CHAPTER FOURTEEN

1560 Words

Tao po!" Napabalikwas ng bangon si Kristina. Holiday noon, balak niya sanang bumawi nang pahinga, ngunit hindi yata iyon mangyayari. Boses iyon ni Tony. Buhay na naman lahat ng dugo niya sa katawan. "Aga naman nito!" bulong niya. Alas sais pasado pa lamang ng mga oras na iyon. Nagmamadali siyang bumangon at nagsuklay. Sinipat ang mukha sa salamin kung meron ba siyang mga muta sa mata. Pagbaba niya ay nakaupo na si Tony at kausap ang kanyang itay. Hindi na muna siya lumapit sa dalawa. Dumeretso siya sa kusina upang magtimpla ng kape para sa dalawa. Habang nagtitimpla siya ay palihim siyang nakinig sa usapan ng mga ito. "Binatang binata ka na pala!" nakangiting wika ni Arthur. "Dati, patpatin ka pa noong dinadala ka rito ni Don Manuel. Kumusta, nag-aaral ka pa ba?" "Tapos na po, Sir,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD