Nagkulong sa kwarto si Kristina. Wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Kinatok siya nang makailang beses ng kanyang ama ngunit igiiit niyang nais niya munang mapag-isa. Hindi siya mapalagay. Tama ba ang ginawa niyang pagtaboy kay Tony? Kaya niya ba talagang mawala ito sa buhay niya? Nakakababaw niya nga ba talaga? Hindi pa siya handa. Iyon ang tamang dahilan. Hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. Hindi pa siya handang humarap sa mga pagsubok na dala ng pag-ibig. Hindi pa siya handang panindigan ang nararamdaman niya kay Tony. Hindi pa siya handang ipaglaban ito. Sana nga ay hindi siya magsisi sa kanyangd esisyon. Sana nga ay maging masaya siya sa bandang huli. Natigmak ng luha ang kanyang unan. Nakatulugan niya ang pag-iyak. Kinabukasan. Nagising siya sa isang pamilyar

