“As in? Talagang napakawalang kwentang fiancé ni Lucas. Ngayon naniniwala ka na? Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo ang ginagawang panloloko sa ‘yo ng Lucas na ‘yan,” matinis na saad ni Danica.
Tama ang hinala nito. Noong una ay nagdududa rin naman siya ngunit tinatalo siya ng salitang tiwala. Ayaw naman kasi niyang pag-isipan si Lucas nang masama lalo pa't wala pa naman siyang napapatunayan. Sabi-sabi lamang kasi ang kanyang mga naririnig. Ayaw niya kaagad maniwala dahil wala naman maipakitang ebidensya ang mga taong naninira rito.
Kagabi lamang niya harap-harapang nakita ang panloloko nito. Akala siguro ni Lucas ay hindi siya makakapunta sa mga party na kagaya niyon. Kung hindi lamang nagkasakit ang lolo niya at pumunta ng States ang papa niya ay hindi naman makikita ang presensya niya roon. Talagang sinadya iyon ng tadhana. Wala naman kasing lihim ang hindi nabubunyag, ika nga ng karamihan.
Kahit pa sabihin niyang walang kwenta si Lucas o hindi niya dapat iyakan ang traydor. Hindi niya maiwasang masaktan lalo pa't hindi siya ganoon katapang pagdating sa usapang pag-ibig. Labis na kahihiyan at kalungkutan ang natanggap niya mula sa lalaking akala niyang magmamahal sa kanya ng tunay at totoo. Na kataksilan lamang ang kayang isukli sa ibinay niyang tunay na pag-ibig.
Buti na nga lang at hindi pa man sila naikakasal ni Lucas ay nakita na niya ang tunay nitong pagkatao. Talagang may dahilan ang lahat ng mga nangyayari.
“Yes Danica, tama ka. At least nalaman ko nang mas maaga,” usal niya kasabay nang pagpunas ng kanyang sariling luha.
“So what's you plan?”
Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.
“Actually may hindi pa ako sinasabi sa ‘yo. I'm not sure kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo ‘to. But–” naputol ang sasabihin niya matapos marinig at mapanood ang balitang celebrity sa tv.
Napatakip siya nang bibig nang lumabas ang rumored about sa ginawang pagpapakasal nito sa isang hindi kagandahang babae.
‘I’m not an artist or whatever. I have my own private life. But yes, inaamin kong nagpakasal na ako sa babaeng itinakda sa akin ng kapalaran,’ Halos mapalunok pa siya sa narinig na sagot mula kay Sen. Javier sa katanungan ng host sa television. Sagot na nagpalakas ng kabog sa dibdib niya.
Halos mapalunok siya sa sagot ng senador nang interview-hin ito ng media.
“Sino kaya ‘yung maswerteng babae at nagawa niyang mapikot si Sen. Javier? Isipin mo ang sabi sa balita Francesca, ni hindi kagandahan? Ano naman kaya ang hitsura niya? Sigurado akong mas kagandahan naman ako, ano?” napapailing na lamang na saad ng kaibigang si Danica.
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na siya ang tinutukoy sa balita? Ano na lamang kaya ang sasabihin ng kaibigan? May guts pa kaya itong sabihin nito ang ganoong mga bagay sa harapan niya?
Totoo naman ang sinasabi ng lahat. Oo hindi siya kagandahan. Isa pa, mataba siyang babae na nakaka-turned off sa mga kalalakihan pero so what? Natawa na lamang siya.
‘I don't care what people thought about me. Anyway, that's not important though, wala na nga silang ambag nakikialam pa sa problema ng tao ’ bulong na lamang niya sa sarili.
Saka na lamang niya siguro sasabihin kay Danica ang tungkol sa bagay na itinatago niya. Kapag handa na siya saka lamang niya aaminin rito ang lahat. Sa ngayon, kailangan na muna niyang i-zip ang bibig niya.
‘Bahala na muna silang manghula tungkol sa ‘kin,’ napapangiti niyang saad sa isipan. ‘This will be interesting,’ dagdag niya pa.
May kung anong kapilyuhan ang namuo sa kaniyang isipan nang mga oras na iyon. Lihim siyang napangiti habang pasimpleng sinulyapan si Danica na tahimik lamang na nakatingin sa pinalilinis na paa.
Takip-silim na nang makabalik si Francesca sa mansion. Dumaan muna siya sa kanila upang kunin ang ilang mga kagamitan. Ayon sa mga katulong ay hindi pa naman nakakauwi ang senador kaya't nakahinga siya nang maluwag.
‘Ano ba dapat ang ginagawa ng mga asawa?’ napaisip siya.
Naalala niyang hindi nga pala sila magsasama ni Sen. Javier sa iisang kwarto. Napatikhim siya. Pumasok na siya sa guest room.
‘I’m not a real wife. Ang totoo I'm just a guest here.’ Napabuntong-hininga siya.
Hindi namalayan ni Francesca na nakaidlip na siya kung hindi lamang siya nagising mula sa mga katok sa pintuan. Nagmamadali siyang tumayo at nagbukas ng pinto. Bumungad sa kaniya ang tila nakainom na si Sen. Javier. Seryoso ang mukha nito na nakatitig lamang sa kaniya.
Tinanggal niya ang tila bumara sa kaniyang lalamunan. Saka muling inangat ang tingin rito.
“G-Good evening, S-senator..”
Pumasok ito sa loob.
“Do you like it here?”
Hindi niya mawari kung ano ang ipinahihiwatig nito. Tila siya’y masunuring bata na tumango na lamang. Hindi niya sinabi rito na nanggaling rin siya sa kanilang mansion kanina.
“Okay ka lang ba rito?” may bahid ng kalungkutan ang boses nito.
Gusto man niyang sa kanilang mansion matulog sa gabing iyon ay hindi na niya ginawa.
“Anytime ka namang makakauwi sa inyo hangga't gusto mo. If you want to sleep there in your house you're free to do it. Anytime you want, it doesn't matter anyway. Ang akin lang kaya't pinatira kita rito para hindi sila mag-isip ng masama laban sa akin,” malumanay na paliwanag ni Sen. Javier.
Huminga siya nang malalim. Hindi siya umimik. Gusto man niyang umuwi sa kanila ay ganun rin naman. Wala ang lolo niya roon, pati ang daddy niya. Mabo-bored lang din siya. Pakiramdam niya ay biglang lumungkot ang puso niya nang maalala ang kaniyang lolo. Naging close pa naman siya rito dahil mahal na mahal siya nito mula pagkabata niya.
Inaamin niyang mas malapit siya sa lolo niya kaysa sa kaniyang ama. Malayung-malayo ito sa kaniyang ama. Mas strict kasi ang ama niya at matapang hindi kagaya ng lolo niyang maunawain at mabait. Huminga siya nang malalim.
‘Sabagay, iyon lang naman ang mahalaga sa ‘yo senator. Wala na akong aasahan. Kapag natapos na ang kasunduan sa kontrata ay mamumuhay na muli ako ng normal gaya ng dati. Pero paano na ito? Kailangan ko munang magtiis ng isang taon bago ako makipaghiwalay sa ‘yo. Masyadong matagal iyon para sa ‘kin.’
Muli siyang nalungkot. Ano nga ba ang pinasok niya?
“Kumain ka na?”
Tila nagbalik siya sa realidad nang muling maulanigan ang boses nito. Umiling siya bilang sagot. Nanlaki ang mata niya nang kay bilis siya nitong hilahin palabas ng pintuan. Napasunod na lamang siya.
“Maupo ka, nagpaluto ako ng palabok.”
Sumunod naman siya sa ipinag-uutos nito.
“I will not call you anything, just only your name. Mas maganda sa pandinig ang pangalan mo kesa sa anumang callsign ng mga couples.”
Talaga bang nakakabasa ito ng isipan?
“You are free, anuman ang gawin mo sa buhay mo. Gayon rin ako. Wala tayong pakialamanan. Understood?”
Tumango lamang siya. Ni hindi nga siya nag-angat ng tingin. Tanging sa pagkain lang nakatuon ang pansin niya.
“Are you okay? Kanina pa kitang napapansing–”
“I am okay,” putol niya kaagad rito.
Nagkatitigan sila nang ilang segundo bago muling umiwas ng tingin rito. Narinig niya ang pagtikhim nito. Binalewala na lamang niya ito. Natapos sila sa pagkain na walang imikan.
Nahiga siya sa kama. Pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang energy niya. Napapikit na lamang siya. Naalala niya ang huling usapan nila ng kaibigang si Danica. Ikinuwento nito ang naging talambuhay ng senator. Buti pa ang kaibigan mas marami pang alam tungkol sa buhay ng senador. Napapikit na lamang siya.
*****
Halos maubusan na ng hininga si Sen. Javier sa ginagawang paghalik sa kaniya ng babaeng kaniig nang gabing iyon. Napaka-wild nito. Maging siya ay nadadala na rin. Hanggang sa sunud-sunod ang ungol na kaniyang naririnig mula rito. Ginaganahan na rin siya dahilan para hindi niya ito tigilan. Patuloy ang ginawa niyang pagpapakasasa sa hiyas nito.
‘That’s it senator.. yeah.. more.’
Naalimpungatan siyang bigla nang magising. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon. Napatingin siya sa orasan na nakapatong sa side table.
Mabilis niyang nilagok ang tubig roon na katabi nito. Naubos ito at tila kulang pa dahil sa tindi nang panunuyo ng kaniyang lalamunan. Tumutulo ang pawis niya na animo'y totoong nakikipagbakbakan sa kama.
‘Ano bang kabaliwan ito?’
Muli siyang pumikit at pilit na inaalala ang mukha ng hot na babaeng lapastangang pumasok sa kaniyang isipan. Panaginip na animo'y tunay na nangyari.
Nasapo na lamang niya ang sariling noo nang mabigo siyang mamukhaan ito.