ARAW-ARAW nga siyang sinabayan ni Tony sa pagpasok sa Unibersidad. Naging napakatiyaga ng binata. Ngunit kahit ilang araw na niya iyong ginagawa ay ramdam niya pa rin ang pagkailang sa kanya ni Kristina. Minsan ay inabangan niya talaga ito isang hapong uwian ng mga estudyante. Nagkataon pa namang walang sumundong tricycle kay Kristina. Ikinatuwa iyon ni Tony. “Hi Kristina!” nakangiting wika ni Tony. Nabigla pa nang kaunti Kristina dahil para siyang kabuteng basta na lamang samulpot sa kung saan. “Ako na ang magdadala ng mga libro mo,” alok niya sa dalaga. Hindi na ito nakatanggi dahil bago pa ito umalma ay nakuha na niya ang mga bitbit nitong textbooks. Napansin niyang pinamulahan ito ng pisngi, at bigla na lamang iniiwas ang tingin sa kanya. Nakakailang hakbang na sila ay hindi pa rin s

