♤【 2 】♤
Encounter for only a trouble ?
『 ⍲iden ’s PoV 』
“ A - ahh ... Sorry , sorry . ” paghihingi ko ng tawad agad rito nang lumayo na ang aming labi sa isa’t isa .
Hindi ko siya narinig na sumagot pero tinitigan niya ako ng napakalamig na animo’y papatayin ka na sa mga tingin niya kung nakakamatay lang talaga iyon .
Oh ’em gie !
Narinig ko sila bigla na nagbulungan dahil sa nakita nila ngayon na ikinalaki pa ng mga mata ko .
“ Oh my god , hindi ba siya yung baklang nagtanong sa atin kanina ? ”
“ Omg , oo nga . ”
“ Yuck , yung mabaho ang hininga ng tanungin tayo ? ”
“ Eww , oo nga pala noh . Bakit niya hinalikan si Fafa Cas ? ”
“ Ang landi mo gurl !! ”
Dahil sa mga narinig ko ay mabilis akong napatayo mula sa posisyon namin at agad na napatakbo paalis sa lugar na yun .
Nang makaalis na ako sa campus na yun ay dinala ako ng mga paa ko sa isang garden at doon nalang muna napahinto .
Napansin ko rito ang isang matandang puno na sa tingin ko ay sobrang tagal na dahil sa itsura at anyo nito .
Umupo ako saglit sa upuan na nasa ilalim ng puno rito na gawa rin sa isang kahoy saka ako nataranta bigla .
“ Anong ginawa mo kanina , Aiden ! Seryoso ? Talaga bang hinalikan mo ang lalaking stranger na yun at ang mas malala pa ay sa harap ng mga estudyante ? My gosh , nakakahiya ! ” pagkakausap ko sa sarili ko na para bang binubulyawan ko narin ito .
Napapokpok kaagad ako sa ulo ko at muling napatalon talon tapos napatigil nang may pumasok sa isipan ko .
Hindi e , parang ang impossible naman ata yung kanina .
“ Teka nga , paano ba nagkaroon ng malaking bato na may bahing don sa isang plain ground na school na ito , huh ? ”
Oo nga noh , paano ba nagkaroon ng ganun kani-kanina lang ?
Pagkadaan ko palang don para tumakbo , e wala naman yun ah ? So bakit at paanong nagkaroon agad ng malaking bato sa gitna ng campus ?
Magic ba yung kanina ? Ayy , hindi e . Parang impossible din naman ata nun .
May magic bang ganun ?
Ay , ewan ko kung meron ngang ganun .
Baka aksidente lang ang pagkalagay nun o sinadya nga yun talaga ng isa sa mga estudyante rito ?
Oo , tama nga . Sinadya ata nila yun para pagtawanan at pag initan ako ng iba .
Kakaasar , bakit ba ang bad trip ko na ngayong araw na ito ?
Late na nga ako , di ko pa ma ipass projects ko tapos madapa pa ako sa harapan ng lahat at mas masaklap ? Hinalikan ko ang isa sa mga campus heartthrob tapos ang mas nakakainis .....??
“ FIRST KISS ko pa ang naibigay ko sa lalaking yun , Waaahhh !!! ” pagdugtong ko sa mga iniisip ko saka ako napasabunot sa buhok .
Oh my gosh , oh my gosh !
Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon ....
“ Ano na gagawin ko ngayon ? Masyado na akong late ngayong araw na ito , makakapasok pa kaya ako ngayon ? Tapos paano kung pagtawan at laitin ako ng mga students dahil sa kahihiyang ginawa ko ? Waaaahhhh, Ayo―” naputol nalang iyon ng may magsalita sa likuran ko .
“ You are Aiden Dela Santos , right ? ” i stop when i heard him calling me .
How did he .....
“ This must be your things , if I'm not mistaken . ” he said as if he knew what i am thinking about .
Nabasa ba niya nasa isip ko ?
Ay taray , parang vampires lang ! Ay naku , puro nalang talaga laman sa utak ko Fantasy .
Teka lang ... Familiar siya huh ?
