Hindi naman ito dapat ganoon kung makatitig sa kaniya kung wala itong narinig mula sa señora. Tama ang hinala niya, maaaring ipinagtapat rito ng ginang ang lahat ng napag-usapan nila ng matanda. Ni hindi ito kumukurap habang tiim bagang siyang tinititigan sa mata. Ano ba ang dapat niyang gawin? Paano niya rito ipaliliwanag ang lahat at sabihing hindi niya sinasadya? O ‘di kaya'y na-misunderstood lamang ng señora ang sinabi niya? Ikinuyom niya ang kamao at ipinikit na lamang ang mga mata. Kung magalit man ito, wala siyang pagpipilian kundi tanggapin ang masasakit at maaanghang na salita mula rito. Bahala na. Nakiramdam siya. Pilit na hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman siguro siya makakatikim ng sampal ni suntok dahil lamang sa pagsisiwalat niya ng lihim sa ina nito. Dinig niya a

