Chapter 5

1101 Words
Tinitigan si Francesca ng uncle nitong mayor. Tila binabasa ang pagkatao niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sinimulan na nito ang seremonyas. Kinakabahan man ay pilit niyang pinapasok sa isipan na hindi iyon makatotohanan. ‘Ayon nga sa kasulatan, ‘di ba? Kontrata lang.’ She smirked again. Mababasa sa mukha ng mayor ang kaplastikan. Alam naman niyang hindi siya nito gusto para sa pamangkin. Kahit pa ganoon ang appearance niya ay matalino rin naman siya para makilatis ang taong totoo at hindi. ‘Huwag ako mayor, masyado kang mapanghusga.’ Mataray niya itong tinapunan ng tingin saka pangiting lumingon kay senator. “Francesca, ayos ka lang?” “H-Ha? O-Oo naman.” Mabilis lamang ang ginawang wedding ceremony. Ano naman ang inaasahan niya wala namang mangyayaring ‘You may kiss the bride’. ‘Duh?’ Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito. Isinama na siya ng senator sa mansion nito. “Feel at home,” saad nito. ‘Ang bilis naman..’ Nitong isang araw lang single pa siya ngayon kasal na. ‘Buhay nga naman, hindi mo inaasahan,’ nasabi na lamang niya sa sarili. “May tanong ako,” saad niya nang maglakad pasunod rito. “Ano ‘yon?” Naupo ito sa swivel chair. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng den nito. Saka muling tumingin kay Sen. Javier. “Kailangan pa rin ba nating magsama sa iisang kwarto?” curious niyang tanong. Gusto niyang makasiguro para naman alam niya kung ano ang dapat niyang gawin. “Good question, ayaw ko sana pero kailangan, e.” He closed his hands and leaned on the desk. Napalunok siya. Kung siya ang tatanungin ay mas prefer niyang huwag itong makasama sa iisang silid. Para hindi masira ang kanilang agreement. “Baka kasi biglang dumating ang parents ko. Sinabi kong kasal na ako. Baka magtaka sila kung bakit nasa kabilang silid ka.” Tumango siya. Sabagay may punto nga naman ang senador. Naalala niyang bigla ang kaniyang lolo. Hindi pa nga pala niya nasasabi ang tungkol dito. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng pouch. “How about you? Ayaw mo bang magsama tayo sa iisang silid?” “H-ha?” Bakit ba nito ibinabalik sa kaniya ang katanungan? Is Sen. Javier teasing her? Napalunok siya. Naalala niyang muli ang lolo niya. Kailangan niya nga pala itong tawagan. “Ahm, saglit lang. I have to call grandpa, excuse me.” Nagmamadali siyang nagtungo sa balkonahe. Mabilis niyang nai-dial ang numero nito. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magpaalam sa lolo niya? ‘Grandpa, please answer the phone.’ ‘The number you have dialled is– Pinatay niya ang tawag. Naisip niyang tumawag sa telepono nila sa bahay. “Naku hija, hindi ba nasabi ng lolo mo sa iyo kagabi na maaga ang flight niya? Bumyahe siya kanina nang 6 am.” Natigilan siya sa sinabi ni Manang Lena. Tulog pa pala siya kanina nang umalis ang lolo niya patungong airport. Ni hindi man lang siya nito ginising para naman makapagpaalam. Napabuntong-hininga na lamang siya. ***** Huminga si Javier nang malalim at ipinilig ang kaniyang ulo. ‘This would be a long day..’ Nagpadala siya sa galaw ng swivel chair. Hanggang sa naramdaman niya ang vibration ng kaniyang cellphone. Nag-popped up sa screen ang numero ng kaniyang ina. “Yes Mama, hello?” “Javier Ricardo, ano ba itong naririnig ko na pinakasalan mo raw ang iyong inaanak?!” galit ang boses na wika ng kaniyang ina. Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano? Sino ang may sabi sa ‘yo n’yan?” kunut-noo niyang tanong. “It doesn't matter Javier, paano mo naatim na gawin ang bagay na iyan? Ninong ka ni Francesca, isa pa senator ka. Gusto mo talagang sirain ang image mo bilang magaling na senator ng bansa?” Tila ba narindi siya sa mga sinabi ng ina. Napatitig siya sa wall at napaisip. Paano iyon nalaman ng kaniyang ina? Hindi naman niya sinabi rito kung sino ang pinakasalan niya. Muling pumasok sa isipan niya ang alaala dalawang dekada na ang nakararaan. ‘Naku, hindi ako makararating sa binyag Fatima. Pero ilista mo pa rin ang pangalan ko riyan. Magbibigay na lamang ako para sa inaanak ko. Ano nga uli ang pangalan niya?’ ‘Francesca Alexandra Barcelona..’ bulong niya sa sarili. Muli siyang nagbalik sa kasalukuyan. Paano niya pa magagawa ang kaniyang mga binabalak? Kung ngayon pa lang ay may nakakaalam na ng kaniyang inililihim. ‘Hindi dapat kumalat ang tungkol rito.’ Nasapo na lamang niya ang kaniyang noo. Tumayo siya at iniwan ang ginagawa. Kailangan niya ng sariwang hangin para makapag-isip nang maayos. Nadatnan niya sa balkonahe ang tahimik na si Francesca. Nakatingin ito sa malayo. Nakapamulsa siya habang pinagmamasdan ito. ‘Maganda ka, Francesca. May lahing espanyol at mestisa. Hindi lang nila makita lalo na ng ex-fiancé mo ang mala-anghel mong kagandahan. Mas napapansin nila ang masyado mong katabaan,’ litanya niya sa isipan. Nung makita niya kung paano napahiya si Francesca sa party ay parang dinurog ang puso niya. Hindi niya maatim na makita itong luhaan sa harap ng mga tao. Alam niyang awa ang bumugso sa damdamin niya nang mga panahong iyon. Kaya't tama lang ang ginawa niya sa dalawang traydor na bumastos sa inaanak niya. “Kanina ka pa r’yan?” Tila bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Francesca. “No, I just want to tell you that food is ready. K-Kung nagugutom ka pwede ka nang kumain.” Nakaramdam siya ng kaunting kaba. “Hindi mo ba ako sasabayan? Wala sa agreement na hindi tayo sabay kumain.” “Ah, yeah. Sure, mauna ka na. Susunod ako.” Pasimple siyang sumandal sa balusters. “Nope, sabay tayo.” Napatingin siya rito. “Maliban sa baka maligaw ako e baka maubos ko rin ‘yung pagkaing nakahain sa mesa.” Pinalobo pa nito ang pisngi. She smirked. Ang cute tuloy nitong tingnan sa ayos. “Katakawan mo,” nasabi na lamang niya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa loob. Wala siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang rin. “Huwag kang magpabigat. Ang laki mo kayang lalaki.” Lihim na lamang siyang napangiti. Hinila niya ito pabalik dahilan para mapasubsob ito sa dibdib niya. Tinitigan niya ang mukha nitong nanlalaki ang mata sa gulat. “H-Hindi ba s-sabi mo bawal ang y-yakap?” Narinig niyang nauutal na tanong nito. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. “Assuming, hindi naman ako nakahawak sa ‘yo.” Ipinakita niya pa na nakataas ang dalawa niyang kamay. Sumimangot ito. Humakbang siya paabante dahilan para maiwan at mapasunod na lamang sa kaniya si Francesca.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD