Chapter Four - Played by destiny

1196 Words
Chapter Four IT has been fifteen days since my sister died. Tapos na rin ang kayang libing. Nagulat ang sambayanan at ang mga fans niya ng malaman ang nangyaring aksidente. Marami ang pumunta sa kanyang libing at nagluksa. Mga kapwa artista at kanyang mga kaibigan niya. That day also ang huli naming pagkikita ni Ethan. Sobrang nasaktan ang mga magulang ni Ethan dahil sa nangyari. Malapit pa ngang mag-collapse si Tita Esme ng malaman niya ito. Hindi siya makapaniwala na ang kanilang soon to be daughter-in-law, ay namatay dahil sa isang car accident. Sabi pa ni Tita Esme ng araw na iyon ay balak nilang mangibang bansa. Si Ethan na raw kasi ang hahawak ng hotel nila sa Dubai. Mabuti naman iyon para hindi na kami magkita pa. Makakapagpahinga ang isip at puso naming dalawa. Malalim akong napabuntong hininga habang nag e-empake ng damit. Hindi ko kasi kayang manatili pa rito sa bahay na ako lang mag-isa. Parehong namatay si Mama at Papa sa isang car crash. I just can’t believe that Ellana will also die because of a car accident. Ayaw ko pang mamatay. Not yet. Not until I fulfill my promise to Ellana. Matapos kong mag-empake ay inilabas ko ang sulat ni Ellana sa akin. It’s not a farewell letter but actually a gift for my birthday. ”I love you… Ellana,” bigla ko na lang naiusal habang may tumulong luha sa aking mga mata. Mabilis ko naman itong pinunasan at ibinalik ang mga ngiti ko. Hindi ko lubos na maunawan kong bakit binilhan niya ako ng isang bahay. Sabi pa niya sa sulat na puwede ko itong gawing studio. Malapit daw ito sa dagat at nasisigurado niyang magugustuhan ko. It’s only my dream to have one and now I have it. Nilingon kong muli ang aming bahay pagkatapos ay sumakay na ng kotse paalis dito. EIGHT hours drive. Siyempre kailangan ko rin namang magpahinga kaya’t tuwing may convenience store akong madadaanan ay humihinto ako. Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na nga ako sa aking patutunguhan. Malayo sa lugar na aking pinagmulan. “Ay! Ganda ikaw ba iyong tumawag kanina sa akin na titira doon sa magandang bahay?” salubong sa akin ng may katandaang lalaki pagkababa ko ng sasakyan. Kayumanggi ang balat niya at halatang malakas pa ang pangangatawan kahit may edad na. “Kulay puting bahay po ba na may dalawang andana ang taas?” balik kong tanong sa kanya. Mahirap namang umoo at baka hindi iyon ang bahay na tinutukoy niya. Natutuwang tumango ito, “Oo, iyon nga iha.” “Ako nga po iyon. Bakit niyo po pala natanong Manong?” nakakunot-noo kong pagtatanong sa matanda. “Ay! May gusto kasing bumili ng bahay. Nagandahan din ata siya, kaya lang nasabihan na akong babae ang may-ari ng bahay,” pagku-kuwento niya sa akin. Habang nakaturo ang isang kamay sa direksiyon ng kinatuturukan ng bahay. “Mabuti naman po at napagsabihan niyo,” sabi ko rito. “Mabuti nga sana, iha. Kaya lang ayon na ang lalaki sa bahay mo. Dalawang araw na ata siyang namamalagi roon,” pagpapatuloy pa niya. Nagulat ako at hindi maiwasang mapalakas ang boses, “Po? Saan po ba iyon at baka maagaw pa sa akin ang bahay ko.” Itinuro ng matanda ang bahay at hindi ko maiwasang mapanganga at mamangha. Maganda pala talaga ang bahay na ito. Inilibot ko ang aking paningin at ito lang talaga ang nag-iisang bahay na nakatayo rito. Hindi nga lang malapit sa dalampasigan, pero siguradong matatanaw iyon sa ikalawang palapag ng bahay. Napapalibutan ito ng iba’t-ibang klase ng bulaklak at mayroong puno ng mangga sa tabi ng bahay. May duyan din sa ilalim ng puno at maliit na lamesang gawa sa kahoy. Ganitong-ganito ang itsura ng unang painting na gawa ko. Ang aking dream house. “Matagal na iyang pinagawa, iha. Sabi nong mga trabahador ng bahay na iyan, ay pinagplanuhan daw ng maigi ang bahay. Iyong mismong nagpagawa pa raw ang nagtanim ng mga bulaklak na ito. Paborito raw kasi ng kapatid niya ang mga bulaklak,” pagkasabi niyon ay itinuro pa niya ang mga bulaklak na kay gandang tingnan. Sumasayaw-sayaw ang mga ito dahil sa malakas na ihip ng hangin. Hindi ko naman maiwasang matuwa at mapatingin sa langit. Kung saan nandoon na ang kapatid ko. Magpapasalamat na sana ako ng may mahagip ang aking mga mata. Nasira ang pagmo-moment ko ng makita ko na may tao sa terasa ng bahay. Hindi lang basta sino pero isang taong kilalang-kilala ko. At nangunguna sa listahan ng mga taong ayaw kong makita. “What the heaven’s! Anong ginagawa mo rito sa bahay ko Ethan?” pasigaw kong sabi. Napalingon ito sa akin at katulad ng inaasahan ko ay nagulat din ng makita niya ako. Mabilis kong pinasok ang bahay. Nagkasalubungan pa kami sa hagdanan. Paakyat ako at pababa naman siya. “Anong ginagawa mo rito?” pagtatanong niya sa akin. Pumalatak naman ako. “Ako dapat ang magtanong sa iyo niyan. Anong ginagawa mo sa bahay ko?” yamot na pahayag ko. Perpekto na ang lahat. Kung magpapakita siya sa lugar na ito ay bakit sa bahay ko pa talaga. “Bahay mo ito? It’s not your type to own a house like this,” painosenteng saad niya sa akin. Paano ba niya malalaman ang mga gusto ko. Nag-uusap lang naman kami sa kama. Sigurado nga akong kahit paborito ko na pagkain ay hindi niya alam. “Edi ngayon alam mo na,” sarkastikong sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at biglang nagsalita, “Wait, I really like your house. Bibilhin ko ito. Name your price.” “Sorry, It is not for sale… Never!” mabilis kong sagot. Inalis ko naman ang kamay niyang nakakapit sa akin. Hindi dahil sa ayaw ko, pero dahil sa init na dala nito sa akin. “Akala ko ba nasa Dubai ka ngayon?” hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Confident pa naman ako dahil akala ko hindi ko na siya makikita pang muli. Kumunot ang noo niya. Tila hindi nagustuhan ang itinanong ko. “Iyong bahay ang pinag-uusapan natin ngayon Ella hindi ang Dubai.” “Sinabi ko na ngang hindi ko ibebenta ang bahay na ito. Bakit ka nga ba nandito?” mariing saad ko sa kanya. Nakakunot na naman tuloy ang noo ko. “I’m still mourning for Ellana, Ella. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos habang isip-isip ko pa rin na wala na siya,” tila nanghihina niyang pahayag. Katulad ko ay ganoon din pala ang kanyang nararamdaman. “Then why here? Sana sumama ka na lang sa parents mo. Doon ka sana nagliwaliw sa Dubai,” pagpapatuloy ko. “Si Mama ang nag-suggest na maganda ang lugar na ito. Hindi ko naman alam na nandito ka. Edi sana hindi na ako nagpunta pa rito,” natawa siya ng mapakla. Habang ako naman ay ngumiti sa kanya ng malungkot. “Destiny played us,” naiiling na saad ko. “What?” “Gusto niya sigurong makita tayong dalawa na sabay magdusa dahil sa mga maling nagawa natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD