Itinapon ni Rebecca ang dala niyang bag sa sofa at saka lumagos sa kusina upang uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay tumataas ang presyon ng kanyang dugo. "I'm sorry, Mom, I didn't tell you," ani Tony. "Sabi ko na nga ba at may dahilan kung bakit gustong gusto mong bumalik dito sa San Marcos!" galit na wika ni Rebecca. "Are you out of your mind Tony? Iyon bang babaeng 'yon ang liligawan mo?" Tony took a deep breath, and stared into her mother's eyes. "Yes Mom, and I love her." "I don't like her. I don't like her for you!" "I don't care, Mom!" "You should! You should care Tony," madiing wika ni Rebecca. "Alam mo kung ano ang kaya kong gawin Tony, 'wag mo 'kong subukan!" "What, Mom?" Tony stared at her. Nagtagis ang bagang ng ginang. "Don't even dare to ask, Tony!" "Hindi ninyo a

