"Daddy, I shall marry a Mortelli no matter what!" Pagpupumilit ni Sandy. Kanina pa ito nagdadabog at nagwawala sa daddy niya. Paano ba naman kasi, nang mag-usap ang daddy niya at si Don Ramon ay doon na sinabi ng matanda na hindi na niya ipakakasal ang anak niyang si Randolf kay Sandy dahil sa nakita at nasaksihan nito kung ano ang tinatagong ugali ng dalaga na mabait lang naman pala sa harap nila. Napahilot si Mr. Villamor sa kanyang sentido. Kakasigaw ni Sandy ay kanina pa sumasakit ang ulo niya. Umiiksi na ang pasensya niya. Lumaki kasing spoiled ang anak niya. Pinalaki na nakukuha ang lahat ng gusto nito kaya nung medyo tumatagilid na ang business nila, doon na unti unting nagkaroon ng pagbabago sa dati ay masyadong masagana nilang buhay. Nangako naman ng tulong si Don Ramon sa kani

