"Saan ka ka ba nag punta hinahanap ka ni Hinlog at gusto pumunta ng banyo hindi ko naman masamahan sa kubeta." wika ng ama ng maka-uwi s'ya sa bahay nila after ihatid ang kanyang lola sa ibaba. Medyo natagalan lang s'yang bumalik dahil sa batang kaluluwa na sumama sa kanya dahil sa pangakong tutulungan n'ya ito pero heto at kasama pa rin n'ya pauwi dahil may itinuturo ito na hindi n'ya maintindihan. Nakikita lang kasi n'ya ito pero hindi n'ya na ririnig ang boses sinamahan n'ya ito sa palengke kung saan n'ya ito nakita noon. Itinuturo nito ang isang matandang babae sa palengke na marahil ay lola nito, may paglapit pa s'ya kanina rito at tinanong kung may apo itong lalaking nawawala pero nagalit ito at namura pa s'ya nito at sinabi na wala itong apo nilayasan daw ito. Kaya naman nagtaka