Nakita ko siyang ngumiti sa akin na ikinagulat ko , “ I - Ikaw , isa ka sa mga Voltes 5 na yun anoh ? Sino ka nga ulit ? Ah , Sawyer , tama ba ako ? Si Sawyer ka ? ” sunod sunod na tanong ko na ikinangiti niya naman sa akin ulit .
He chuckle , “ Ang cute mo naman . ” I immediately blushed with what he said .
“ And yes , i am really is Sawyer , Sawyer Monterrey . Nice to finally meet you , Aiden . ” sabi niya at inabot agad sa akin ang mga kamay niya .
Sa una ay nag alinlangan akong tanggapin ang kamay niya pero kalaunan din ay ngumiti nalang ako saka nakipagkamay rito .
“ A-ako din . ” yun lang saka ko na inayos ang gamit sa bag ko dahil bigla akong nahiya .
Shocks , kaharap ko ang isa sa mga voltes 5 na campus heartthrob na ito at ang nakakakilig isipin e , mabait at palangiti siya pero ekis muna .
Bawal muna maniwala sa isang taong isang beses mo pa lang nakita o nakilala .
Tama .
He suddenly cleared his throat before he faced at me to broke our silence earlier . “ Wanna come with me to go inside our room together ? ” yaya niya na ikinailing ko agad rito .
“ Ah , hindi na . Saka nalang ako papasok sa room kung malimutan na nila ang nakita nila kanina sa campus court . Ayoko ng pagtawanan nila ako dahil sa ginawa ko . ” sabi ko sa kanya at napaiwas saglit . “ Dito nalang muna siguro ako . ”
Naalala ko kasi ang kanina baka ano na naman ang marinig ko sa kanilang lahat lalo na ang mga kaklase ko .
“ Let’s get going now , don’t worry . Nakalimutan na siguro nila yung nakita nila kanina . ” anya niya na ikinalingon ko naman agad rito .
Kunot - noo ko siyang tiningnan , “ Paano mo naman nasabi yan ? ”
He just shrugged , “ Uhm, just guessing. I remember na kaklase tayo this whole year kaya tara na . ” sabi niya sa akin at kaagad akong hinatak paalis sa garden dito .
Pipigilan ko pa sana siya kaso nahila na talaga niya ako papunta sa room namin .
Wow lang talaga , new students pa nga lang ang isang ito alam na kaagad saan room nila ? Oh , i heard namin pala .
Magkaklase pala kami ng isa sa voltes 5 na ito ? Haha , how great !
Pagkapasok namin sa room ay wala ni isa sa kanila ang narinig ko man pang na pinagchismisan ako dahil kaninang nangyare sa court na―HALIKAN !?
Teka , paano naman kaya nangyare yon ? Kanina halos mabaliw na sila sa kakatawa at singhal sa akin para ibash ako dahil sa nagawa ko tapos ngayon parang wala lang ata sa kanila ?
Awh , edi mabuti narin yun para di na ako mas lalong mapahiy― Oh my god !
I widened my eyes when i saw this guy again beside of my chair arrangement .
I stood frozen when i remember what i did to him earlier .
Shheeeyyytt !!!
“ I―Ikaw ? ”
He gazed upon me as i met his eyes when i stare at him stiffened , “ What? ” cold pero ramdam ko sa boses niya ang isang tension na di ko alam kung bakit ganun nalang siya makatitig sa akin .
Siguro kung nakakamamatay lang ang mga tingin nito , maybe bulagta na ako dito sa kinatatayuan ko kanina pa .
Malamig pero seryoso siyang tumingin sa akin na ikinakaba ko naman bigla .
Shocks , galit kaya siya dahil sa nangyare kanina ? I mean , its natural for him na magalit siya kasi were both guy and the worst aksidenteng nagkahalikan pa sa harap ng lahat na mga estudyante .
I surrender to look for a stare at him as i walk immediately through my chair before i sat down to put my bag at the back of it .
I heaved a heavy sighed as i turn my head to look at the guy i accidentally kissed earlier and there i met his gazed again that makes me looked away from his .
Namula ako bigla .
He was gone mad about those kiss , I'm sure of that .
Sino ba ako para halikan ang isang stranger na gaya niya tapos heartthrob pala ang isa sa mga voltes 5 na ito . I only had encounter them for a trouble !
Magkaklase pa kami pati ni Sawyer , ang nagsauli sa aking mga notebooks .
I sighed again and again .
E , paano ba kasi . Di ko na maipasa ang projects ko ngayon dahil sa naiwan ko na ito sa kotse namin tapos di ko pa naabutan si kuya henry dahil kanina .
At muli na naman akong napabuntong .
Binuklat ko na agad ang notebook na binigay sa akin don sa garden saka ako bigla nagulat dahil sa nakita kong freshint candy .
I tilt my head to stare at it as i read his note .
‘ Eat this so you can feel the freshness of this mint inside your mouth . I heard what the others said. ’
- Sawyer Monterrey
Pagbasa ko sa nakasulat rito na ikinangiti ko bigla .
Ay , ang sweet !
I looked at Sawyer as i saw him looking infront but i stop when i saw the guy gazing at me suddenly .
What is his problem anyway ?
He immediately snobbed at me na ikinaismid ko bigla .
Haluuuh siya ? Kaya niya palang gawin yun ?
Muli akong napaismid at umuwas nalang sa mga titig niyang malamig pero pampakalma din minsan .
Sa harapan napang ako tumingin at pinoproblema bigla ang pagdating ng unang guro namin sa English na pinapaggawa ako ng projects yesterday dahil ako nalang ang hindi nagpass .
Oh my god ! Ano ang sasabihin ko rito ?
“ Good morning , class ? ”
“Good morming , Mrs . Cruz . ” Pagbati din namin rito saka niya kami pinaupo .
Kinabahan ako bigla sa magiging rason ko sa hindi ko pagdala ngayon sa projects ko .
“ So , class . I―pinutol ko naman agad yun saka ako napatayo para magsalita .
“ Teacher , hindi ko pa maipasa ang projects na pinapaggawa mo dahil di ko dala yung akin . Sorry po , sorry . ” agad agad na rason ko sa unang sasabihin niya saka ako napayuko .
Hindi ko ito narinig na nagsalita pero saglut din akong napatigil ng pagtawanan ako ng mga kaklase ko na ikinaangat ng tingin ko .
“ B-bakit ? May nasabi ba akong mali ? ” sambit ko at napalinga linga sa kanila at nagsalita naman kaagad ang guro na nasa harap namin .
“ What do you mean by a projects , Mr . Dela Santos? ” tanong niya na ikinataka ko bigla . “ Did i gave you all a projects this week , everyone ? ”
Lumingon ako sa kanila pero nakita ko silang umiiling na ikinagulat ko .
“ No , ma’am . Wala naman po akong naalalang may binigay kang projects sa amin this week . ” pagtaas kamay ng isang babae kong kaklase .
“ Yeah , Claire was right . Ma'am , beside kulang lang siguro sa tulog si Aiden kaya ganito siya kagulat sayo, and beside puro nalang kasi libro ang nasa utak niya . ”
I look at them horrified .
Ano raw ?
“ T ... teka , parang may mali e . ” pigil ko na ikinailing ng iba .
“ Walang mali don , Mr . Dela Santos . Take a seat now or else sa labas ka magkaklase ng ikaw lang .” tugon ng guro sa akin na agad ko naring sinunod .
Bigla naman akong tinawanan ng mga kaklase ko na ikinayuko ko agad dahil sa hiya .
Wala ba talaga kaming projects ngayon ? o baka naman nalimutan lang nito ?
Hindi e , parang may kakaiba ng nangyayare ngayong araw na ito .
Hindi ko alam kung tama ba itong mga hinala ko pero maybe i was only wronged for thinking in this way , right ?
Siguro , stress lang ito .... i dont know .
Nakapagpahinga naman ako ng maaga kaya impossibleng hindi ako mag ooverthink ng ganito .
I gazed to looked beside my chair as i met this blondie hair guy’s eyes looking at me also with his cold emotion faced .
Napaismid kaagad ako rito saka ko siya iniwasan sa pagtitig , grabeh hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niya.
Nakakainis , naalala ko na naman ang first kiss ko sa kanya .