Extraordinary You - 01

2000 Words
♤ 【 1 】♤ An Accident Kiss to a Stranger 『 ⍲iden ’s PoV 』 “ Aiden , gising na at nang di ka mahuli sa pasok mo ngayon ! ” narinig ko nalang bigla ang pagtawag at sigaw ng mama ko mula sa labas ng kwarto ko . Kasalukuyan akong natulog ngayon pero nagising nalang bigla ang diwa ko dahil sa tawag ni mama sa akin . “ Ma , 5 minutes lang po muna . Inaantok pa po ako . ” humihikab na sagot ko habang nakatalukbong ng kumot sa buong katawan . Ang sarap ng tulog ko ... Grabeh , nanaginip pa ako na may lalaki daw akong kahalikan at mas malala pa ay kasal daw kami ? Wee , di nga ? Pwede kaya ako magkaroon ng ganon ? Kyaahh ... Kilig to the bones mga teh ! “ Aiden ! Aiden , gumising ka na diyan . WAG mo akong mapayb minits nga diyang , bata ka ! Bangon na ! ” Napasimangot ako saglit habang nakapikit parin ang mga mata ko . “ Mama naman e , inaantok pa prinsesa niyo ! ” sabi ko pa rito at ganun parin ang posisyon ko . “ Hay naku kang bata ka , alas siyete na kaya ang oras tapos tulog mantika ka pa diyan ? Bangon na dali ! ” nahulog ako bigla dahil sa paggulat sa akin ni mama nang mabuksan niya ang pintuan ng kwarto ko . “ Mama , alas singko pa ngayon . Di pa kaya nag alarm cellphone ko . Ito talaga patawa―Awh ~ ” napadaing ako sa biglang paghatak sa aoin ni mama gamit ang tainga ko . “ Anong alas singko ka diyan ? May ganyan bang oras ngayong kita na masyado ang sinag ng araw dito sa bintana ng kwarto mo , huh ? ” pabulyaw na sabi ni mama sa akin habang hawak parin niya ang tainga ko pababa sa itaas ng bahay namin . “ Aray ko po , mama . ARAY ko po , Awh ~ ” nakasimangot kong da8ng rito hanggang sa marating namin ang cr . “ Maligo ka na diyan at nang makapag ayos ka na , bilis ... Ambagal mo ! ” “ Oo na nga . Maliligo na po ako , mama . Kainis naman oh ! Inaantok pa kaya ako . ” mahinang dabog ko papasok sa loob ng cr para narin maligo . Binuksan ko naman agad ang gripo nun sa loob saka na ako nagtabo para makaligo . Kakainis , alas siyete na ba talaga ? As in , asin ? I mean .. Di ko naman narinig na nagring cellphone ko sa pag alarm e . Mukha bang sira ang cellphone ko ngayong umaga ? Hay , bahala na nga ... Dali dali nalang akong nagtapos sa pagligo at mabilis na lumabas doon paakyat ulit sa hagdanan tungo sa kwarto ko . “ Aiden , Anak . Bilisan mo na diyan dahil late ka ng bata ka ! ” muling sigaw ni mama sa akin mula sa ibaba . “ Opo , ma. Pababa na ako . ” sabi ko at natapos naring magsuot ng uniporme sa achool na bagong papasukan ko ngayon . Nakangiti kong tiningnan ang repleksyon ng mukha at katawan ko sa salamin . Did i just forget to mention who i am ? Mukhang nakalimutan ko ata . Hi everybody , I am Aiden Dela Santos . 