Tuwing nagsasalubong ang mga mata nila, kaagad nauunang magbaba mg tingin si Kristina. Hindi niya kasi maiwasang mapatingin sa labi ni Tony at maalala ang paghalik nito sa kanya nang nakaraang gabi. Ang lagkit pa naman ng mga tingin ni Tony sa kanya. Lagi siya nitong tinititigan kaya lalo siyang naiilang. “Tulungan na kita,” wika ni Tony habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan ng kanilang mga kustomer kinahapunan. Tuwing magdadantal ang kanilang mga balat ay may kakaibang sensasyong nadarama si Kristina. Kakaiba, ngunit gusto niya iyon. Pinipigilan niya ang sarili na mapangiti, kaya sa tuwina ay nakakagat niya na lamang ang kanyang labi. “Stop doing that!” biglang wika ni Tony sa kanya. “Ha?” nagtaka siya. “Alin?” “Biting your lips. Parang nang-aakit ka, eh!” nangingiting tugon ni To

