Inaasahan na niya na makikita roon si Francesca ngunit hindi sa ganoong pagkakataon. Alam niyang ang inaanak niya at the same time, asawa niya sa kontrata sa ngayon na si Francesca ang nagmamay-ari ng restaurant na pinagkitaan nila ni Tiarra. Kung may ideya lamang siya na roon sila magkikita bago siya makarating sa lugar na iyon ay siguradong ipaka-cancel niya ang appointment rito. Natigilan siya nang titigan si Francesca na nakatitig rin sa kaniya. Nakikiramdam pa rin siya nang mga oras na iyon. Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang ina na patuloy na binabasa ang bawat reaksyon sa mga mata. Agad siyang lumapit rito at humalik saka humarap kay Tiarra. “S-Si Francesca, ang tinutukoy kong asawa ko,” pagpapakilala niya kay Francesca upang ipahiwatig kay Tiarra na hindi na siya available sa

