Chapter 4

1138 Words
“Si Manang talaga..” “Aba'y kasalanan ko ba kung agaran kang bumaba. Dapat kasi inayos mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa bisita. Nakalimutan mo na ba ang turo sa iyo ng iyong ina?” Napapikit siya. ‘Hays, nakakahiya naman..’ Nagdadalawang-isip tuloy siya kung haharap pa ba sa bisita o hindi na. Okay lang sana siguro kung babae, hindi e, lalaki na senator pa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo siya at humarap sa salamin. “Sino ba kasi ‘yung makisig at gwapong bisita mo?” Tiningnan niya ito sa reflection. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok. “Fiancé ko.” Napakagat-labi siya. May kung anong kiliting dumaloy sa katawan niya. “H-ha? Hindi naman siya si Lucas ah,” nalilitong saad ni Manang Lena. Tinakpan niya ng dalawang daliri ang bibig ng kaniyang yaya. Pagkatapos ay muling humarap sa salamin at naglagay ng manipis na cherry lipstick. “Huwag na huwag mong babanggitin uli ang pangalan ng cheater na iyon, Manang. He's a jerk. He doesn't deserve my love and my beauty.” “E, saan mo naman nakilala ang lalaking iyon? Mukhang mayaman rin, ha.” Humarap siya rito. “Siya si Sen. Carpio, hindi mo siya kilala? Anyway, Manang kailangan ko nang bumaba. Paki-serve na lang ng food sa salas.” Muli niyang inayos ang suot na floral dress bago humakbang pababa ng hagdan. Nakita niyang napatayo si Sen. Javier nang mapatingin sa kaniya. Nagtama ang kanilang paningin. Napako siya sa nakakaakit nitong mga mata. Naiilang man ng kaunti ay pinilit niya pa ring ngumiti sa harap ng senator. “Good morning, Mr. Sen. Carpio,” magalang niyang wika. Ngumiti ito nang tipid. “Good morning.” Sabay silang naupo. “Akala ko ba, driver mo ang pupunta rito?” “Nagbago na ang isip ko. Gusto kong makita ang tirahan mo at personal na ibigay ito,” saad nito habang iniaabot ang pen at ang kontrata sa kaniya. Binasa niya iyon. “You will be my contracted wife as long as I want. I will pay 10 million pesos in addition.” ‘Kahit pa hindi mo ako bayaran, papayag pa rin naman akong maging asawa mo,’ palihim siyang sumagot sa isipan. “Just like what I've said, no feelings and emotions involved.” ‘Anong akala mo sa ‘tin mga robot?’ dagdag niya pa. “Kisses, hugs and even s*x. I just make sure na makaka-benefit ka rin dito. But once na isa sa mga agreements ang masira, we’re automatically divorced. And another thing Ms. Barcelona, to be fair. Actually you can ask me kung kailan mo gustong mag-quit. I'm always open for that but make sure na hindi mas maaga sa isang taon.” Napalunok siya. Walang pagdadalawang-isip na inilagay niya roon ang signature niya. ‘I don't care kung walang feelings na involved. Mag-e-enjoy na lang ako bilang asawa mo.. Tingnan na lang natin kung sino ang unang su-surrender sa ating dalawa..’ panunubok niya sa kaniyang isipan. “Mabilis ka palang kausap. So, did you packed your things already?” “Hindi pa, siguro ipasundo mo na lang ako sa driver mo kapag okay na ang lahat,” malumanay niyang sagot. ‘Contract wife?’ She smirked. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Hopefully true love exists. Sa fairytale lang ba niya makikita ang lahat ng iyon? Well, sana pati sa love life niya. She inhaled deeply. “No, kailangan mong sumama sa akin ngayon. Ipakukuha ko na lang sa driver ko mamaya ang mga gamit mo.” “T-teka, hindi pa ako nakakapag-ayos. S-saan ba tayo pupunta?” “Not needed. You already look attractive.” He just smirked. ‘Attractive?’ Bumilis yatang lalo ang t***k ng puso niya. Kaagad siya nitong hinila palabas. Napasunod na lamang siya. “Get in,” utos nito nang tumambad sa kaniya ang animo'y mala-sports car. “Pasasakayin mo ‘ko diyan?” “Why not? Bilis na huwag ka nang maarte.” Wala siyang nakagawa kundi ang sumunod sa maawtoridad nitong boses. Kaagad nitong pinatakbo iyon ng matulin. Huminto sila sa isang white house na may malawak na landscape.. “We're here,” seryosong saad nito. Tiningnan niya ang buong lugar. “Are you okay? Kanina ka pang hindi nagsasalita riyan.” Huminga siya nang malalim. “Wala, may iniisip lang.” “Hindi ka na pwedeng mag-back out. You already signed the contract.” She rolled her eyes. ‘Yeah, I know..’ “Don't worry, hindi naman ako madamot kapag humiling ka ng divorce. Pero sundin mo lang ang sinabi ko. After this, you're all free whatever you wanna do. Besides, pati rin naman ikaw magagamit mo ito para sa cheater mong ex-fiancé.” Inirapan niya lamang ang senator. Iyon na lang parati ang nakikita nitong dahilan. Hindi ba nito alam kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang senator? Oras na para kalimutan ang walang kwentang Lucas na iyon. Iba na ang pinapangarap niya ngayon. Wala lang siyang magawa dahil iyon na ang nakasulat sa kontrata. Kung pwede nga lang mag-suggest ng dagdag e kanina niya pang ginawa. ‘Hays, my lovely self, don't expect too much if you don't want to get hurt.. Sabi nga sayo, ‘di ba, contract lang?’ nabulong na lamang niya sa sarili. “It's just a contract marriage but it's legal. Haharap tayo kay Uncle Mayor Calixto.” She cleared her throat. ‘Paano niya nabasa ang nasa isip ko? Whatever.’ She rolled her eyes. “Tara?” aya ni Sen. Javier sa kaniya. Hinawakan niya ito sa braso at pinigilan. “T-teka nga muna. Ihaharap mo ‘ko sa mayor na ganito ang ayos?” “Bakit?” kunut-noong tanong nito. “Wow, are you blind or sadyang–” “Sabihin mo na kasi, bakit ba?” tila naiiritang tanong nito. “Hindi mo ba ‘ko ipagsusuot ng wedding dress man lang?!” pabulyaw niya. Nakita niya ang pagkalma sa mukha ng kausap. “Iyan lang pala. Nasa loob na ang make-up artist mo pati na rin ang gown mo. Kanina pang naghihintay.” Hindi siya nakaimik. “Ano, let's go?” ‘Sarap mo talagang papakin Sen. Javier, e. Nanggigigil ako sa ‘yo..’ Napapikit na lamang siya sa inis. Humawak siya sa braso nito at binagtas na nila ang daang papasok. Again, muling sumagi sa ilong niya ang mabangong scent nito na nagpa-in love sa kaniyang lalo. Matapos ayusan ay hinatid na siya ng assistant kay senator. Napatingin siya sa paligid. May ilan rin palang bisita roon. Kaya lang ay mabibilang lamang sa daliri. Siguro for witnesses lang naman ang audience nila. “Uncle, here's Francesca. ‘Yung sinasabi ko sa ‘yong baby girl ko,” nakangiting saad ni Sen. Javier sa tito nitong mayor. Napalunok siya. ‘Ahem.. B-baby girl?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD