Chapter 13

1543 Words

Mahina niyang tinapik sa braso si Francesca upang ipaalam na nakarating na sila ng mansion ngunit hindi ito agad nagising. Nahikayat siyang lapitan at titigan ito sa mukha. Marahan niyang tinanggal ang mahabang hibla ng buhok na nagtatakip sa pisngi nito. Napangiti siya. ‘Pumayat ka nga ng kaunti dahil hindi na ganoon kabilog ang iyong pisngi..’ bulong niya rito. ‘Nagpapapayat ka ba?’ dagdag niyang tanong. Sinigurado niyang tama nga ang kaniyang iniisip. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ni Francesca upang malaman kung gaano kalaki ang ibinawas ng taba nito. Ramdam niya sa kaniyang daliri ang lambot ng makinis nitong balat. Ang mala-porselana nitong kutis na siyang nakakadagdag bighani sa tuwing tinititigan ito. Natatangi talaga ang ganda ni Francesca na hindi mapantayan ng karamihan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD