CHAPTER 07

1583 Words

“ATE ano ‘yan?” tanong ni Jimbo sa ate Tintin nito pagkadating nito galing eskwelahan. “Bawal ‘to sa bata!” tugon ni Kristina sabay tago ng tsokolate na bigay ni Tony. “Damot ni ate!” nakangusong wika ng binatilyo. “Pahingi kami ni Mona!” hirit nito. Kumuha ng dalawang limang piso sa bulsa ng kanyang bulsa si Kristina at iniabot sa kapatid. “Ayan, tiglima kayo ni Mona. Bumili na lang kayo ng gusto ninyo,” wika nito sa kapatid. Napaismid si Jimbo. “Limang piso?” Napakamot ito sa batok. Hindi nito napilit ang ate. Takam na takam pa naman ito sa mukhang napakasarap na tsokolateng bitbit ni Kristina. Mukhang mamahalin at imported ang mga tsokolateng iyon. Pabalat pa lang mukhang masarap na. Inamoy amoy iyon ni Kristina habang napapangiti at naiisip kung paano iyon iniabot ni Tony sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD