Chapter 6

1081 Words
Sa isang mahabang mesa ay pasimpleng sinusulyapan ni Francesca ang noo'y tahimik na kumakain na si Sen. Javier. Mabagal ang ginagawa nitong pagsubo. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang bawat paggalaw ng malaki at may katulisan nitong adam’s apple. Sabay siyang napapalunok sa tuwing lumulunok ito. Para siyang nananaginip lamang na kasalo na niya ngayon sa hapagkainan ang naririnig lamang niya noon na kahit suplado ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihang netizens. Ni hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla niyang naging asawa sa papel ang senador. Ano ba ang bagyong dumating at ngayo'y nasa harap na niya ito? Kasabay sa pagkain at kasama sa iisang bubong? Maliban roon ay nakatali pa siya sa isang kontrata na may kung anu-anong kasunduan. Maging iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang lolo at ama na nasa States sa ngayon. Noon, tahimik lamang siya sa kaniyang pribadong buhay. Ngayon kakaiba na at kailangan niyang mag-adjust. Inisip na lamang niya na isa iyung challenge sa buhay niya ngayon. Lalo pa't kailangan niya ang pagkakaroon ng maraming experiences na hinihiling ng kaniyang ama para maging karapat-dapat sa pamumuno ng isang sekretong organisasyon. ‘Tama, this may help..’ Bigla siyang nasamid nang mapatingin ito sa kaniya. Mabilis niyang nadampot ang isang basong tubig sa kaniyang harapan at kaagad na ininom. Agaran siyang ngumiti rito. Hanggang sa mapalis iyon sa kaniyang mga labi. Isang seryosong tingin ang ipinukol nito sa kaniya na animo'y para pa ring nanghuhubad ng babae. Iyon ang naging tugon nito sa kaniya. Napalunok siya. Minsan pa naman ay magaling itong mambasa at manghula ng isipan. Kaya't she quickly cleared her mind na kunwari ay hindi ito iniisip. Ganoon ba talaga ang mga lalaki kung makatitig? Para siyang naka-hot seat na hindi alam ang maisasagot sa isang malalim na katanungan. Hindi niya makita sa mga mata nito ang pagiging bakla maging sa mga kilos nito. Sabagay, chismis lang naman ang kaniyang mga naririnig. Wala siyang pakialam. “Nagbago na ang isip ko Francesca,” pagkuwa'y turan nito. ‘Wala ba talaga tayong kahit na callsign man lang?’ tanong niya na hindi na niya pinaalpas pa sa bibig. Sabagay, isang peke lang naman ang kasal-kasalan na iyon. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Tumikhim ito bago muling nagsalita. “We have two guest rooms here. Mamili ka nalang sa dalawa kung saan mo gusto. Sasamahan ka ni Manang Delia pagkatapos mo riyan. I have to go first, may aasikasuhin pa ako. Excuse me,” marahan itong tumayo pagkuwa'y tinalukaran siya at kaagad na umalis. Naiwan siyang tahimik. ‘Anong ibig niyang sabihin, hindi na tuloy ang pagsasama namin sa iisang silid?’ Napasunod na lamang siya ng tingin sa disenteng lalaking naglalakad palayo. Maya-maya’y napatingin siya sa gawi ng isang may edad na katulong. Ngumiti ito sa kaniya. Sinuklian na lamang niya ito ng isang mapait at tipid na ngiti. Iginala ni Francesca ang tingin sa isang malawak na kwarto. Kahit pa napakaganda ng interior designs nito ay hindi pa rin niya maitatangging mas hinahanap niya ang sariling kwarto. Kwarto na hindi nalalayo sa kalakihan niyon. “Miss, kung may kailangan pa ho kayo tumawag na lamang po kayo sa telepono sa kusina o ‘di kaya'y sa maid’s room. Maiwan ko na ho kayo,” wika ng katulong. “Sige Manang Delia, salamat.” Narinig niya ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga siya. Iyon na ba ang simula nang malungkot niyang buhay? Paano na lang kapag palaging wala sa mansyon ang asawa niya? Sino na lang ang kausap niya, mga katulong? Naupo siya sa malapad ngunit malambot na kama. Napatingin siya sa nagri-ring na cellphone. Nabuhay muli ang masigla niyang boses nang sagutin iyon. “Danica, what’s up?” Nakalimutan niyang bigla na may kaibigan pa nga pala siya. “Ikaw ha, hindi ka na nakipagkita sa ‘kin matapos mong pumunta kagabi sa party.” Naalala niyang may usapan nga pala sila ni Danica na magkikita sa bar. “Kamusta?” dagdag pa nito mula sa kabilang linya. She rolled her eyes. Umusbong ang naiinis niyang nararamdaman. Ayaw niya sanang pag-usapan ang cheater niyang kasintahan na ngayo'y ex-fiancé na niya. Wala siyang pagpipilian kundi ang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Ahm, Danica. M-May sasabihin sana ako sa ‘yo pero–” Naghintay itong saglit. “Sabihin mo na, ano huhulaan ko pa ba?” tila naiiritang tugon nito. Sasabihin nga ba niya ang tungkol sa biglaang nangyari kung bakit hindi siya sumipot sa usapan nila? Alam niyang magugulat ito. Isa pa, kilala niya si Danica. Hindi ito titigil sa pangungulit sa kaniya hangga't may isinisekreto siya. Lahat na lamang ng mga bagay tungkol sa kaniya ay alam nito. Maliban lamang roon sa nangyari kagabi sa eksklusibong party na pinuntahan niya. “Alright, magkita tayo sa parlor mamayang bandang 4 pm.” “S-Sige,” naging sagot na lamang ng kaniyang kaibigan bago ito mawala sa kabilang linya. Napahiga siya at napatitig na lamang sa puting kisame. Pati tuloy siya ay nae-excite na ipaalam rito ang mga kaganapan sa kaniyang lovelife patungkol sa senador. Sigurado siyang hindi makakapaniwala ang best friend niya kapag nalaman nito. Lalo pa't crush rin nito ang senador na kaniyang napangasawa. Kaya lang, biglang may kung anong lungkot ang kumudlit sa puso niya. Tama bang sabihin niya rito ang tungkol sa bagay na iyon? “Ikaw ha, buti hindi mo na ‘ko pinaghintay nang matagal. Kararating ko lang and yeah, balak kong magpalinis rin nitong mga nails ko,” bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Danica matapos niyang lumapit rito pagkapasok ng parlor. “Madame, ganun pa rin ba gaya nang dati?” tanong ng isang binabaeng lumapit. Biglang pumasok sa isip niya ang senador nang mapatingin sa kaharap na bakla. Napalunok siya. “Ah, y-yes.” Pumwesto na siya sa kung saan niya paboritong pwestuhan. Sa tuwing nagpapalinis siya ng mga kuko at nagpapaayos ng buhok. Kabado siyang napasandal sa upuan. “So, mag-explain ka na sa ‘kin kung bakit pinaghintay mo ako sa wala nung isang gabi.” Hindi niya alam kung saan magsisimula. Hanggang sa namalayan na lamang niyang tumulo ang luha niya. “T-Teka, m-masyado bang masakit akong magsalita?” concerned na tanong ni Danica matapos makita ang reaction niya. Naalala niyang bigla ang kataksilan na ginawa ni Lucas sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ipagpapalit siya nito sa abogadang humawak ng kaso ng kaniyang ina at kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD