Kinakabahan siyang palingalinga at baka may makakita sa kanya. Buong buhay niya ay ngayon niya lamang magawang pumasok ng walang pahintulot sa isang private property. Natanaw niya ang malaking bahay ni Don Manuel. Mukha talagang walang tao ro'n. Nanghihinayang man ay ipinasya niyang umalis na lang, at baka mahuli pa siya. Magkakalat pa sa bayan ang ginawa niyang pag-trespass sa manggahan ng yumaong Don Manuel.Ngunit napatili siya nang bigla na lamang may kamay na tumakip sa mata niya mula sa likod. Nakilala niya ang amoy ng pabango sa mga kamay na iyon. Si Tony! Hindi na siya nagpumiglas kaya kalaunan ay inalis din ng binata ang pagkakatakip ng mga kamay nito sa mata ni Kristina. "Bawal mag-trespass, hindi mo ba nabasa ang karatula sa may bakuran?" wika nito kay Kristina. "Ikaw kasi,

