Habang nakahiga sa malambot niyang kama ay si Rafael ang pumapasok sa utak ni Ysa. Hindi nga niya alam kung bakit niya iniisip si Rafael gayong nandito na naman si Randolf. Iniisip niya pa rin ang kanina. Ang mga sinabi sa kanya ng nanay niya. Siguro kaya niyainiisip si Rafael ngayon ay dahil naaawa siya dito. Iniisip niya na hindi siguro biro ang pinagdadaanan ng isang tao na mula sa mayamang pamilya. Madalas silang diktahan sa kung ano ang dapat nilang gawin at mali ka na agad kapag sinuway mo ito. Napabalikwas ng bangon si Ysa nang makarinig ng pagkatok mula sa sliding window niya. Sa baba kasi ang kanyang kuwarto. Napalingon siya sa binatana. Kinakabahan. Natatakpan ng kurtina ang bintana nila kaya hindi niya makita kung sino ang lapastangan na katok ng katok mula sa bintana ng kwart