16 and a certified Discreet Gay . I proudly represent to you a Grade 10 student from my new school , La Bueva Academy dito sa maynila . Oh , diba ang sosyal ? Actually , di naman talaga kami mayaman at di rin mahirap kundi sakto lang talaga . Yung may kaya ang pamilya ko ! Now that you all know me ? Back to our story na po ulit tayo . So , yun nga . Inaayos ko na ang sarili ko saka ko sinuot ang salamin ko sa mata bago lumabas ng kwarto . Nakasalamin na talaga ako simula nong bata pa ako dahil lumabo ang paningin ko ng mga panahon na yun magpahanggang ngayon . Napatingin muna ako sa oras ng cellphone ko at nakitang set parin ang alarm pero ang ipinagtaka ko lang ay di ito tumunog . Sinuri ko ito saglit at napa-face palm nalang bigla dahil sa nakita ko . “ Shuta ka ! Kaya pala di tumunog dahil na set ko sa alas 5 ng hapon pa . ” pagkakausap ko bigla sa sarili ko at napakamot dahil dito . Grabeh ang tanga lang ng peg , nakakainis talaga !!! Bumaba na nalang kaagad ako at dali daling tumakbo palabas ng bahay . “ Mama , alis na po ako ! ” paalam ko agad ni mama . “ Hoy , teka lang ! Di ka ba kakain man lang ? ” pero umiling lang ako dito . “ Heto , dalhim mo itong baon na ito at nang may makain ka . ” “ Salamat , mama .” sabi ko at tinanggap ko naman agad iyon saka na umalis . Tinawag ko agad ang driver namin sa bahay para magpahatid narin dito sa school ko . “ Kuya Henry , pakihatid mo po ako sa school ko . ” tugon ko . “ Oo ba , halika na sa loob . Pasok ka na at ng maihatid na kita . ” anya na agad rin akong pumasok sa loob ng kotse para magpahatid . Kinabahan tuloy ako bigla . Shuta ka , Aiden .... Late ka na ngayon ! Ilang minuto rin nang makarating kami sa skwelahan kaya agad din akong lumabas para bumaba . “ Kuya Henry , thanks po sa paghatid sa akin . Text lang po ako sayo kapag uwian ko na po aah ? ” “ Oo ba , sige aantayin ko ang text o tawag mo para masundo kita agad mamaya . ” sabi niya na ikinangiti ko at agad na nagpaalam rito para umalis na . I turn my head to look at my wrist watch as i saw it's already 7:15 am . I widened my eyes as i run as fast as i could , “ Shuta , late na ako !! ” pasigaw na sambit ko at dali daling napatakbo . Takbo , Aiden . Takbo . Late ka na , nakakainis ! Tumakbo parin ako ng tumakbo hanggang sa naalala ko ang mga projects na ipapasa ko pala ngayong araw na ito . Natigil ako bigla . Oh my god ang mga projects ko ..... NAIWAN ko sa loob ng kotse kanina . Kung saan malapit na ako sa room ko dun ko pa naalalang may dinala pa pala ako maliban sa lunch box ko ? Kung minamalas ka nga naman oh ! Binalik ko ulit ang mga paa ko pabalik sa dinaanan ko para abutan sana si kuya henry kung nakaalis na ba ito o hindi pa . Kailangan ko pa yong ipasa ngayon kaya dapat balikan ko ito . Ang laki ko talagang tanga , nakakainis ! Late na nga ako masyado pa akong nagpakalate ! Muli na naman akong napatakbo dahil sa gagawin ko pero bago pa man ako umabot sa labas ng gate ay nakita ko nalang dito ang mga nagsitipunan na mga estudyante sa buong campus , na di ko alam kung bakit sila nagtipon tipon ngayon . Anong meron ? Dahil sa mausisa ako ay lumapit ako rito para makisali na para bang nakalimutan ko na ang projects na kukunin ko para ipasa ko ngayon . Mabilis naman akong nakalapit sa mga nagtipon rito at agad na nagtanong sa isa sa mga students rito sa school nato , “ Ah , guys ? Anong meron dit― di ko natapos ng makita ko silang nagsitakipan ng ilong bigla . “ What the ? ” “ Ew , ang baho ng bibig mo . ” “ Yucks ... kadiri naman . ” biglang diri nila na ikinatakip ko rin agad sa bibig ko dahil sa reyalisasyon . Shuta ... !!! Di ko na nga maipass ang projects ko dahil di ko na siguro maabutan si kuya henry tapos nalimutan ko pang wala pa pala akong tootbrush ngayon ? Arrgghh ―!!! Naiinis na ako sobra . Mukha na ba akong matanda para may makalimutan akong isang bagay ? Di nalang ulit ako nagtanong pa sapagkat ay tumingin nalang ako mula sa dako habang nakatakip na ang bibig ko , baka laitin na naman ako ng mga kababaihan at mga kabaklaan rito . Mula sa di kaluyan ng gate papasok rito ay may limang estudyante na puro lalaki ang biglang nagsilakaran mula roon papasok kasabay nun ang biglang hiyawan ng mga estudyante na ikinatakip ko rin pati tainga ko . “ kyaahh ...... ” “ andito na sila ... ang magkakapatid na mga Monterrey !!! ” “ Waaahh , ang ga-gwapo nilang lahat !! ” “ Pero mas lamang at gwapo pa si Sawyer noh , yung color pink ang buhok . ” Eh ? Pink hair talaga ? As in , pink ? Parang bakla lang same as me ? “ It's not , I'd choose those two there . They're so hot as heck , shocks ... Fafa Luis and Fafa Teron , akin nalang kayo ! ” Whoah ... Ganun ba nila kagusto ang limang lalaki na ito sa harapan namin ? “ Pero mas cute parin para sakin si Zemon , yiieee .... Pakasal na kaya kami ? ” What ? Uhm ... Yung totoo , ganito din ba sila kapatay sa kanila para sabihin nila ang mga yun ? “ Nope , mas bet ko at gwapo pa si Mr . Blonde hair , diba girls ? kyaaahh , that's my Fafa Cas . ” “ Tama , tama . ... Waaahhh !! ” muling hiyaw at sigawan nilang lahat . Napaismid ako bigla . Sila lang ? Sila lang pala ang inaantay nila rito ? Ay , talaga ? Pink hair , may green at blue hair tapos red hair then blonde hair ? Ano sila , mga power rangers lang ang peg ? O voltes 5 nalang para mas maganda kung tawagin ? Napasimangot ako saglit saka umalis ron , “ Walang kwenta pala e , Ano yun ? Mga power rangers lang o team voltes 5 ang limang lalaking yun ? Tsk . ” sambit ko at muli akong tumakbo para lumabas na ng gate at nang makuha ko ang projects na naiwan ko sa loob ng kotse . Sana andoon pa si kuya henry kundi patay ako pag wala akong projects na maipasa mula pa kahapon . Sandali rin ng pagtakbo ko ay nagulat nalang ako nang bigla akong matisod mula sa isang bato na di ko alam kung saan nanggaling . Teka , saan nga ba ? Akala ko ba plain grounds dito ? Bakit―Oh my god ! “ O-oh my , shuta ka ! T-tabi kayo diyan―!!! ” pasigaw na utos ko sa kanila pero parang di nila ako pinakinggan na para bang nag stop ang buong paligid ko sa paggalaw . This can't be ... Nakita ko mula sa direksyon ang babagsakan ko dahil sa pagkatisod ko sa isang bato papunta sa isang matangkad at gwapong lalaki ang paroroonan ko na ikinalaki fon bigla ng mga mata ko . Shuta ka ! Bakit parang lumipad naman ata ako ngayon ? Teka ... Sheeyytt ! ‘ Umilag ka , Aiden . Ilag ka !! ’ sigaw sa isipan ko . Pero huli na ang lahat nang matagpuan ko ang sarili kong lumipad patu go nga talaga sa kinaroroonan ng lalaking nakatayo lang sa kanyang posisyon kasabay nun ang biglang pagbagsak ko rito at aksidenteng nahalikan ang estrangherong estudyante . I immediately flushed a red blushed from my whole faced after what i have did just now . What the hell ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD