Chapter 8

1735 Words
“Good morning, senator,” nakangiting bungad sa kaniya ni Francesca nang magkasalubong sila sa baba ng hagdanan. Napatingin na lamang siya sa kabuuan ng mukha nito. Napaka-blooming, mukhang maganda ang gising. Habang siya naman ay hindi na nakatulog pa matapos magising ng isang kakaibang panaginip. Napahugot na lamang siya nang malalim na hininga. “Morning, have you eaten already?” pagkuwa'y lumakad na siya. “Hmm, hindi pa..” Umiling ito sabay nang pagsunod sa kaniya. Tumingin siya sa suot na relo. ‘6 am, anong araw ba ngayon?’ napaisip siya. “Maaga kang nagising,” saad nito. “May lakad ka ba ngayong umaga? Sunday ngayon ah..” Naupo sila sa dining. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. “Maggo-golf ako this morning kasama sina Benny at Michael. Gusto mong sumama? You can have a try.” “Nope, baka magkita kami ni Danica mamaya,” tanggi nito habang sumasandok ng pagkain. Tumango na lamang siya. Hindi pa rin maalis ang tingin sa inaanak. “Senator, bakit?” Napansin niya na nakatingin na pala ito sa kaniya. “Ah, ha? Ahm, wala. Sige kumain ka na.” He cleared his throat. Masyado yata siyang nadadala ng illusion niya. Gumalaw ang kaniyang mga kilay pagkatapos ay itinuon na lamang ang pansin sa pagkain. “Baka ma-late ako ng uwi mamayang gabi. Huwag mo na akong hintayin,” seryoso niyang saad matapos magpunas sa bibig. “Magpa-drive ka na lang ulit kay Manong Tommy kapag aalis ka. I have to go, excuse me.” Tumayo na siya. Kailangan na niyang bumalik sa kwarto para mag-ayos ng sarili. Habang naglalagaslas ang tubig mula sa shower at tinatamaan ang hubad niyang katawan ng mga butil nito. Laman pa rin ng kaniyang isipan ang kaninang panaginip. Hindi siya makapaniwala. Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nagkaroon ng ganoong kakaibang panaginip. Nakatatawang isipin. Sa edad niyang iyon ay malikot pa rin pala ang utak niya. Napailing na lamang siya. “Good morning, guys..” “Hey,” wika ni Michael sabay fist bump sa kanya. “Morning bro, how's married life?” tanong naman ni Benny. He smirked. “Sorry, nawala ako sa party nung isang gabi. May nagyayang lumabas, e.” Alam na niya ang ipinahihiwatig ni Michael. Napangiti na lamang siya sa playboy niyang kaibigan. “Sa dinami-rami ng pwede mong hugutin sa party.. Apo pa talaga ni ex-president Barcelona,” pigil ang ngising dagdag pa nito. Napangiti siya ng sarkastiko. “Wala e, nag-eskandalo.. Napansin tuloy siya ng kaibigan nating butihing senator,” panunudyo naman ni Benny. “So, ano na, may binyagan bang magaganap after months?” Sabay siko sa kaniya ni Michael. “Tumigil nga kayo. Wala akong balak na buntisin siya. May ginawa kaming kasunduan na no feelings or any emotions involved. At mas lalong no touches involved. Isa pa, ang totoo niyan hindi naman kami magkatabing natutulog sa iisang kama. I don't want to take advantage. It's just a contract anyway. Sooner or later maghihiwalay rin kami. Lalo kapag natapos na ang election sa susunod na taon,” mahaba niyang litanya habang isinusuot ang gloves. “Well, that's so boring,” komento naman ni Michael. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kapag natapos na ang pakay niya. Hanggang doon lamang iyon at wala nang iba pang susunod na mangyayari. “Are you really that sure na hindi ka matutukso after living in the same roof with that woman?” tanong sa kaniya ni Michael habang palitan sila ni Benny na tinitingnan nito. Hindi siya umimik. “Or wait, narinig mo ba ang salitang wet dreams?” Tumawa pa ito. “Let's have another dare.” “Nope, no more dares,” mabilis niyang tanggi. Natahimik ito at nagkatinginan na lamang ang dalawa. Tama na ang kalokohang iyon. Hindi na sila bata para sa mga ganoong laro. “Alright, after this let's drink at the bar. Don't try to refuse again Javier, minsan lang kaming magyaya, ” saad ni Michael. Hindi na siya umimik pa. Pumwesto na siya para tumira ng bola. Maingay sa loob ng bar. Maraming mga tao na nagsasayawan sa gitna ng bulwagan. Iba't ibang mga kulay ng ilaw ang makikita na sumasabay sa bawat tunog ng musika. Minsan lamang si Javier mapapayag ng dalawa niyang kaibigan kapag bar na ang pag-uusapan. Siyempre, ayaw naman niyang maging issue ang paglabas niya sa mga ganoong lugar. Kailangan niyang panatilihin ang malinis na pangalan sa industriya. Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga kaibigan paminsan-minsan dahil ayon nga sa mga ito ay dapat silang mag-celebrate dahil buhay may asawa na siya. Kahit hindi naman ganoon kaseryoso ang bagay na iyon para sa kaniya. Uminom siya ng isang shot ng alcoholic drinks. Hindi naman siya magtatagal at uuwi rin kaagad ng bahay. Napatingin siya sa gawi ng isang pamilyar na babae. Sumasayaw habang nakataas ang isang kamay na may hawak na inumin. Nilinaw niya ito. ‘Francesca?’ Lumingon siya sa mga kaibigan. Aliw na aliw naman ang mga ito habang nilalagok ang mga inumin. Sumasabay ng sayaw sa tugtog ng musika. Sumenyas siya sa mga ito na tatayo muna. ***** “Anong ginagawa mo rito?” Napasulyap siya sa lalaking pamilyar ang boses. Magkasalubong ang kilay nito habang tinititigan siya. Lumingon siya sa likuran at sa paligid niya upang manigurado kung siya nga ba talaga ang kausap ng senador o hindi. “Sen. Javier, good evening.. Let's have a drink,” ani Danica habang itinataas pa ang baso ng alak. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan habang nakatingin kay Sen. Javier. Medyo may tama na rin si Danica. “Oh, a-ano ba ang ginagawa ng nasa bar. ‘D-Di ba umiinom at nag-eenjoy,” mahina at nauutal niya pang sagot. Napatingin si Danica sa kaniya na tila nagtataka. Nanlaking bigla ang kaniyang mga mata nang hawakan siya nito at hilahin. “T-Teka,” protesta niya rito habang napatingin sa kaibigan niya na walang imik habang naguguluhan sa mga nangyayari. Napasunod na lamang ng tingin ang kaibigan niya habang palabas siya ng bar. Nang nasa labas na sila ay saka lamang siya binitiwan ni Sen. Javier. Napahawak na lamang siya sa wrist. Humarap ito at seryosong tumitig sa kaniya. Tila ba gustong manlapa ng tao. Nakakunot ang noo habang magkasalubong ang mga kilay. “Ano ba ang naisip mo at pumunta ka sa ganitong lugar?” baritono ang boses na tanong nito. Huminahon siya at seryosong sumagot. “Ito lang ba ang ikinagagalit mo? Why don't you enjoy it by yourself? Isa pa, wala naman kaming ginagawang masama ng kaibigan ko. At saka ‘di ba pareho lang naman tayo ng rason sa pagpunta rito?” Nakipagtitigan siya rito. Ang mga mata nitong kanina’y nagbabaga ngayon ay unti-unti nang napapalis. Nakita niya kung paano itong huminga nang malalim. Pilit nitong kinalma ang sarili maging ang boses. “Alright, umuwi na tayo at sa bahay na tayo mag-usap.” Tumalikod na ito para magpunta sa nakaparadang sasakyan. “P-paano si Danica?” Nag-aalala siya sa kaibigan kung iiwanan niya itong mag-isa sa loob. Muli itong lumingon sa kaniya at tiim-bagang na sumagot. “Text or call her, hindi na siya bata..” Pumasok na ito sa loob ng kotse at pinaandar iyon. Habang siya ay walang imik pa rin na nakatayo sa harap ng sasakyan. Lumabas ito ng bahagya. “Ano, magpapabuhat ka pa ba?” tila nagising siyang bigla sa maawtoridad nitong boses. Napasunod siya sa senyas nito. Nakarating sila ng mansion na walang imikan. Nang makapasok sa loob ay napalunok siya nang saluhin niya ang inihagis nitong suit. “Aanhin ko ‘to?” maang niyang tanong habang tinitingnan ang damit. “Bring that to my room,” naglakad na ito patungong hagdan. “H-ha? Ba-bakit?” Huminto ito at seryosong tumitig sa kaniya. ‘Ano bang nasa isip ng lalaking ito?’ kunut-noo niyang tanong sa isipan. She smirked. ‘Anong akala mo sa ‘kin, utusan!’ Taas kilay niya itong inihagis pabalik sa senator. Nagulat ito sa kaniyang ginawa. She rubbed her palms saka agad na tumalikod at nagmamadaling pumunta sa sariling kwarto. Naiwan itong nakasunod na lamang nang tingin sa kaniya. Mabilis niyang isinara ang pinto. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay pabuntong hiningang inilapag ang pouch sa mesa. Kumunot muli ang noo niya sa isipin kung bakit nagkakaganoon ang senator. Pero deep inside ay may kung anong pakiramdam ang hindi niya maipaliwanag. Mabilis siyang sumampa sa kama at gigil na niyakap ang unan. ‘Pero si Danica, sigurado akong magagalit ‘yun kapag nagkita kami bukas.. Hmp, si Sen. Javier kasi. Ba’t kasi siya naroon? Anong ginagawa niya dun?’ Napaisip siya. Napapikit na lamang siya nang maisip na posibleng nasa bar ang senator kasama ng mga kaibigan nito upang makipag-jamming at makipag– Posible dahil maraming magagandang babae roon at mas hamak na mas sexy sa kaniya. May kung anong kumudlit sa puso niya. ‘Erase, erase, hindi dapat ako nag-iisip ng masama sa– asawa ko..’ Tumayo siya at kaagad na humarap sa salamin. Pinasadahan niya ng tingin ang kaniyang reflection. Hindi niya napigilan ang ma-disappoint ng kaunti. Kung hindi lamang siya ganoon kataba. Siguro hindi siya ipagpapalit ni Lucas sa ibang babae. Maaari ring maging hindi lamang sa kasunduan ang dahilan ng kasal nila ni Sen. Javier. Kung nagkakilala lamang sila in advance ni Senator Javier at hindi sa ganoong sitwasyon Mmay posibilidad na magustuhan siya nito bago pa man sila ikasal at hindi dahil lamang sa kontrata. Dapat talaga hindi siya nagpabaya sa kaniyang sarili. ‘Ganoon naman ang gusto ng mga kalalakihan, ‘di ba? Ang mga sexy’ng babae.’ Napabuntong hininga na lamang siya.. ‘Okay lang ‘yan Francesca, kung hindi naman nangyari sa iyo ang bagay na iyon. Hindi mo malalaman ang ugali ng Lucas na iyon at mas lalong hindi kayo magkakakilala ni Sen. Javier na mas hamak na mas gwapo kesa sa taksil na Lucas mong ex-fiancé.’ Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay nalulungkot pa rin. Muli siyang tumingin sa kaniyang sarili sa salamin. Naramdaman niyang may kung anong espiritong sumanib sa kaniya para mabighani at masabik sa isiping magpapayat. ‘You have to be a better one, Francesca.. Maganda ka naman, aalisin lang natin ang katabaan mo at mabubuhay kang bagong nilalang sa mundo na pagkakaguluhan ng mga kalalakihan lalo na nang ex-fiancé mong si Lucas. Tingnan natin kung hindi siya maghabol sayo.’ She smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD