EXTRAORDINARY - 05

1967 Words
♤【 5 】♤ Their sudden weird actions 『 ⍲iden ’s PoV 』 Maaga akong nagising at nauna pa sa alarm clock na na-i-set ko kagabi bago matulog . Napangiti naman ako dahil doon . Yas ! Di na ako mala-late sa pagpasok ngayon . Mabilis akong pumasok sa banyo namin para narin makaligo pagkatapos nun ay lumabas din ako para magbihis ng uniform sa loob ng kwarto ko . Nakaharap na ako ngayon sa salamin ng kwarto ko habang inaayos ko ang sarili ko mula sa pagsuklay sa buhok ko na kulay itim , pagkatapos nun ay isinuot ko naman ang eyeglasses ko bago bumuntong hininga at ngumiti . “ Okay , ready ka na ulit pumasok sa school , Aiden nang di late . ” Sana lang wala ng mga weird things na mangyayare ngayon like yesterday na nakahalik ako sa isang lalaki na .... KAKLASE KO PALA ! Shocks ... Nakakahiya talaga yun ! “ Kyaaahhh!!! ” napatalon talon ako sa higaan ko saka napaguling gulong dahil sa hiya at kilig narin . Kakahiya talaga , pramis ! Agad akong bumangon saka ko inayos ang sarili ko ulit at lumabas na ng kwarto tapos bumaba sa hagdanan para dumiretso sa kusina at ng makakain na . “ Mama , kain na po ako ! ” pasigaw na sabi ko bago ako dumiretso sa kusina para ilagay muna ang bag ko sa salas . Pero bago ko pa iyon mailagay ay nabigla nalang ako nang makarinig ako ng isang tawanan na galing mula sa kusina kasama ang mama ko . Teka , may mga kasama ba ang mama ko ? Dahil sa kuryosidad ko ay mabilis akong napatakbo palapit sa ambahan ng pinto sa kusina namin . “ Mama , may mga kasama ka―” i cut off my own words as i widened my eyes in shockness when i saw my mother with them . “ A - anong ginagawa ng mga yan dito , mama !!?? ” mabilis na tanong ko kay mama at akmang papaalisin sila nang pigilan ako ni mama . “ Aiden , anak , wag ka namang ganyan sa bisita natin . Pinapunta ko sila dito dahil nalaman kong magkaklase lang pala kayo ni Lucas at Sawyer , e . Bakit di mo sinabi sa akin ? Para naman magkasabay kayo pumasok araw - araw . ” anya na ikinasimangot ko saglit . “ Pero mama ... ” “ Anak naman ... Hayaan mo nalang kasi para naman may makasama ka sa pagpasok mo sa school . ” sabi niya na ikinalingon ko sa limang lalaki na tahimik lang sa kanilang kinauupuan . Then i slowly sighed . “ Fine ! Wag lang sila magpakita sakin ng kakaiba kagaya kahapon . ” sabi ko at nakita ko sa aking peripheral eye view na wala lang kay lucas ang sinabi ko . Umupo nalang ako sa upuan ko malapit kay mama at kay sawyer saka na kumuha ng pagkain sa mesa . “ Kumain pa kayo , hijo . ” Binigyan naman sila ni mama ng ulam na kaagad din nilang tinanggap saka nagpasalamat . “ Sure , tita . ” “ Thanks , Tita . ” Luh ? Ansabe nila ? Kung maka - tita ang mga ulupong na ito WAGAS !? I just listened to what they talked but after i eat i immediately stood up to go at the sink after i drank water to do my routine things . Ang magsipilyo lang naman sa ngipin dahil baka sabihin na nilang mabaho na masyado ang hininga ko kagaya kahapon . Hays ... Pagkatapos kong makapagsipilyo ay agad kong kinuha ang lunch box ko saka na nagpaalam kay mama . “ Mama , alis na po ako . ” “ Wait lang , anak . Isabay mo nalang din sila para narin makausap mo rin sila . ” pigil na saad ni mama sa akin saka ko nakitang nagsingitian ang tatlo sa akin except sa dalawa . Si Red hair at Blonde hair lang naman ! Mga masisinop ata ang mga ugali nito . “ Pero mama , di na po kami magkasya sa loob ng kotse natin dahil .... ” pinutulan kaagad ako ni mama saka siya ngumiti sa akin na nakakaloko . Ano na naman kaya ang trip ng mama ko ngayon ? “ Don't worry about that , Aiden . Sawyer insisted na siya ang magdrive ngayon para mahatid ka kasama sila sa school niyo ! Hindi ba nakakatuwa yon ? ” pinanglakihan ko siya ng mata dahil sa gulat . “ Pero si Kuya Henry yung driver natin , diba ? ” “ Oo naman pero pinabakasyon ko muna since nasabi din naman ng kaibigan mo na sila nalang ang makakasama mo everyday sa pagpasok mo sa iyong school . Right , boys ? ” “ Yes , tita . ” mabilis na sagot nila na ikinataka ko bigla . May mali na naman ata ! Binibrainwashed nga talaga nila ang mama ko like yesterday . Nagpigil nalang ako at baka sawayin na naman ako ni mama na inaaway ko ang mga bisita namin ‘kuno’ . Hays ... Imbes gusto ko nang lumayo sa limang voltes 5 na ito saka pa ako nagka badluck ngayong araw na ito . Siguradong may mga plano ang limang ito sa akin . I looked at them as i nodded at my mom means in surrender . “ Okay , we gotta go then . ” yun lang saka ako lumabas sa bahay para pumasok na sa kotse . I really can't believed na gagawin yun ni mama ang pagbakasyon niya kay Kuya Henry . Gosh ! Ano na bang nangyare sa day ko yesterday and today ? Nakakapagtaka na talaga , huh . “ Get inside , dude . ” narinig ko na silang nagsipasok sa loob ng kotse kaya naman ay napaayos ako sa sarili ko para di nila mahalatang iniisip ko sila , kung bakit sila naging close na ng mama ko . Baka pati papa ko , magiging close narin nila huh !? “ Mag ingat kayo sa inyong biyahe , anak ! ” “ Okay po , mama . ” “ Okay , mga hijo ? Ayusin niyo ang pagdrive sa kotse at pakiingatan naman niyo prinsesa ko , huh ? ” “ Sure , tita ! ” I immediately reacted to what my mom said at them , “ M - mama naman ! ” “ Hehe , joke lang anak . Sige ingat kayo huh ?! ” muling paalam niya na ikinasimangot ko habang tumatawa naman yung dalawa sa likurang bahagi dito sa loob ng kotse namin . Di ko nalang sila pinansin at agad ding pinaandar ni Sawyer ang makina ng kotse nang makapasok na siya . Nang makaandar na ang kotse ay agad din niya itong pinaharurot paalis na sa bahay namin . ☁⛈☁ Habang nasa biyahe kami ay nakatuon lang ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan ako nakaupo malapit sa driver seat . Napaismid ako bigla dahil sa narinig kong tawanan at biruan ng magkakapatid dito sa loob ng kotse . Sa napapansin ko nga ay kanina pa sila ingay ng ingay at nagkukulitan na parang mga bata , e . At dahil don naiirita din ako sandali ! I sighed . Nakita ko naman sa bandang gilid kung saan nakaupo ang kaklase kong si Lucas na tahimik lang habang nakatingin din sa bintana tulad ko . Kahit sa sandaling yun ay napatitig ako sa kanya gamit ang rear mirror ng kotse namin saka napabuntong hininga . Mabuti naman at may nakisama sa akin na manahimik pwera nalang sa dalawang ito pati na ang isa na hanggang ngayon di ko pa kilala ay puro ingay ang ginagawa . Hays , parang ngayon pa sila nagkukulitan e ! But still ... I don't have the guts to trust them all lalo na at binibrainwash nila ang mama ko sa nakita ko sa kanilang bahay kahapon . I swear ... Totoo talaga yung mga nakita ko at ang limang ulupong na kasama ko ngayon ay may mga masamang balak ito sa akin . Kasama na ngayong parang ang bilis din ata nilang nakipaglapit sa amin ng pamilya ko . Siguro ... May mga sikreto itong mga ito at baka kung saan nalang ako matagpuan ng pamilya ko na patay na ! Hays , Wag naman sana . Ilang oras din ng biyahe namin ay nakarating na kami sa parking lot ng school namin kaya agad din yung ipinarada ni Sawyer sa gilid malapit sa gate ng Academy namin . Agad ko namang binuksan ang pintuan ng kotse nang makaramdam na naman ako ulit ng kaba . Mabilis akong bumaba para tahakin papasok ang daanan sa school saka na naglakad . To be honest , i some smell something weird will happened again today . Kaya ang ginawa kong paglakad ay sinaluhan ko narin ng mabilis na lakad - takbo para makalayo na kaagad sa kanilang Lima . “ Aiden , sandali ! ” boses ni Sawyer ito na parang pinipigilan akong maglakad pero di ako napatinag . Patuloy lang ako sa lakad - takbo ko at ganun din silang lima na sinusundan ang bawat lakad ko sa daanan na ikinapansin narin ng ibang estudyante ang biglang pagtatalo namin sa paglalakad . Nagsimula na naman silang magbulungan kagaya ng kahapon dito rin sa campus . “ Anong meron ? ” “ Bakit nila sinusundan ang baklang tulad niya ? Di hamak na mas maganda naman tayo kumapara sa baklang echosera na yan , diba ? ” “ Ano ka ba , girl ? Baka naman may utang siya kaya hinabol ng mga Fafa’s natin ! ” “ Haha , oo nga noh ! Siguro gagawin siyang slave ng Fafa’s natin at magiging slave narin natin siya , right ? ” “ Serves his right ! Haha , maganda din yan ! Sana ako rin habulin nila . ” “ Pwede ding ako nlang ang habulin nila kesa sa baklang yan , noh ! ” Argh ! Nakakainis sila , grabe kung makapagbulungan kala nila di ko sila maririnig ? Hugh~ Kung alam niyo lang kung bakit ako hinahabol ng mga ulupong nato ? Naku , tatakbo din kayo kagaya ko . Nagtipon-tipon na silang lahat kaya naman mas binilisan ko pa ang paglakad at takbo para lang di ako maabutan ng mga ito . “ Aiden , sandali lang ! ” tawag sa akin ni Sawyer at ang tatlong kapatid nito . “ Aiden , tumigil ka muna sa paglalakad saglit ! ” anilang apat habang todo habol sila sa akin . “ Ayoko ! Hayaan niyo nga ako kung sino man kayong voltes 5 kayo ! ” pagmamatigas ko at ganun parin ang ginawa ko . “ Aiden , antay pang sandali ! Makinig ka muna . ” pasigaw na tawag nila sa akin ulit pero di ko parin sila sinunod . “ Ayoko nga , sabi e ! ” “ Aiden , kapag di ka titigil sa paglalakad ay pipilitin ka naming patigilin . ” biglang banta nila sa akin na mas lalong ikinakaba ko pa . “ E - edi , gawin niyo kung kaya niyo . W - wag ninyo akong pagbantaan . ” balik sigaw ko rito at nautal pa ako nun . Saktong aapak na sana ako sa hagdanan habang nakatitig sa gawi ko ang mga estudyante sa buong campus ay bigla nalang akong nakaramdam ng malakas na enerhiya mula sa kung sino saka ako napalingon rito na ikinalaki ng mga mata ko . Hindi , hindi totoo itong mga nakikita ko ngayon ! I - It's not for real , right ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD