. “Ganyan talaga ang buhay, anak. Huwag mong isipin na nagtatampo ang Lolo mo sa’yo. Mahal na mahal ka no’n,” anito. Hindi napigilan ni Tony ang mapayakap sa kanyang Yaya Loring. Napahagulgol siya. This woman has always been his crying shoulder simula nang magtrabaho ito sa kanilang pamilya. Mas marami pang panahon ang pinagsamahan nila kaysa sa kanyang Mommy na palaging abala sa trabaho at sa mga amiga nito. He loves his Mom, but when it comes to secrets and other stuffs, mas napagsasabihan niya ang kanyang yaya. Halos lahat ng likaw ng kanyang bituka ay alam nito. “Are you not coming with us?” tanong niya rito. Umiling ang babae. “Kailangan ako ng Mommy mo rito. Ikumusta mo na lang ako sa Pilipinas,” nakangiting wika nito. Naunawaan naman iyon ni Tony. Naisip niya lang ang madalas ikwento ng kanyang Yaya tungkol sa pangungulila nito sa asawa at mga anak na naiwan nito sa Pilipinas. Ilang taon na rin itong hindi nakakauwi. How strange! Tila hindi niya ma-appreciate ang ganda ng tanawin sa lugar na iyon, ang lugar ng kanyang Lolo, the place where his happy childhood rests. Everything seems dark to him. Wala nang Lola Estella na sasalubong sa kanya upang pupugin siya ng halik. At higit sa lahat, wala nang Lolo Manuel na makakasama niya sa pamimingwit at paliligo sa dagat. Ano pa ba ang dahilan niya sa pagbalik sa lugar na iyon? Wala na ring saysay pa ang kanyang pagbabalik. Ilang gabi ring ibinurol si Don Manuel. Kilala tong mabait na tao at marunong makisama sa mga maralita, kaya hindi nakapagtataka na marami ang nakipaglibing nang ito ay ihatid huling hantungan nito. Ang malaking bahay nito na noon ay puno ng saya at pagmamahalan, ngayon ay hungkag na. Lahat ng sulok doon ay nagpapaalala sa masayahing si Don Manuel. Napapangiti si Tony habang naaalala kung paano nagsasalo sa isang malambing na sayaw ang kanyang Lolo at Lola sa malawak na sala ng bahay. Hahagkan ng kanyang Lolo ang noo ng kanyang Lola na para bang palaging bagong kasal. Kailanman ay hindi naparam ang pagsinta ng mga ito sa isa’t isa. Kasabay ng paglaho ng mga tagpong likha ng mga alaala ay ang paghalili ng lungkot sa kanyang mga ngiti. Pinuntahan niya ang manggahan na mahal na mahal ng kanyang Lolo. Minana pa ito ni Don Manuel sa mga magulang nito. Napakahalaga sa kanya ng manggahan dahil dito nito nakilala ang kabiyak. Noong araw raw ay may mga kolehiyalang galing Maynila na napadpad sa kanilang probinsya para sa isang pananaliksik. Kasama roon si Estella. Panahon ng ani noon at hitik sa bunga ang nga puno sa manggahan. Nakatawag ito sa pansin ng mga nagdaraang magagandang dilag. Si Estellang mahilig sa mangga ay pumasok sa bakuran ng manggahan ng walang pahintulot. Nahuli ito ni Manuel na nangunguha ng mga mangga, ngunit imbes na magalit ay nahumaling ito sa taglay na ganda ng noong dalaga pang si Estella. Doon nagsimula ang kwento ng kanilang pagmamahalan. Nagpalitan sila ng address upang sulatan ang isa’t isa at hindi naglaon ay nagkatuluyan nga. Paano na ang manggahan ngayong wala na ang kanyang Lolo Manuel? Bakit hindi nalang kaya siya ang mamahala nito? Ah siyanga! Napangiti si Tony. Ito na nga ang pinakamagandang paraan upang makabawi siya sa kanyang Lolo. Tiyak ikatutuwa nito kung aalagaan niya ang espesyal na lugar na iyon. Ang problema niya ngayon ay kung paano niya makukumbinse ang ama na hayaan siyang manatili muna sa San Marcos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD