CHAPTER SIXTEEN

1707 Words

Nakasanayan na rin ni Kristina na halos araw-araw ay naroroon si Tony sa kanila. Kapag may pasok ay palagi siyang sinasabayan nito, hanggang sa pag-uwi. Walang kasawasawa ang binata. Walang kapagod pagod. Hindi nagtagal ay naging komportable na rin siya sa presensya nito. Ngunit ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso tuwing nakikita niya ito, nakakasama at nakakausap, 'yon ang hindi nagbabago. Sa katunayan ay lalo lamang sumisidhi ang kanyang nararamdaman. "Kristina, may itatanong lang ako, kung okay lang sa 'yo," ani Tony, isang hapong walang pasok sina Kristina, habang tinutulungan niya ulit ito sa mga gawaing bahay katulad ng nakagawian na niya. "Ano?" usisa ni Kristina nang hindi sa kanya tumitingin. Nagtutupi ito ng mga damit. "Nasaan ang nanay ninyo?" Biglang napatingin sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD