Chapter 3

1045 Words
“Ang lakas rin ng loob mong sirain ako ano. Talaga bang gusto mong ibaon kita sa hukay nang buhay?!” Kinabahan si Francesca sa maaaring mangyari sa pagitan nina Sen. Javier at Lucas. Uminit na ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Buti na lamang at walang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Dahil kung hindi baka malagot sa media ang senator na ito. Hindi na iyon simpleng away lang. Alam niyang nagagalit na ang senator sa kung paano ito tumitig sa ex-fiancé niya. Namumula na rin ang mukha nito nang mga sandaling iyon. “I warned you already, yet you didn't listen. This is what you deserved,” asik ni Sen. Javier. Lalapitan pa sana nito si Lucas pero pinigilan na niya ang senador. Tumingin ito sa kaniyang kamay na patuloy pa rin sa pagkakahawak sa braso nito. Kaagad naman niyang binawi ang kamay niya. Unti-unting huminahon ang senator. Pagkuwa'y pinapasok na siya sa loob ng kotse. Nilingon niya si Lucas na hawak pa rin ang pumutok na labi. Masama ang tingin nito sa kaniya lalung-lalo na kay Sen. Javier. “Drive safely, honey,” malambing na saad ni Sen. Javier. “Don’t worry I will fix this. I love you, good night.” “G-good night.” Muli siyang tumingin sa manibela at marahang pinaandar ang kotse. Tuluyan na niyang iniwan ang mga ito sa ganoong ayos. Habang nagmamaneho ay nag-aalala siya. Sana ay may isa itong salita. Pagkarating ng mansion ay kaagad siyang sinalubong ng kaniyang lolo’ng naka-wheelchair. She kissed on his cheek, gaya ng nakasanayan. “How’s the party hija?” “Well, not so good. I mean, it's fun,” pagod niyang sagot. Naupo siya sa couch at inilapag sa mesa ang dalang pouch. “Kailangan kong sumunod sa daddy mo sa States para sa pagpapagaling ko,” malungkot na saad ng kaniyang lolo. Napabuntong-hininga siya at niyakap ito. “Grandpa, alam kong nalulungkot ka na iwan akong mag-isa rito. But it's okay, I can handle. Matapang kaya ang apo mo. Malakas pa. Tingnan mo itong katawan ko na puno ng mga muscles, ‘di ba?” Ipinakita niya pa ang nanabang braso niya dahilan para mapangiti ito. Ang totoo nalulungkot din naman siya na aalis ang sweet grandpa niya. Lalo pa’t nasanay na rin siyang palagi itong kasama sa bahay. Pero naiintindihan naman niya ito. Kailangan nilang pareho na magpakatatag. Umaasa siya na gagaling ang lolo niya sa iniinda nitong karamdaman. Matanda na ang kaniyang lolo may sakit pa. Kailangan nitong mapagamot kaagad sa ibang bansa. Hindi niya rin dapat binibigyan ito ng sakit ng ulo. Ayaw niyang mag-isip ng masama sa lolo niya. Hindi niya lang maiwasang isipin na baka matulad ito sa mommy at sa kapatid niya na maagang nawalay sa kanila. Muli siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang mga ito pero itinago niya iyon sa kaniyang lolo. Ayaw niyang makita nito na nalulungkot siya. Kailangan ay nakangiti siyang parati sa harap nito. Alam niyang sensitive itong tao. Sana nga’y dinggin ang hiling niya na mas tumagal pa rito sa mundo ang lolo niya. Upang mas tumagal pa ang kanilang pagsasama. “Bakit ba kasi hindi ka na agad magpakasal sa fiancé mo at nang mapalagay naman ako?” mahinahon ngunit maawtoridad nitong tanong. Natahimik siya. Aaminin niya ba sa lolo niya ang mga nangyari kanina? “Ayoko, hindi ko deserved ang isang kagaya niya.” Napasimangot siya. “Aba, bakit mo naman nasabi iyan hija?” “Well, grandpa, isa lang naman siyang cheater. Ayoko sa mga katulad niya. Isa pa, there's someone who deserves my love..” Lihim siyang napangiti. “Sige na grandpa, maiwan na muna kita. I have to go upstairs, I have to change,” nagmamadali niyang saad. “Sabihin mo lang sa ‘kin kung kailan ang alis mo,” pahabol niyang dagdag. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito. Nagmamadali siyang pumasok ng kwarto. ‘Grrr…’ Napapapikit siya at nanggigigil habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Napasandal siya roon. Muling pumasok sa alaala niya ang mga pangyayari kanina sa hotel. Patakbo siyang sumampa sa kama at mahigpit na niyakap ang unan. Kanina pang hindi maalis-alis sa mga labi niya ang ngiti. ‘Grabe naman si senator.. Totoo kaya ang offer niya? Ibig sabihin, may asawa na ako bukas?’ Kulang na lamang ay magtatalon siya kung hindi lang masisira ang ring ng kama niya. ‘Hays.. I like him, but, totoo kaya ang rumours tungkol sa kaniya? Sa tingin ko kasi hindi naman. What if i-seduce ko siya? Hindi naman siguro siya mandidiri..’ Napahagikgik siya. May kung anong kapilyuhan ang namuo sa isipan niya. Hindi siya mapakali. Oo nga pala't kailangan niya munang mag-wash-up. Naaamoy na niya ang tapang ng alak na dumikit sa dress niya. Napasimangot siya nang maalala ang babaeng may kagagawan niyon. ‘May araw ka rin sa ‘kin..’ Kuyom ang kamaong nagtungo siya sa shower room. Matapos maglinis ng katawan ay kaagad siyang nagbihis ng night gown. Pagkahiga pa lang niya ay kaagad na siyang tinukso ng inaantok niyang mga mata. Napabalikwas si Francesca ng bangon nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Napapikit siya. Magulo ang buhok niyang tinungo ang pinto at binuksan. “Ano ba ‘yon?” kunut-noong tanong niya. Kaagad pumasok si Manang Lena. Ang may edad na yaya niyang isang dekada nang naninilbihan sa kanila. “Hija, sino ba iyong lalaking naghahanap sa iyo sa baba?” “Bakit, ano daw’ng sabi Manang?” “Basta’t hinahanap ka. May usapan raw kayo ngayon. Ikaw ha, baka kung ano na namang gulo ang pinasok mo?” “Hay naku, Manang,” nagmamaktol na lumabas siya ng kwarto. “T-teka hija.. Y-yung…” Tinatamad siyang humakbang pababa ng hagdan. Inaantok pa siya. Gusto niya pang matulog kaya lang may kung sinong mapanggulong–. ‘Senator?!’ Hindi pa man tuluyang nakakababa ng hagdan nang manlaki ang mata niya. Napatitig siya sa panauhin. Wala sa isip na napasunod rin siya ng tingin sa kung saan ito nakatanaw. ‘Oh my gosh.. ‘Yung breasts ko..’ Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang dibdib at nagtatakbong bumalik sa kwarto. Nakalimutan niyang lalaki nga pala ang bisitang nasa baba na sinabi ni Manang Lena kanina. Bakit hindi niya naisip ‘yon? ‘Talaga nga namang–’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD