"Tama na Akira, nakakapagod na yung ganito. Hayaan mo na lang kami ng lola mo," galit na wika ng Lolo n'ya ng puntahan nila ito ni Dale sa kulungan. "Ilalabas ko kayo dito." giit ni Kate. "Tumigil ka!" malakas na sigaw ng Lolo n'ya ng tatalikod na sana s'ya. Nalilito naman si Dale na nagpalingon-lingon sa mga ito. "Isama mo na s'ya, kung isasama mo s'ya ibibigay ko sa'yo ang buong lupain ko." mariin na wika ni Federico na tumingin kay Dale. "Tama ang lolo mo, tama na ang pag tulong sa amin. Alam namin na may sarili kang problema na tinatakasan kaya ka nag titiis dito sa lugar na ito, matatanda na kami Akira wala na kaming silbi sa mundong ito. Nagiging pasanin mo pa kami kaya makinig ka sa lolo mo." huminga naman ng malalim si Akira. "Mayaman ka diba." baling ni Kate sa asawa na nagug

