Chapter Two - Ellana

1379 Words
Chapter Two TAHIMIK lang akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Masayang nagsasalita ang kapatid ko sa harapan ng mga magulang ni Ethan. At tuwang-tuwa naman ang mga ito habang nakikinig kay Ellana. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa mukha ni Ethan, habang nakangiting nakatingin kay Ellana. Bigla akong may naramdaman na pagkapunit sa aking puso. Hindi maiwasan ng puso kong ito na makaramdam ng selos. Bakit ba sa lahat ng bagay mas angat ang kapatid ko? Lahat nasa kanya na. Mabilis niyang nakukuha ang mga bagay na gugustuhin niya, at mas gusto siya ng mga tao. Samatalang lahat naman ng nasa akin ay may kahati ako. Wala akong pag-aari na matatawag ko na sa akin lang. “Hindi ba Ella-“ narinig kong sabi ni Ethan. Napalingon naman ako rito bago nakakunot-noo na sumagot. “Ha?” “-na.” Pagtatapos niya sa sasabihin. Natigilan ako ng mapansing hindi pala ako ang kanyang kinakausap. Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya ng mapalingon sila sa akin. Pati si Ellana, ay nakakunot ang noo na napalingon sa akin. Napatitig siya sa akin at ganoon din ang aking ginawa sa kanya. Hindi maikakaila na magkapatid kami. Nagiging magkamukha kasi kami tuwing kukunot ang noo naming dalawa. Pero pansin ko na mas maganda ito kahit nakalukot ang noo, samantalang ako ay parang natatae lang ang mukha. “Ate, may problema ka ba? Kanina ka pa namin napapansin na para bang may malalim ka na iniisip,” nag-aalala niyang tanong sa akin. Nasa akin na ngayon ang buo nilang pansin. Nahihiyang nagsalita akong muli. “Oh! I’m sorry. Pinag-iisipan ko kasi iyong offer mo kung tatanggapin ko ba,” mabilis kong pagpapalusot. Nakahinga naman ako ng maluwag ng walang mapansin na kakaiba sa akin si Ellana, at naniwala ito sa aking sagot. “You should Ate,” pag-aaproba niya sa naging sagot ko. Bumalik na ang mga ngiti sa kanyang labi. “What offer, honey?” tanong naman ni Ethan. Halatang-halata rito na gustong malaman kung ano ang pinag-uusapan namin. “Sabi ko kasi sa kanya na may gusto akong e blind date sa kanya. Naisip ko rin kasi na marami kang pinsan na lalaki. Kaya gusto kong makilala niya ang mga iyon. It’s time na rin naman para magka-love life itong Ate ko,” nakangiting turan ni Ellana sa kanya. Wala naman akong napansin na kahit anong reaksyon sa mukha ni Ethan. “Mabuti iyan, iha. Nasa tamang edad ka na rin naman. At saka mababait ang mga pinsan ni Ethan. Sigurado akong makakasundo mo ang mga iyon,” dugtong pa ni Tita Esme, ang ina ni Ethan. Tumango-tango rin si Tito Athan. Nagulat naman kami ng biglang lumakas ang boses ni Ellana, “Teka anong oras na ba, honey? May schedule nga pala ako ngayon. Lagot ako sa manager ko kapag hindi pa ako naka-alis.” “I’ll drive you,” pagpigil ni Ethan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Ellana. Tumingin si Ellana sa gawi ko pagkatapos ay nagsalita, “No, It’s okay. Dala naman ni ate ang kotse niya. Iyon na lang ang sasakyan ko.” “Okay, drive safely,” niyakap niya ito at hinalikan sa labi. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga labi nilang magkahugpong. Bagay na bagay kasi sila. NIniwas ko ang aking tingin sa dalawa ng hindi na makayanan ng puso ko. Napatingin naman ako sa gawi ng mga magulang ni Ethan. Mapapansin ang tuwa sa mga mukha nila. Halatang botong-boto sila kay Ellana para sa kanilang anak. Sumama naman tuloy ang pakiramdam ko. Napaisip ako. Makikita ko rin kayang ganyan ang kanilang mga reaksyon, kung ako ang mapapangasawa ng kanilang anak. “Tita at Tito… Mauuna na po akong umalis. Baka masabunutan pa ako ng baklang manager ko na iyon. Ate, I got to go. I love you,” sambit niya pagkatapos ay mabilis na hinagkan ang aking magkabilang pisngi. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Nagpaalam naman agad si Tita Esme at Tito Athan para magpahinga na. Dalawa na lang kaming naiwan ni Ethan sa sala. “Blind date, ha!” putol niya sa nakabibinging katahimikan. “Bakit hindi ba puwede?” nakataas kilay kong tanong sa kanya. Umangat naman ang gilid ng labi niya, at hindi ko tuloy maiwasang mapatulala. Ang mukha niyang para sa akin ay perpekto. Ang mga mata niyang nagniningning, na para bang nanghahalina tuwing tinitingnan ka. Ang matangos niyang ilong na kinaiingitan ng karamihan at ang mamasa-masa niyang mga labi na kay sarap halikan. Halatang magandang lalaki ito. Nasa lahi nga raw nila sabi ni Tita Esme. Maitutulad siya sa mga modelo o artista. Napansin ata ni Ethan na napatitig na ako sa kanyang mukha kaya’t tuluyan na siyang napangiti. Tumayo ito at lumipat ng puwesto. Kung kanina ay magkaharap kami, ngayon ay magkatabi na kaming dalawa. Hindi lamang simpleng pagtatabi dahil dikit na dakit ang aming mga braso. Ramdam ko ang init ng katawan niya na nakadikit sa akin. Tumibok ng mabilis ang aking puso. Tila gustong kumawala sa aking dibdib habang nakatingin sa kanya. “Okay lang naman na makipag-date ka. I just hope na makapasa sila sa standard mo. At kaya ka nilang pasayahin gaya ng pagpapasaya ko sa iyo,” pilyong sabi niya sa akin habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na nasa gilid ng aking mukha. Nakangising inilapit niya ang kanyang mga labi sa aking tenga at nagsalita. “My kiss, touch, lick and bite. Will they satisfy you, babe?” masuyo niyang bulong sa akin. Hindi ko naman mapigilang manginig ng bahagya ng ihipan niya ang aking tenga at mahinang kinagat. Humahaplos naman ang kaliwang kamay niya sa aking binti na hindi natatabunan ng suot kong short. Ang isang kamay naman ay sumusuporta sa aking likuran. Ipinihit niya ang mukha sa akin at biglaan akong nilamukos ng halik. “Ahh… Ethan…” hindi ko maiwasang mapaungol ng umabot ang kamay niya sa gitna ng aking short. Hinahaplos ito ng dahan-dahan. Alam ko na mali itong ginagawa namin, pero ang atraksyon sa pagitan namin ay hindi maikakaila. We’re both attracted to each other physically. Alam ko sa aking sarili na mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Doon ako biglang natigilan. Tila bumalik ako sa tamang katinuan at malakas siyang itinulak papalayo sa akin. “Damn! Ella-“ naputol ang sasabihin niya ng nagmamadaling lumapit sa amin ang isang kasambahay nila. Halata ang panginginig ng mga kamay ng babae habang hawak ang telepono. “Sir, tumawag po iyong manager ni Ma’am Ellana sa iyo, pero hindi mo raw sinasagot. Emergency raw,” nauutal niyang sabi. Hindi makatingin sa aking gawi. Sigurado akong nakita niya ang ginawa namin ni Ethan. “Okay tatawagan ko siya ngayon,” sabi ni Ethan at pinaalis na ang kasambahay. Hanggang sa pag-alis nito ay hindi niya makuhang tumingin sa akin. Inilabas agad ni Ethan ang cell phone para tawagan si Steve, ang manager ni Ellana. Pati ako ay napunta ang buong pansin sa kanyang pagtawag. Si Ellana kasi ang pinag-uusapan dito, ang kapatid ko. “Hello, Steve may problema ba sa set- What? A-anong.... D-don’t joke like that Steve… I told you it’s not a good joke!” galit na galit niyang itinapon ang cell phone sa sahig. “Ethan, what’s happening. Ano bang nangyari kay Ellana?” pagtatanong ko sa kanya. Nagpalakad-lakad ito habang ginugulo ang kanyang buhok. Nakatalikod siya sa akin, kaya’t hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Tell me, Ethan. I am her sister!” malakas kong sigaw sa kanya. Natatakot na ako sa reaksyon niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kabalisa. Lumingon siya sa akin at nagulat ako ng namumula na ang mga mata niya. Pakiwari ko’y naiiyak na siya. “A-anong n-nangyayari?” nauutal kong tanong sa kanya ng bigla akong kinabahan. Alam ko sa sarili ko na may masamang nangyari sa aking kapatid. Pero gusto ko pa ring marinig kay Ethan kung ano ba ang nangyari. Naiiyak itong nagsalita, “S-sabi ni Steve nasa ospital daw si Ellana.” “God... Patay na raw si Ellana. Patay na raw siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD