Chapter 9

1240 Words
“Si Francesca, gising na ba?” “Maaga po siyang lumabas senator,” sagot ng katulong habang nagliligpit. Agad na napakunot ang kaniyang noo. “Saan daw pumunta?” “Wala pong sinabi senator..” Napabuntong-hininga siya. ‘Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ‘yon.’ Kung alam lang niya nang mas maaga ay hindi sana siya mapapasabak sa pakikitungo sa ganyang klase ng babae. Mukhang sasakit ang ulo niya sa inaanak niyang iyon. Napailing na lamang siya habang patuloy sa paglalagay ng palaman sa tinapay. Aalis na lamang siya ay hindi pa rin bumabalik si Francesca. ‘Saan ba siya pumunta?’ “Sige Manang, pakisabi na lang sa kaniya na–” “Good morning, senator..” Papasok na siya ng kotse nang bumungad sa kaniya ang nakangiting si Francesca. Mukhang kararating lang nito mula sa pagjo-jogging dahil sa suot nito. Sa inis ay mabilis niya itong nahila dahilan para mapasandal ito sa pintuan ng sasakyan niya. Nanlaki ang mata nito sa kaniyang ginawa. “Inisip mo rin ba na may taong nag-aalala sa ‘yo?” tiim-bagang niyang tanong. Hindi ito nakaimik habang nakaangat pa rin ang mukha na nakatingin sa kaniya. Mukhang naghihintay ng susunod niyang hakbang. “Ba-bakit, n-nag-jogging lang naman ako ah.. Hindi–” “Uso ang magpaalam, Francesca.. Paano kapag may mangyaring masama sa ‘yo. Paano ka namin hahanapin, aber?” kunut-noo niyang sambit. “P-Pasensya na.. H-hindi na mauulit, magpapaalam na ‘ko s-senator..” Nakita niya kung paano ito mapalunok sa kaba. Natuon ang paningin niya sa namumula nitong labi. Napalunok na rin siya sa hindi niya malamang dahilan. Kaya't mabilis niya itong pinakawalan. “Sige na, aalis na ‘ko. Kailangan ko pang pumunta sa senado. Ibigay mo sa ‘kin ang number mo. Sabihan mo na lang si Manang tungkol diyan.” Pagkuwa'y tinalikuran na niya ito. Nagpakawala siya nang malalim na hininga. Hindi niya mawari kung bakit pati siya ay malakas at mabilis rin ang t***k ng puso. Talaga nga namang sinusubukan ni Francesca ang pasensya niya. May katigasan nga ito ng ulo. Mukhang mahihirapan siya para pakitunguhan ito. Kalmado siyang nakipagkamay sa mga kapwa niya senador nang makapasok sa loob. Buti at nakaabot pa siya. “Sen. Javier, muntikan ka nang ma-late a, mukhang napapadalas na ‘yan. Anyway, congratulations at naipasa mo ang bill. Nilagdaan na pala nang magaling nating pangulo ang ipinaglalaban mo. At maliban dun nagbigay na rin siya ng budget para sa projects natin na matagal na nating hinihiling,” bulalas ng kasama niyang senador na sabay na lumabas matapos ang meeting sa loob ng senado. “Maganda nga’ng balita iyan Sen. Cabrera..” Buti na lamang at may ganti ring magandang balita ang umagang iyon. Napatingin siya sa orasan. Tanghali na. Binuksan niya ang cellphone. Nakatatak na roon ang numero ni Francesca. Buti at nakahabol siya sa meeting. Napasinghap siya. Kahit na ganun ay nakakahiya pa rin. Nakasanayan na niyang mas maaga siyang dumarating roon pero kanina. Napabuntong-hininga na lamang siya. Kung hindi dahil kay Francesca, hindi siya magmamadali. Estimated na niya ang oras ng byahe niya at pag-alis mula sa bahay. Siyempre, ang nakikita niyang dahilan ay ang inaanak niya. Sana wala nang sumunod pa na ganitong pagkakataon dahil kung hindi baka sa susunod–. “Uy, senator. Magaling at may good news na dumating sa ‘yo. Naging bida kang bigla kaninang umaga a. Nakausap ko nga pala si Senate President mukhang..” may ibinulong pa ito sa kaniya na ikinangiti niya. Tinapik siya nito sa braso saka nagpaalam na mauna nang lumabas. Magaan ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Sa wakas ay naaprubahan na rin ang ipinaglalaban niyang batas. Iyon ang pinakahihintay niya. Pumasok na siyang muli sa office niya. Kailangan niyang pag-aralan pa ang ilang mga batas na ipapasa niya para sa susunod. Pati ang mga listahan ng itinataguyod niyang libreng scholarship para sa mahihirap na mag-aaral na hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral. Huminga siya nang malalim. Laman pa rin ng isipan niya si Francesca. Sana matapos na ang dalawang taon para sa annulment. Hindi maaaring magtagal sila sa ganoong sitwasyon. Mas magiging kumplikado ang lahat kapag nagkataon. Makalipas ang ilang oras.. “Senator, nagpasabi nga po pala si Miss Francesca na hindi na muna siya uuwi nang isang linggo rito sa mansion.” “Ano? Sige, pakidala ng gamit ko sa taas.” Nasapo na lamang niya ang kaniyang noo. ‘Ano na naman ang nakain ng babaeng ito at ha-high blood-rin na naman ako..’ Nakailang missed calls na siya ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag. Tumingin siya sa suot na relo. May oras pa para puntahan ito. ***** “Hay naku, Francesca. Talaga bang wala kayong ugnayan ni Sen. Javier? E, bakit kung makaasta siya kagabi sa bar parang ang lalim ng ugnayan ninyo? Talagang may itinatago ka sa ‘kin ano. Sabihin mo na kasi..” pamimilit sa kaniya ni Danica. Bumisita ito sa mansion nila para dalawin siya at linawin kung bakit biglaan na lamang niya itong iniwan sa bar. Huminga siya nang malalim bago muling humarap kay Danica. Paano pa nga ba niya itatanggi ang bagay na iyon? Paano niya sasabihin rito ang katotohanan sa pagitan nila ng senator na matagal na nitong gusto. Napabuntong hininga na lamang siya. “Sige ka, kapag hindi mo inamin sa ‘kin magtatampo ako sa ‘yo nang ilang araw..” nakasimangot nitong saad. “Ano kasi–” “Francesca..” Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Oh my gosh, Senator Javier.. A-Anong ginagawa mo rito?” Nagniningning na naman ang mga mata ng kaibigan habang nakatingin sa senator. Namumula na naman ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. “Bakit ka naririto?” Mas lalo lamang nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi niyang iyon. “Uy, Francesca, ayaw mo nun. Binibisita tayo ng gwapo kong crush.. Ah, hi Senator Javier..” Umandar na naman ang kalandian nitong kaibigan niya. Napapailing na lamang siya. Kaagad niyang nilapitan ang senator at hinila palayo. “Bakit ka ba naririto? ‘Di ba ipinaalam ko na kay Manang na hindi muna ako uuwi sa inyo?” pabulong niyang saad. “At bakit naman?” kunut-noo nitong tanong while crossing his arms. Napalunok siya. “Ah basta, may importante lang akong gagawin..” “At ano naman iyon?” Napabuntong hininga siya saka muling sumagot. “Hindi ko pwedeng sabihin sa ‘yo.” “Bakit hindi? Asawa mo ako..” Natigilan siya sa sinabi nito. Sunud-sunod ang t***k ng puso niya kasabay ng ginawa niyang paglunok. Pakiramdam niya ay may kung anong bumabara sa lalamunan niya na hindi maalis-alis. Lihim siyang napangiti. ‘Asawa..’ “Ahm, siyempre, may limitations pa rin ang ugnayan nating dalawa. I mean, a, basta uuwi ako sa susunod na linggo,” Pinilit niyang maging matapang sa harap nito. “Paano kapag hindi ako pumayag,” seryoso ngunit mapanlarong saad nito. “E, ‘di bahala ka.. I have my own rights.” Tatalikod na siya nang hapitin siya nitong bigla sa bewang. “T-teka..” Napapitlag siya. “Sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ka kasama ako. Kung ano man ang plano mong gawin, gawin mo sa mansion.” Iyon lang at binitiwan na siya nito saka tumalikod. “Ayoko nang pinaghihintay ako.” Napataas ang kilay niya habang sinusundan ito ng tingin habang palabas. Napakuyom na lamang siya ng kamao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD