bc

The Baker's Lover

book_age18+
2.8K
FOLLOW
12.2K
READ
revenge
arrogant
comedy
humorous
heavy
ambitious
expert
faceslapping
crime
intersex
like
intro-logo
Blurb

SPG 18+ ON-GOING

TIPIKAL na araw lamang kay Ysabel ang bawat umaga na kanyang hinaharap sa pagtuturo sa mga bata. Isa itong guro sa Paaralang Elementarya ng Estrella. Akala nito ay ang tipikal niyang mga araw ay mananatiling tipikal lamang—walang pagbabago. Iyon ay bago umuwi ang isang Mortelli. Sikat ang mga Mortelli sa industriya ng baking. Sobrang laki na ng kanilang pangalan sa industriya at isa sa mga kinatatakutan at malakas na kakompitensya ng iba pang baking business. Sa pagdating ng isang Mortelli, inakala ni Ysabel na iyon ang anak ng mga Mortelli na si Randolf—ang kanyang childhood crush. Sa kabilang banda, ang umuwing Mortelli ay ang kakambal ni Randolf na si Rafael. Inakala nitong si Rafael ang kanyang childhood crush kaya't lihim niya itong sinusubaybayan. Sa kapilyohan ni Rafael ay pinangatawanan nito ang pagpapanggap na siya si Randolf noong una dahil nais lamang niyang pagkatuwaan ang dalaga, pero kalaunan ay nahulog na siya rito. Paano nito aamining siya ay si Rafael at hindi si Randolf? Sino ang talagang iniibig ni Ysabel?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Matagal ka pa ba sa banyo, Ysa? Bilisan mo naman, naje-jebs na ako!" Sunod-sunod na katok ni Yvan ang nagpatigil kay Ysabel sa pagsa-shower. "May sinasabi ka, kuya Yvan?" tanong ng dalaga kahit sa totoo lamang ay narinig nito ang maktol ng kanyang kuya. Sadya niya talaga itong inaasar. Tuwing umaga lamang kasi ito nakakabawi sa pang-aasar sa kanya ni Yvan sa tuwing uuwi ito ng Sabado at Linggo. "Tsk. Sinusubukan mo talaga ako? Ma, paabot nga ng bag ni Ysa. Kakayurin ko lang ang mga make-up kit niyang hindi naman tumatalab sa kanya," wika nito sa inang si Celia upang i-blackmail ang kapatid na si Ysabel. Bahagya na lamang natawa si aling Celia sa inaasal ng kanyang mga anak. Nawawala ang pagod niya tuwing nakikita niyang malapit sila sa isa't isa. "Ito namang si kuya. Palabas na nga ako, oh," tugon ni Ysabel sa kuya nito. Sapilitang lumabas ang dalaga ng banyo. Bihis na bihis na itong lumabas at tumambad sa kanyang mukha ang kanyang kuya na nakangisi pa sa kanya. "Bilis mo talagang maloko, bunso. Ma, saan mo ba inilihi itong si Ysa? Ang daling maniwala sa acting ko eh." Tatawa-tawang pumasok sa banyo ang kuya nito samantalang si Ysabel ay hindi makapaniwalang naloko na naman siya ng kanyang magaling na kuya. Arte lang palang na-jejebs na ito para madaliin siyang maligo. "Pwede ka nang mag-artista, Yvan," wika ng ina nilang si Celia sa pilyong si Yvan. "Mama naman, eh. Kahit kailan, hindi mo ako kinakampihan," reklamo ni Ysabel na nakanguso pa sa ina. "Ma, aalis na ako, ha," pagpapaalam ng kanilang panganay na si Yci. Disiplinado kasi ito pagdating sa oras kaya't maaga pa lamang ay bihis na ito at paalis na dahil Lunes iyon at malayo pa ang biyahe. Samantalang si Ysabel, kung hindi late ay super late talaga ito kahit na hindi naman nito kailangan lumuwas papuntang trabaho. Sa katunayan ay nilalakad lamang niya papuntang paaralan. "Mag-iingat ka at magdala ng payong, Yci. Malakas ang buhos ng ulan," tanging naibilin ni aling Celia sa kanyang panganay na si Yci habang palabas ito ng bahay. Ganito lamang ang eksena sa tahanang Laurel tuwing Lunes ng umaga. Paunahan sa banyo, asaran, kantyawan at kung anu-ano pa. Nakangiting binabagtas ni Ysabel ang hindi gaano kapulidong daan papunta sa Elmentarya ng Baryo Estrella. Hawak-hawak ang payong nito sapagkat katitigil lamang ng ulan. Mamasa-masa pa ang daan kaya't nahirapan pa ang dalaga lalo na at maputik pa ito. Sa kabutihang palad ay pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ni Ysabel sa kolehiyo bilang guro ay natanggap agad siya rito. Nakangiti siya habang inaalala ang nakaraan ng pag-abot niya ng kanyang pangarap. Mahirap ito, katulad na lang ng daan na kanyang dinadaanan ngayon. Harurot ng rumaragasang kotse ang nakapagpalingon sa dalaga. Bago pa ito nakaiwas ay agad na siyang natalsikan ng putik gawa ng mabilis na pagmamaneho ng kaskaserong drayber ng itim na kotse. Halos mapasigaw si Ysabel noong mga oras na iyon sa galit subalit pinilit niyang kontrolin ito sa halip, tinandaan niya sa kanyang isipan ang kulay itim na kotseng iyon at ang plaka nito. "May araw ka rin sa akin!" nanggagalaiti nitong wika sa kahanginan bago nagdadabog pauwi upang makapagbihis ng uniporme. Labis ang pagkainis nito sa drayber ng kotseng iyon sapagkat nangangalahati na sana si Ysabel papuntang Elementarya ng Estrella bago pa man nito sirain ang kanyang araw. "Oh, ano't napauwi ka ng maaga?" nagtatakang tanong ng ina ni Ysabel. "Yung itim na kotseng iyon! Kapag talaga nakita ko iyon ulit, nako! Sinasabi ko sa iyo, Ma— ipalalaba ko talaga sa drayber no'n ang uniporme ko!" sagot nito sa ina habang padabog na isinara ang kanyang kwarto upang magpalit ng damit. "Ano ba ang nangyari sa uniporme mo, anak?