Malamig ang simoy ng hangin sa umaga. Yuletide Season. Panahon ng kapaskuhan, at maririnig ang mga X-mas jingles sa mga malls at siyempre, sa radyo. Pagpasok pa nga lang ng "ber" months may mga atat nang nagpapatugtog ng mga awitin ni Jose Mari Chan, non-stop. Kaya't pagdating mismo ng December, tila napagsawaan na ang mga awitin na tulad ng "A Perfect Christmas" and "Christmas in Our Hearts."
"Father, please lang, pakilipat ng istasyon," sabi ni Jules habang nasa kanyang laptop at nakaupo sa maliit na dining table. Umaga sa apartment.
"Bakit, anong problema mo kay Jose Mari Chan?" ngiti ni Father Markus na nasa tapat lang na kusina at nagluluto ng almusal. Kapuwa sila nakapambahay lang—t-shirt at shorts.
Nagroll ng eyes si Jules.
"Fatherrrrr," angal ni Jules. "Sa Fm dos na lang, please. New wave."
Tumawa si Father Markus at binaligtad ang nilulutong Spam sa kawali bago nilipat ang istasyon ng maliit na radio na nasa taas ng ref at maririnig ang kantang "Dear God" ng XTC, written by Andy Partridge, circa 1986.
"'Yan! O 'di ba sakto!" masayang sabi ni Jules, at ginawa 'yung demonic laughter niya.
Pinakinggan ni Father Markus ang lyrics ng kanta habang nagluluto.
Did you make disease and the diamond blue?
Did you make mankind after we made you?
And the Devil too...
At pinakinggan pa nila ang lyrics habang nag-c***k ng dalawang itlog sa kawali si father.
I won't believe in heaven or hell
No saints, no sinners, no devil as well
No pearly gates, no thorny crown
You're always letting us humans down
The wars you bring, the babes you drown
Those lost at sea and never found
And it's the same the whole world 'round
The hurt I see helps to compound
The Father, Son and Holy Ghost
Is just somebody's unholy hoax
And if you're up there you'll perceive
That my heart's here upon my sleeve
If there's one thing I don't believe in
It's you, Dear God.
Nang matapos ang kanta:
"Say mo, father?" kutya ni Jules. "Agnostic lang, 'di ba?"
Tumango si Father Markus and in an agreeing manner sinabi, "May point siya..."
Ngumiti si Jules habang nilapag ni Father Markus ang nilutong Spam at fried eggs sa tabi ng fried rice na nakahain na sa mesa.
"Suffering, father," sabi ni Jules habang naglagay ng pagkain sa plato niya, "ang mahirap i-explain ng Catholic church."
"True," agree ni Father Markus at kumuha rin ng pagkain. "Ano nang nakita mo tungkol sa Satanic group?
Katabi ng laptop ni Jules, ay ilang mga libro at papel na may notes, kasama na ang mga litrato ng surveillance ni Andy. Kagabi ay inabot siya ng mga ala-una ng madaling araw sa pagre-research ukol sa Satanic group ni Miguel na nagtataglay ng simbolo ng inverted cross na may naka-wrap around na devil's tail.
"Guess what," umpisa ni Jules. "Itong Satanic symbol ay hindi lang para sa grupo nila kundi logo din ng isang banda."
"Banda?" pagtataka ng pari.
Hinarap ni Jules ang screen ng laptop niya para makita ni Father Markus—at sa Google search naroon ang simbolo pati na ang picture ng isang local underground rock band at ang pangalan na:
"Satan's Shadow," sabi ni Jules.
"Satan's Shadow?"
"Yes, father, pangalan ng banda nila. Isang death metal band," inform ni Jules at tinuro pa ang logolized band name. "At ang pangalan ng lead singer ay Juan Satan."
"Juan Satan..." ulit ni Father Markus at umiling. "Bakit hindi?"
Pinakita ni Jules ang picture ni Juan Satan na nasa isang live gig, wala itong pang-itaas at naka jeans lang. Marami siyang Satanic tattoos sa katawan at siya'y isang skinhead, at nang nilapag ni Jules ang picture mula sa mga kinunan ni Andy, ay siya'y walang iba kundi ang 30-something leader ng grupo na kinabibilangan ni Miguel.
"'Yun oh!" bulalas ni Jules.
"Tinalo mo pa 'yung detective," masayang sabi ni Father Markus.
"Luluwa mata non 'pag pinakita ko ang mga findings ko," pagmamalaki ni Jules. "Kala niya siya lang magaling sa paghahanap ng clues!"
Na-interrupt ang pagyayabang ni Jules nang mag-ring ang kanyang cellphone at nang kanyang tignan ang caller I.D. ay walang iba kundi si Don Carlos. Hininaan ni Father Markus ang radyo.
"Hello?"
Tense ang boses ng don sa kabilang linya.
"I need your team in my house right now!" sabi ni Don Carlos. "It's Miguel."
"O-okay, sir, pupunta na kami," ang nasabi lang ni Jules at nahawa sa tension.
Nang matapos ang usapan at ibalita ito kay Father Markus, ay agad na tinawagan ni Jules si Hannah at sinabi na daanan sila. Habang hinihintay ang pagdating ng psychic ay nagsipaghanda sina Jules at Father Markus ng kanilang mga kagamitan: exorcism epektus ng pari at ghost hunting equipment naman kay Jules. Nang dumating si Hannah dala ang Hi-ace after ng mga 15 minutes, ay ready na sila.
"Emergency lang?" nakataas-kilay na sabi ni Hannah habang sumakay sa Hi-ace sina Jules at Father Markus na ngayon ay naka-damit na ng pampari. "'Di pa kaya ako naliligo."
"Mamaya ka na maligo, noh," balik ni Jules. "Tara na."
Nag-signal light si Hannah at nilisan ang harapan ng apartment tungo ng Forbes Park. Dahil lagpas na ng rush hour sa umaga ay madali silang nakatawid ng Buendia Ave. mula sa Mandaluyong tungo ng Ayala Ave.
"Soooo," excited na sabi ni Hannah habang pinapaspasan pa ang takbo. "Lumabas na ba ang mga symptoms? Nagsasalita na ba ng Latin? Umiikot na ba ang ulo?"
"Wala namang nabanggit na specific si Don Carlos," sagot ni Jules na nakasakay sa passenger side ni Hannah. "Pero, mukhang lumala na nga sa tono ng boses ng don."
"Grabe, tanghaling tapat magpeperform tayo ng exorcism," iling ni Hannah.
May naalala si Jules at bumaling sa pari.
"Father, okay naman na 'yung permit natin to perform exorcism, 'di ba?"
"Permit? You mean 'yung letter ni Bishop Israel?" tanong ng pari. "To follow."
"To follow?" may alma si Jules.
Natawa si Hannah, "Bakit, Jules? Ano ba'ng concern mo?"
"Syempre para lang official," sabi ng parapsychologist at operations manager ng JHS, Inc. "Baka maghanap ang kliyente natin, malay n'yo matapos natin itong exorcism today makapag-bill na din tayo."
"Wow, asa," tawa ni Hannah. "Ikaw talaga, Jules, napaka mo..."
"What?" inosenteng reaction ni Jules.
#
Tumawid ang Hi-ace ng EDSA at saglit lang ay nakapasok na sila ng gate ng Forbes Park, at ngayon ay nagpapark na sa driveway ng mansion ni Don Carlos. Bumusina si Hannah para ipaalam na naroon na sila, at agad naman na bumukas ang pinto at sinalubong sila ng mayamang don. Naka-longsleeve ito na puti, halatang hindi pa nakapagpalit ng suot since galing pa ng opisina.
"Quick!"senyas ni Don Carlos.
Dalian nilang sinundan ang don paakyat ng hagdan tungo sa second floor. Kapansin-pansin na naroon ang mga household helpers at tahimik na nakikiramdam sa mga pangyayari, at dinapuan sila ng kaba nang makita na may kasamang pari ang kanilang amo, at na-confirm sa sarili nila na nasaniban nga si Miguel. Bukas ang mga ilaw sa bahay at ang TV sa living room ay nakatune-in sa noontime show. Inutos ito ng don marahil para matabunan ng ingay ang nangyayari sa itaas.
Sa labas ng kuwarto ni Miguel ay nakatayo ang doña na namumutla, nang makita sila'y nabuhayan ito.
"I'm glad you're all here," sabi niya sa tatlo.
Bago pumasok ng kuwarto ay hinarap muna sila ng don.
"Okay, tinali namin si Miguel sa kama," firm niyang sabi, "because he got strong at takot kami sa posible niyang gawin. It's gotten worse. Ngayon lang lumala ito ng ganito. It's up to you now."
"Please, help our son," naiiyak na sabi ng doña.
Nagtanguan sina Jules, Hannah at Father Markus. Dala ng pari ang itim niyang bag na naglalaman ng mga gamit pang-exorcism. Nilapag niya ito sa sahig at binuksan. Kinuha niya ang nakatuping stole na kulay violet—ito'y parang scarf, na kanyang ipinatong sa suot niyang puti na sutana. Tapos ay kanyang kinuha ang bakal na crucifix at bote ng holy water. Dala naman ni Jules ang isang hardcase—maleta-size na lagayan ng kanyang equipments. Binuksan niya ito at kinuha ang handheld videocam at audio recorder, at kanyang pinindot ang "record."
"Game," sabi ni Jules.
"Let's do this," dagdag ni Hannah.
Nagpalitan ang tatlo ng mga tingin. Lumapit sila sa pintuan at naramdaman nila ang pambibigat ng hangin, at mula sa kanilang bibig ang malamig na usok ng kanilang mga hininga. Hinawakan ni Hannah ang doorknob at naramdamang kasing lamig ito ng yelo. Inikot niya ito at tinulak nang marahan pabukas ang pinto.
Madilim ang loob. Sarado ang kurtina ng kuwarto ni Miguel. Gumapang ang lamig sa katawan nina Jules, Hannah at Father Markus nang humakbang sila papasok ng kuwarto. Nasa likuran nila ang don at doña, at nang pahakbang na ang mga ito papasok ay bigla silang nasarhan ng pintuan at ito'y na-lock, at hindi nila mabuksan. Kakatok sana ang don pero pinigilan siya ng asawa at sumenyas na hayaan na lamang ang tatlo.
Sa gitna ng kama ay nakahiga si Miguel, nakasuot ng t-shirt at jogging pants, at ang dalawa niyang mga braso ay nakatali ng posas sa magkabilang poste ng kama. Natatakpan ang mukha niya ng mahaba niyang buhok at aninag nila na ang balat niya'y maputla at naglabasan ang mga ugat. May mahinang ungol na nagmumula sa kanyang bibig.
Pumaligid ang tatlo sa kama, si Father Markus sa gitna, sina Hannah at Jules sa magkabilang gilid. Nire-record na ni Jules ang mga pangyayari. Itinapat ni Father Markus ang crucifix kay Miguel, hindi pa niya uumpisahan ang ritwal proper, pagka't ito'y isa lamang pagpapakilala.
"Hello, Miguel," bungad ng pari.
Nang marinig ang kanyang pangalan, ay sumagot ang binata.
"Hello, Father Markus," sabi nito. "Hello, Jules...Hannah."
Magaspang ang boses nito. Malalim at garalgal. Nagkatinginan sina Jules at Hannah. Dinapuan ng kaba na kilala sila ng dimonyo.
"Kilala mo kami?" napalunok si Hannah.
Ngumiti ang dimonyo sa loob ni Miguel.
"Oo naman. Malaki ang galit sa inyong tatlo ni Berith. At hinihintay na niya kayo."
"Sabihin mo kay Berith, hi," matapang na sabi ni Hannah.
Tumawa ang dimonyo.
"Matapang," sabi niya. "Kaya sikat na sikat kayo dito sa impiyerno."
"T-talaga?" sabi ni Jules, may nginig sa boses at the same time, pride.
"Oo," sagot ng dimonyo. "Lalo na si Father Markus."
Nagkatinginan ang pari at si Miguel. Hinihintay ng pari na banggitin ng dimonyo si Sister Juanita na alam niyang kasalukuyang nasusunog sa impiyerno dahil sa pagpapatiwakal. Nguni't, hindi ito lumabas sa bibig ng diablo.
"Okay, so hindi ka si Berith," sabi ni Jules habang tinutok ang videocam. "Malamang isang first hierarchy na demon. Beelzebub? Astaroth? Verrine?"
Hindi kumibo ang dimonyo kay Miguel.
"Asmodeus, Gressil, Soneillon?" patuloy ni Jules at ang hinuli niya ang ayon sa nakalap nilang impormasyon ang pinakaposibleng nagpossess kay Miguel, at ayon na rin sa mga simbolo, "Leviathan?"
Nagreact ang dimonyo sa huling pangalan. Umungol ito nang malalim.
"Leviathan. Ikaw si Leviathan!" sabi ni Father Markus at kanyang itinapat ang bakal na kurus. "Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!"
Umungol ang dimonyo na tila nahihirapan.
"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!" malakas na ulit ni Father Markus.
Nagkatinginan sina Jules at Hannah at nagpalitan ng mga ngiti. Sa isip nila, nahuli agad nila ang pangalan ng dimonyo. Leviathan. At tulad ng inaasahan ni Jules, baka nga maagang matapos ang exorcism na ito. Nakaramdam sila ng excitement at maagang pagwawagi. Inulit pa ni Father Markus ang demand niya.
"Sabihin mong pangalan mo!"
Umuga ang kama sa pagpalag ni Miguel sa kanyang pagkakaposas. Umungol ito nang malakas na dumagundong sa kisame at pader. At sa labas, napaakap ang don at doña. Sa ibaba, nayanig ang malaking christmas tree at may mga nahulog na X-mas balls na pinulot ng mga kasambahay.
"Sabihin mong pangalan mo!" sigaw pa ni Father Markus habang hawak ang kurus.
At walang anu-ano'y, sumigaw ang dimonyo sa loob ni Miguel.
"Leviathan! LEVIATHAN!"
At bigla na lamang itong tumigil, pumikit at tila nawalan ng malay. At tumahimik sa loob ng kuwarto. Nagkatinginan sina Father Markus, Jules at Hannah. Mga matang nagtatanong, sa isip nila ay sinasabi sa sarili: Tapos na ba? Nanalo na tayo? Ganoon lang ba kadali?
At maya-maya'y narinig nila ang hagikgik mula kay Miguel. Mapangutyang hagikhik na nauwi sa malakas na tawa. Tumatawa ang dimonyo sa loob ni Miguel. Napaatras sina Father Markus, Jules at Hannah, nagtataka.
"Hindi" sabi ng dimonyo sa kanila. "Hindi pa tapos. Hindi pa kayo nanalo. At lalong-lalo na, hindi ganoon kadali."
Nanginig sila na kayang basahin ng dimonyo ang iniisip nila. Ganoon ito kalakas. Hindi lamang ito first hierarchy na dimonyo. Siya'y walang iba kundi si:
"Satan!" nanlalaking mata na sigaw ni Father Markus.