Chapter Three
MABILIS ang pagpapatakbo ni Ethan ng sasakyan patungong ospital. Tahimik lang kaming dalawa. Parehong kinakabahan sa katotohanang aming matutuklasan. Panay ang tulo ng aking pawis sa noo, kahit malakas ang aircon nitong sasakyan. Kahit ang mga kamay ko ay pawisan kahit nanlalamig ito. Pilit kong iniisip na nagbibiro lamang si Steve.
Pagkahinto ng sasakyan sa ospital ay nagmamadaling pumasok agad ako. Nakita ko naman agad si Steve na nakaupo sa isang upuan sa loob ng ospital. Napansin ko ang namumugto niyang mga mata at ang mga mantsya ng dugo sa kanyang damit.
“S-Steve,” mahina kong tawag sa kanya. Napalingon naman agad siya sa akin. Tiningnan ko ang paligid, hinahanap ng mga mata ko si Ellana.
“Ella… Si Ellana…” hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin. Nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit ang damit. Binalewala ko ang mga dugo sa kulay puti niyang t-shirt, na ngayo’y kumakapit na sa aking mga kamay.
“Bakit? Anong nangyari sa kanya. Nasugatan ba siya sa set? Nahimatay. Just tell me please, na frank lang ito ng kapatid ko,” nagmamakaawang turan ko kay Steve. Hindi ko inalintana ang mga matang nakatingin sa akin. Bahala silang mag-isip na nababaliw na ako. Basta malaman ko lang kung nasaan at ano ang nangyari sa aking kapatid.
Bigla namang tumulo ang kanyang mga luha. Natigilan ako ng saglit. Hindi ko makuhang umiyak hanggang hindi ko nasisigurado ang pangyayari. Pero alam ng puso ko ang katotohanan pero ayaw itong tanggapin ng aking isipan.
“P-please Steve... J-just tell me the truth,” napapaos kong pagmamakaawa sa kanya.
Naluluhang nagsalita ito, “Wala na si Ellana… Car crash Ella, were just talking on the phone- Ella saan ka pupunta!”
“Hahanapin ko siya. Where the hell is my sister?” pasigaw kong sabi sa kanya. Wala akong pakialam sa iniisip nila. I just need my sister.
“Come, she’s here,” nakakaunawang pahayag ng isang nurse. Tila alam niya kung saan ang aking kapatid. Narindi na rin siguro ito sa malakas ko na pagsigaw kay Steve.
Sumunod agad ako sa nurse. Hindi ko na nga pinapansin si Ethan na nakasunod lang din sa amin.
Binuksan ng nurse ang isang kuwarto sa dulo ng second floor ng ospital. Iginiya niya kami papuntang loob at iniwan kaagad. Bumungad sa amin ang isang katawan na natatakpan ng puting tela. Tinungo ko ito at dahan-dahang tinanggal ang telang nakatakip.
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Nag-uunahan itong lumabas kasabay ng pagkawasak ng aking puso. Napadausdos ako ng upo sa malamig na sahig, habang nakatingin pa rin sa maputla at ngayon ay malamig nang katawan. Si Ellana nga ito.
Umiiyak na nilingon ko naman si Ethan na nakatingin din sa walang buhay na katawan ng kapatid ko. Nakakuyom ang kamay niyang lumapit. At ilang sandali lang ay niyakap niya ang katawan ng aking kapatid.
Hindi ko na maiwasang mapahagulgol ng iyak. s**t really do happens. Why her? Why my sister? She is innocent and kind. Karibal ko nga siya sa pag-ibig, pero alam kong mas mahal niya ako kahit kanino man.
Sana ako na lang. Ako itong makasalanan. Ako itong hindi makontento at pilit inaagaw ang mga pag-aari niya.
“It’s all your fault, Ella!” matigas ang boses na nagsalita si Ethan. Nanginginig ang kanyang bibig na tila pinipigilan ang pag-iyak. Pinunasan ko ang aking mga luha para makita ng maayos ang kanyang mukha.
“Bakit ko naman kasalanan? We are both losing one person, Ethan. And that is my sister!” singhal ko sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mapansin na hindi pala ito nanginginig dahil sa pagpipigil na umiyak. Nanginginig ito sa galit.
“You kept on seducing me. Kung sana ay hindi ka sumama sa kanya papunta sa bahay. Edi sana ako ang nag-drive sa kanya patrabaho,” sikmat niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Natigil ang aking pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Ethan at nasasabi niya ito.
Galit na rin akong nagsalita pabalik sa kanya, “You can drive her to work Ethan. Huwag kang gumawa ng kahit anong palusot to ease your guilty feelings.”
“But its true habang naglalandian tayo. Namatay si Ellana,” singhal niyang pabalik sa akin. Lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa kanyang pinagsasasabi.
“Ikaw ang lumalandi sa akin,” sabad ko sa kanya.
“Pero nagpapalandi ka naman,” sarkastikong bigkas niya. Hindi ko maiwasang masaktan. Mahal ko nga siya pero wala na siya sa kanyang lugar. Ngayon ay lumalabas na ang ugali niyang parang hayop.
“We’re not talking about this whatsoever Ethan. Sa harap pa talaga ng patay na katawan ng kapatid ko. Damn you!” biglang bumalasik ang hitsura ko. Hindi ko na kinakaya ang pinagsasabi niya. Puwede naman namin itong pag-usapan. Pero kailangan ba na dito kami mag-usap sa harap ng malamig na bangkay ng kapatid ko.
“What-“
“Kasi mahal kita Ethan,” bigla-biglang sabi ko. Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.
Pinagpatuloy ko naman pagsasalita. Siguro ito na nga ang tamang panahon, para sabihin sa kanya ang damdamin ko.
Bumuntong hininga muna ako, pilit pinapakalma ang aking sarili, “Isang beses lang may nangyari sa atin. Pareho tayong lasing ng mga oras na iyon, kaya may excuse sa ating nagawa. And the next day parang may bombang sumabog sa harapan ko, ng malaman ko na girlfriend mo na pala ang kapatid ko.”
“Ganoon ang nangyari. It’s just one mistake na kinalaunan ay naulit ng naulit behind my sister’s back. Without her knowing that her sister and her boyfriend is-“ naputol ang sasabihin ko ng bigla itong tumalikod sa akin.
Tila nagising ito sa kahibangan na pinagsasabi niya kanina. “Stop… Just stop!” malumanay na niyang pagsasalita.
“Bakit? Takot ka? Tapos na rin naman ang lahat at nagkaaminan na tayo,” napabuntong-hiningang saad ko, “Mas mabuti siguro kung tapusin na natin itong… kung ano man na relasyon na meron tayo ngayon,” lakas loob ko na pahayag.
Nagulat ito ng biglaan ko siyang nilapitan. Nag-iba rin ang ekspresyon sa aking mukha. Napalitaan ito ng matinding lungkot pero makikita pa rin ang pagmamahal na pilit kong itinatago sa kanya. Tumingkayad ako at hinalikan siya ng mabilis sa labi.
“It’s time to pay back for our mistakes.”