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina noong makalabas na ito ng kanyang kwarto. "Tinalsikan lang naman ng putik, Ma! Nanggigigil ako!" anito, sabay inom ng tubig upang pakalmahin ang sarili. Sumabay pa ang sama ng kanyang araw sa sama ng panahon. "Pagpasensyahan mo na, anak. Malay mo ay emergency iyon kaya't nagmamadali ang drayber," sagot ng kanyang ina habang hinahagod ang kanyang likod upang pilit na pakalmahin. "Kung emergency iyon, Ma, hindi pa rin tama na magpaharurot siya ng kotse. Wala siya sa highway, ano," pangangatwiran nito. May punto naman talaga si Ysabel kaya't handa talaga itong hanapin ang kotseng iyon. "O, siya, sige na. Umalis ka na at baka hinihintay ka na ng mga estudyante mo," nakangiting bilin ng kanyang ina kaya't kahit sandali ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Iba talaga ang epekto ng ina sa anak. "Good morning, teacher Ysa!" masiglang bati ng mga estudyante ni Ysabel pagkarating niya sa silid. Kasalukuyang nagtuturo ito sa ikaanim na baitang sa Paaralang Elementarya ng Baryo Estrella. Bata pa lamang ay pangarap na talaga ni Ysabel na maging guro, kaya't ganoon na lamang niya itong tinupad kahit na wala ang kanilang ama upang sumoporta sa kanila. Malapit ang loob nito sa mga bata kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang napiling propesyon. "Magandang umaga rin sa inyo, mga bata. Kamusta kayo?" nakangiting tugon ni Ysabel sa mga ito. "Ayos naman po, teacher!" masigla at malakas sagot ng isang estudyante sa dulo ng upuan. Talagang nilakasan nito ang boses upang marinig ni Ysabel dahil sa likoran ito nakaupo. "Absent po si Kaye, Teacher," malungkot na boses ng isang babae na nakaupo sa pinakaharap. "Bakit raw, Gelly?" sagot ni Ysabel sa mag-aaral. "Dumating raw po kasi ang bisita nila mula Maynila, tutulong daw po siya sa nanay niya," tugon naman nito. Tumango-tango lamang si Ysabel sa sinabing iyon ng kanyang estudyante at nakalimutan na nito agad ang kaganapan na nangyari kaninang umaga lamang. "Sinong bisita naman kaya iyon?" kyuryosong tanong ng dalaga. Hindi niya alam subalit may nag-udyok talaga sa kanya na magtanong. "Isang Mortelli raw po, e," sagot ng kanyang estudyante bago ito napakamot ng kanyang ulo. Napakunot-noo ang dalaga sa pagkakarinig ng apelyidong iyon. Maraming taon na niya itong naririnig sa mga radyo at advertisments dahil sa kasikatan ng negosyo ng pamilya Mortelli sa larangan ng baking. Anak rin ng isang Mortelli ang kanyang childhood crush. Mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang kanyang naramdaman sa pag-iisip na baka narito na talaga ang kanyang dating hinahangaan na magpahanggang ngayon naman ay siya paring gusto nito. MALAKAS at sunod-sunod na pagtunog ng bell ang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid aralan na pinagtuturuan ni Ysabel. Hudyat na tapos na ang klase. Nagsi-ingayan naman ang mga bata sa tuwa dahil ito lang naman ang isa sa pinakahihintay nilang oras. "Yehey! Dismiss na!" wika ng isa. "Tara, laro tayo sa amin!" sabi ng isang bata sa kasama nito sa upuan. "Bye, teacher Ysa!" Kumaway-kaway ang isang bata bago lumabas ng silid. Nakangiting kumaway si Ysabel sa kanyang mga studyante hanggang sa maglaho na silang lahat sa kanyang paningin. Natutuwa siyang isipin ang sayang dulot ng mga bata sa kanya at dahilan kung bakit magaan ang loob niyang magturo. Habang nagsusulat ito sa kanyang record book ay naalala ulit nito ang rumaragasang kotseng sumira ng kanyang araw kanina kaya't punit ang isang pahina ng kanyang class record nang bumaon ang lapis niya rito. Taranta naman niyang tinigil ang pag-iisip at pinunit na lamang ang bahagi ng papel na iyon at iniisip na isang araw, alam nitong makikita niya ring muli ang sasakyan na iyon, at hindi niya palalagpasin ang pagkakataong kumprontahin ang drayber nito. "Makikita rin kita, sisiguraduhin kong maririndi ka sa bunganga ko kapag nagkita na tayo," wika pa ni Ysabel sa sarili na may halong pagbabanta sa kanyang mga salita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook