"Akira! Akira!" malakas na sigaw ni Ruel na akala mo ay susugod sa gera kung maka sigaw nasa kamalig s'ya at nag-aayos ng mga sako ng palay na dadalhin sa tistisan para ipabayo at ibenta sa bayan. Mula naman sa kubo lumabas si Dale na kakauwi lang after nitong umalis kagabi at hindi na umuwi. Hindi n'ya ito pinansin dahil wala s'yang panahon dito, kailangan n'yang ma disposed ang lahat ng palay sa kamalig bago dalahin sa Maynila ang dalawang matanda dahil tiyak na mag-aalala ang mga ito sa mga palay na pinag hirapan ng mga ito. May kinausap na din s'yang mag-asawang pansamantalang titingin sa bukid at sa mga alagang hayop ng dalawang matanda. "Ikaw! Ikaw ang nag patanggal sa ama ko sa serbisyo. Masyado kang mayabang at mapapel, sino ka ba sa akala mo!" malakas pang sigaw ni Ruel na kahit

