Extraordinary You ( BL )
♤【 4 】♤
Neighborhood from a Classmate ?
『 ⍲iden ’s PoV 』
“ L - L - Lucas !!?? A - anong ―” naputol bigla yun ng sumingit si mama sa pagsigaw ko .
“ Ikaw ba ang anak ng bagong lipat dito sa bahay na ito , hijo ? ” ani mama na ikinatingin ko sa lalaking kaharap namin na kalmado ngunit seryoso na niya pala akong tinitigan .
Sheeyytt !!
Mabilis kaagad akong napayuko sabay tago sa gilid ni mama para di mailang sa kanyang mga tingin .
Hindi ko alam kung paano ak9 magreact , i mean ... How did he end up here so fast ? Eh nasa kalsada pa nga siya nung makauwi kami ni kuya henry sakay sa kotse e .
Paano ba yun ? Sasakay siya ng jeep ? Motor ? Or what ? Naglalakad lang naman siya kanina e , paanong saktong pagkauwi ko para samahan si mama sa pagdoor bell sa kabilang bahay nato saka naman siya sumulpot at dumating sa likuran namin .
Nakakapagtaka na talaga ang mga nangyayare ngayon .
“ No , but i am the owner of this house right only this time . ” kalmadong sagot niya na ikinangiti pa bigla ng mama ko .
“ Ah , talaga ? Pwede ba kaming pumasok ? ” nanlaki bigla ang mata ko dahil sa narinig ko kay mama .
“ M - mama naman , uwi na po tayo . ” pagbulong ko rito at akmang aalis nang pigilan niya ako ulit .
“ Wag ka munang umalis , nakakahiya naman sa kanya diba ? Bagong lipat siya dito kaya pakisamahan muna natin . ” anya na pabulong din saka bumalik ang tingin niya sa lalaking titig na titig parin sa akin .
Kakainis , ang kapal talaga ng mukha ni mama e noh ? Pwede naman kasing ibigay nalang ang pagkain kesa pumasok sa bahay nato na pagmamay ari ng lalaking ito .
Hays ...
“ Sure , feel at home . Mrs . Dela Santos . ” pormal na saad niya at pinagbuksan kami ng gate na agad ding pumasok si mama habang hila ang braso ko .
Di nalang ako pumalag pa at sumabay nalang din papasok habang nakayuko ang mga ulo .
Ayoko kayang makitang tinitigan ako ng lalaking ito noh .
“ Ang dami nang nagbago sa bahay na ito , hijo . Siguradong alagang alaga niyo ang mga halaman na narito na tanim ni Mang Ed noong sila pa ang nakatira dito . ” biglang sambit ni mama na ikinasang ayon ko naman .
Inilibot ko ang buong tingin ko sa garden rito na ikinangiti ko saglit .
Oo nga , ang daming nagbago !
Gumaganda ang bawat halaman na nandito kagaya ng mga bulaklak na nakatanim sa bakuran malapit sa pintuan nila .
“ Maalagain sa mga halaman ang nakatira dito , mama . Tingnan mo yung daisy na tanim noon ni Mang Ed , dati patay yan pero ngayon buhay na at malago . ” galak na saad ko at napaturo sa mga daisy na nakalaray sa gilid nito .
“ Oo nga noh . Parang dumadami nga e . ” ngiti din ni mama saka patuloy parin ang paglakad namin habang nakasunod ang kaklase ko sa likuran namin .
Nakaramdam ako ulit ng hiya at kaba bigla .
“ Pasok kayo sa loob at magbibihis muna ako . ” utos niya sa amin nang makapasok na kami sa loob ng bahay .
Tumango naman si mama sa kanya habang ako ay napamangha sa loob ng bahay niya .
I mean , grabe ang laki neto at saktong titirhan ng buong pamilya o magkaroon man ng okasyon sa loob nato .
“ Hoy , bata ka . Upo ka na dito at baka ’y darating na yun . ” saway sa akin ni mama na agad rin akong umupo .
“ Mama , uwi na kaya tayo ? Iwan nalang natin ang―” naputol na naman yon ng makita kong bumaba na sa hagdanan ang kaklase ko saka umupo sa harapan namin .
Hays , si mama talaga ....
“ Hijo , heto pala ang welcome gifts namin sayo ngayong bagong lipat kayo sa lugar namin . ” panimula ni mama saka niya muling inabot ang isang basket na agad ding nitong tinanggap .
“ Salamat . ”
“ Walang anuman , hijo . Sana magustuhan mo yang cupcakes na gawa namin ng anak ko . ” anya niya na ikinaismid ko bigla dahil sa narinig ko .
“ Mama naman ... ”
“ Shh , wag ka ng madaming reklamo diyan . ” sita niya at ngumiti ulit sa harap ni Lucas . “ So , kumusta ka naman sa bagong bahay mo , hijo ? ”
“ It's fine . ”
“ Ahh , ikaw lang ba mag isa dito sa bahay mo ? O kasama mo ang magulang mo ? ” muling intriga ni mama rito na ikinailing ko bigla .
Hays , si mama talaga kahit kailan feeling close sa iba .
“ I'm with my brothers only . ” matipid parin niyang sagot kay mama .
“ Ganun ba ? Asan ba mga magulang niyo ? ”
“ They we're out of thiss country . ” sagot niya pero halata sa boses niyang nagsinungaling lang siya .
Nakinig lang ako sa usapan nila at halos makatulog na ako dahil sa dami nilang pinag usapan .
Half of hours ang kanilang pag uusap sa mga bagay bagay na hindi ko na masyadong naiintindihan kaya naman napagpasyahan ko na sanang natulog nanag bigla nalang nagsalita si mama at napatayo .
Oh my gosh , iiwan niya ba ako ?
“ Hijo , pwede bang gumamit muna saglit sa banyo niyo rito ? May tawag kasi ako sa kalikasan . ” matalinghagang paalam ni mama na ikinakaba ko nalang bigla .
“ Mama .... ”
“ Sure , just go upstairs and go straight then turn to left . Makikita niyo po don ang banyo . ” malamig na sabi niya kay mama na ikinangiti din niya rito .
“ Sige , hijo . Iiwan ko muna saglit ang anak ko sayo at nang magkausap naman kayong dalawa .” saad niya sabay kindat sa akin .
Nagsalubungan ang mga kilay ko na nagpapahiwatig na sasama ako sa kanya pero nang mouth signed naman siyang hindi na para daw may oras kaming dalawa sa pag uusap .
Yung totoo ... Sinadya ba ito ni mama para maplapit ako sa isa sa voltes 5 na ito ?
Kasi oo ... Aalis nalang ako .
Nakita kong umalis na si mama saka siya umakyat sa itaas para magbanyo hanggang sa naiwan nalang kaming dalawa ng kaklase kong kinaiinisan ko dahil lang sa pagtitig nito .
Then suddenly our atmosphere was filled of tensions and silence .
Wala sa amin ang gustong magsalita lalo na ako kata di ako nagpatalo sa biglang pagtitig niya sa akin ng malamig pero kalmado parin ang emosyon .
Nagkasalubong ang mga mata namin na ikinahiya ko naoang bigla saka ak9 napayuko muli .
Kinabahan ako na parang ewan dahil di ko maiintindihan ang mga naramdaman ko ngayong mga oras na ito .
Ang dami kong gustong sabihin at itanong rito pero di ko naman magawang ibuka ang bibig ko para gawin yun .
Di ko alam pero may kung sino ang pumigil sa akin na itanong yun .
Ganun parin ang atmospera naming dalawa pero di parin bumaba sa banyo ang mama ko na ikinatakot ko bigla .
Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko hanggang sa may marinig kaming nagsitawanan mula sa labas na agad ko ring nabalingan ng tingin .
Nagtawanan muna sila at nagbangayan na parang mga bata bago ko sila narinig na nag uusap .
“ Bakit kaya hindi sumabay sa atin ang nakakatandang kapatid natin ? ” ― si green hair ang nagsalita nun .
“ Siguro , naidate na niya ang kaparehas niya ngayon , noh ? ” ― si blue hair naman ang nagsabi nun .
Ewan , di ko alam kung ano ang mga pangalan nila na kapatid din pala ni lucas .
“ Haha , dude . I really can't imagine na siya ang magiging kapareha ng kapatid natin .” ― si pink hair naman ang nagsalita .
I mean , it was Sawyer .
Siya lang ata ang nakilala ko maliban sa tatlo .
“ Wag niyo ngang pagtawanan ang kapatid natin ng ganyan . It's unexpected choosing of destined pair for him kaya yun ang napili para sa kanya . ” ―bigla namang inis nung naka red hair sa kanila .
Hindi ko sila maiintindihan sa kanilang pinagsasabi pero saglit din akong napatigil sa kinauupuan ko nang makita ko ang paglitaw ng dalawang balde sa itaas ng ulo sa apat na lalaking paparating sa pintuan .
I widened my eyes when i saw how it was floating above and immediately washed up from their uniform .
Teka .... tama ba ang mga nakita ko ?
Lumilitaw na dalawang balde sa itaas ng ulo ?
Kasabay nun ang biglang pagpasok nila na hindi ko man lang nakitaang nabasa ang mga uniporme nila .
Teka , Paanong .....
“ Lucas , ang aga mo naman atang umuwi at ―” di ko ito pinatapos at kaagad na pasigaw sa gulat .
“ AAAHHH―!!! K - kayo ! B - bakit ... Paano niyo nagawa yun ? ” pasigaw na sabi ko at napatayo .
Hindi sila sumagot kaya nagtaka na ako bigla sa kanilang lima .
“ Sabihin niyo ... Ano yung nakita kong dalawang balde na lumilitaw sa ulo niyo tapos nabuhasan kayo ? ” sigaw ko pa rito at ganun parin sila .
“ Anak ? Anong nangyare dito ? ” narinig kong tanong sa akin ni mama kasabay nun ang pagbaba niya sa hagdanan .
Mabilis ko siyang nilapitan at lumayo sa kanila dahil sa takot .
“ M-mama , may nakita akong kaka8iba dito sa bahay na ito bago pumasok ang apat na yan . ” turo ko agad sa apat na ikinatingin ni mama rito .
“ Anong pinagsasabi mo diyan , anak ? Kakaiba ? Ano namang kakaiba ? ” bigla naman akong natigilan dahil don saka ako napatitig kay mama ng may pagtataka .
“ Mama .... ” sambit ko at napalingon ulit sa kanila saka ko sila pinagsalubungan ng pagkunot sa noo ko .
“ Anong ginawa niyo sa mama ko ? ” tanong ko rito at akmang lalapit sa kanila nang pigilan ako ni mama .
“ Anak , ano bang nangyari sayo ? ”
“ Siguro , bi - ni - brainwash niyo mama ko anoh ? ” patuloy parin g ’ sita ko pero umiling sila at nagkibit balikat sa akin .
“ Anak , ano ba ? Tama na nga yan ... Pagpasensyahan niyo na ang anak ko mga , hijo . ”
“ Mama , nakita ko ang ginawa nila at ang kababalaghan ng bahay na ito . May dalawang balde kasi na―” di ko natapos nang magsalita ulit si mama .
“ Anak ... ”
“ Pero mama , nakita ko yun sa dalawang mata ko . ”
She made a facepalm as she sighed , “ Anak naman , kung ano ano na naiisip mo . Pagod ka na siguro o di kaya’y ―” i cut my mom's words as i gazed at them seriously .
“ Mama , hindi ! Nakita ko talaga yun , maniwala ka sakin ... ” di ko natapos nang makita kong pinaglakihan ako ng mata ni mama na para bang galit na ito sa akin .
“ Aiden ! ” saway niya sa akin .
Hindi na ako nakapagsalita dahil doon saka ako napapikit sa mga mata dahil sa nakita ko kanina at nagpigil sa kamao ko .
Sandali din ng pagkapikit ko ay nakaramdam ako bigla ng pagkahilo at sakit sa ulo .
Napahawak kaagad ako sa noo ko kasabay nun ang biglang pagtiklop ng paligid ko .
Ang tanging naalala ko nalang ay...
Dalawang balde na lumilipad sa ulo nila na bumuhos .
And all the scenes turn black .
☁⛈☁
Nagising nalang ako na nasa higaan ng kwarto ko sa mabilis na bumagon dahil sa naalala kong pangyayare sa bahay ng mga voltes 5 na yun .
Napahawak ako ulit sa ulo ko kasabay nun ang pagpasok ni mama mula sa labas ng kwarto ko .
“ Aiden , anak ? Ayos ka lang ba ? May masakit ba sayo ? ” sunod sunod na tanong niya na nag alala .
“ Mama , ayos lang ako . Paano ako napunta sa kwarto ko ? Sa pagkakaalam ko ay nasa bahay tayo ng bagong lipat diba ? ”
Tumango naman si mama sa akin saka siya nagkwento , “ Nakatulog ka kasi doon sa sofa nila ng tatlong oras habang nag uusap kami ng kaibigan mo kasama ang mga kapatid niya . ” napatitig ako bigla dahil sa sinabi ni mama .
Teka , akala ko ba si lucas lang ang kausap namin kanina nong nagbigay kami ng pagkain ? Bakit nag iba naman ata ang nangyare ?
“ Nang mapansin naming tulog ka parin sa sofa ay doon na ako nag panic na baka napano ka na mula sa pagkakatulog dahil bigla ka nalang nagsalita tapos gumagalaw galaw ka pa na parang inaaway ka mula sa pagtulog mo . ”
Nakatulog ako ? Hindi parang may mali na naman ah !
“ Natulog ako sa sofa ng bahay nila ? ”
“ Oo , anak ... Nakatulog ka ng tatlong oras dahil don ay nag panic ako nang sabihin din ni lucas na mainit ka at may lagnat . Naisip kong umuwi nalang dahil sa kalagayan mo pero nagpresenta sa akin si lucas na siya na ang magdala sayo rito paakyat sa kwarto mo , sandali ka pa nga niyang binantayan dito sa loob at pagkatapos nun ay umuwi narin siya nang sabihin kong ako na ang bahala sayo . ” nakangiti niyang sabi .
Napakunot ulit ang noo ko dahil sa sinabi ni mama sa akin ngayon .
Hindi ako nakapagsalita bagkus ay inaalala ko ang nangyare sa bahay ng mga yun .
Hindi , hindi !
May mali talaga sa nangyare e , hindi naman ako nakatulog ah !
Bakit parang nang iba naman ata ang buong storya na ngayon ay kinuwento ni mama sa akin ?
Tama kaya ang nakita ko kanina .
Hindi ako pwedeng magkamali dahil tama ang nakita kong may dalawang balde na lumilipad sa ulo nila saka iyon bumuhos ng mag isa .
Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung paano yun ginawa ?
I gazed at my mother as i nodded at her before i lay back at my bed .
“ Ganun po ba , mama ? Sige po pahinga nalang po ako total gabi narin naman . ”
“ Sigurado ka , anak ? Hindi ka man lang ba kakain ? ” anya .
Umiling naman ako bilang sagot , “ Hindi na po , mama . Papahinga na po ako . ” sabi ko sa kanya at tumango nalang din siya saka siya lumabas sa kwarto ko .
Muli na naman akong napaisip .
Sigurado akong binibrainwash nila mama ko dahil iba na ang nangyare , may tinatago siguro ang mga yun na di namin alam .
Kaya hangga’t maaga pa ay lalayo ako sa mga kumag na yun dahil sa susunod ay papatayin na ata nila ako dahil sa nakita ko .
Waaaahh!!!
Hindi , hindi mangyayare yun .
Hindi talaga !
‘ Kaya relax ka pang Aiden at wag ka ng magpakapalapit sa lima na yun bukas . ’ Sambit ko sa aking sarili bago ako nakatulog ulit .