Ang buong pangalan niya'y Don Carlos Augusto Villaromano mula sa mayamang angkan ng mga Kastiloy na ang mga ninuno'y mga prominenteng mamamayan noong sinauna pa. Tulad nang nabanggit, si Don Carlos ay isang negosyante, partikular sa shipping, at nagmamay-ari ng ilang real estate dito at sa ibang bansa. May apat siyang mga kapatid na prominente rin sa kanilang mga larangan—sa business at politics. Hindi man kasing yaman nina Sy, Gokongwei, Tan, Ayala o Ang, si Don Carlos ay may net worth na nasa 9 figures. Dahil maituturing nating siyang isang low key businessman, bihira siyang may kasama na bodyguard, maliban sa driver na siya na ring gumaganap sa tungkuling ito.
Loyal si Don Carlos sa kanyang asawa at nag-iisa niyang anak si Miguel. At least, 'yun ang sabi niya.
Ang business office ni Don Carlos ay nasa bagong tayong building sa may Legaspi Village malapit sa Dela Rosa Street at Paseo de Roxas sa Makati. Ang isa pa niyang opisina ay sa Pier, Manila. Siya ang CEO ng kanyang kumpanya, at miyembro ng ilang boards ng mga partner companies.
Workaholic ang don, isang trait na nakuha niya sa kanyang ama, matagal nang yumao. Kung karamihan sa ka-level niyang negosyante ay mahilig maglaro ng golf at magbakasyon, si Don Carlos ay walang masyadong panahon dito. Ang usual routine niya ay bahay-opisina and vice versa, with occassional coffee breaks and luncheons—in other words, working lunch. Maging ang meeting niya with Jules, Hannah and Father Markus, isama na natin si Andy, ay tinuturing niyang business meeting. Ang kaibahan lang ay ito'y personal business na hindi niya ipinapaalam sa kanyang opisina. Kaya't laking gulat ng don nang magpakita sa kanyang opisina si Andy Madrid.
"Sir, may naghahanap sa inyo. Si Mr. Andy Madrid," sabi ng kanyang sekretarya sa intercom.
"Sino?" paninigurado ng don.
"Andy Madrid, sir, private investigator daw," dagdag ng sekretarya.
Bad trip na siya'y pinuntahan na sa kanyang opisina na salungat sa usapan nila, at nagpakilala pang isang private investigator, ay ganoon na lang pagkainis ni Don Carlos kay Andy.
"Sir, anong sasabihin..."
"Okay, okay papasukin mo," interrupt ng don.
Sa reception area, pinagmamasdan ni Andy ang maganda at modernong interior ng office na nasa ika-24th floor pa ng gusali. Namangha siya sa bilis ng elevator na sinakyan niya paakyat at sa biometric scanner ng entrance door na gamit ng mga empleyado. Sa lobby, ay huminto pa siya para hangaan ang mga litrato ng mga shipping vessels na naka-hang sa wall at ibulong sa sarili kung gaano ka-yaman ang kanyang kliyente, bago siya nagpakilala sa receptionist na siya namang tumawag sa sekretarya ni Don Carlos. Sa wall clock, ang oras ay pasado alas-kuwatro.
"Sir, follow me po," paglapit ng receptionist.
Tumayo si Andy suot ang kanyang leather jacket na hindi na niya hinubad pagka't sobrang lamig ng aircon sa loob. Sinamahan siya mismo ng receptionist—sinundan niya ito sa mahabang hallway tungo sa dulo kung saan naroon ang kuwarto na may nameplate na CEO.
"Dito po," turo ng receptionist.
"Thank you," ngiti ni Andy.
Pagpasok ni Andy sa kuwarto ay may maliit pang waiting area kung saan naroon ang personal seceretary ni Don Carlos.
"Pasok na po kayo, sir," turo ng secretary sa pintuan.
Pagpasok ni Andy ay nagulat siya nang tumumbad sa kanya si Don Carlos na agad sinara ang pintuan.
"I told you not to go here," mahina nguni't matigas na sabi ng don. "And how did you know kung nasaan ang office ko?"
"Sir, private investigator ako," sagot ni Andy.
Bumalik ang don sa kanyang oakwood na office table.
"Okay, have a seat," sabi niya, ngitngit pa rin na pinuntahan siya ng P.I. sa kanyang opisina pagka't ayaw niyang malaman ng iba ang nangyayari kay Miguel, pero, wala na siyang magagawa.
Naupo si Andy sa katapat na upuan.
"Can I offer you anything?" may kalma namang alok ng don, although medyo pissed-off pa rin. "Juice? Water? Whiskey?"
"Tubig lang," sabi ni Andy.
"Are you sure?" sabi ng don, ine-expect na Johnnie Walker Blue ang hihilingin ng kausap.
Tumango si Andy. Through the intercom nagutos ang don at saglit lang ay pumasok na ang sekretarya at inabot kay Andy ang tubig bago lumabas uli. Inantay muna ni Don Carlos na uminom si Andy, bago:
"So," firm ang boses ng don. "I hope you have news for me."
Binunot ni Andy ang maliit na Manila envelope sa kanyang jacket at nilabas ang mga nilalaman nito—mga litrato ng mga bahay at gusali—ang resulta ng kanyang ginawang surveillance sa grupong Satanista na may sariling simbolo sa kasuotan, ang grupo ni Miguel.
"Ito ang mga lugar ng pinupuntahan ng anak mo," ulat ni Andy. "Kung anong ginagawa nila sa loob ay hindi ko alam. Malamang mga ritwal, kung tutoo nga silang mga Satanista tulad ng palagay ng mga hinire mo, o isang gang lang na trip maging high."
"Believe me, Mr. Madrid," sabi ng don habang tinitignan ang mga litrato. "Hindi ka man naniniwala, I'm sure na hindi lang drugs involved ang mga ito. There's much more."
Sa litrato naka-park ang itim na van sa tapat ng isang bungalow, ng condo, at ng isang warehouse. May litrato ni Miguel na bumababa at sumasakay ng van, at pumapasok sa mga nabanggit na mga lugar kasamang kanyang grupo. Binaba ng don ang mga litrato, nasa mukha niya na hindi siya satisfied sa detective work ni Andy.
"Is this it?" nakasimangot niyang sabi. "A bunch of pictures? How about yung isa ko pang pinagagawa sa iyo? Na-locate mo ba siya?"
Hindi agad sumagot si Andy. Gusto niyang sukatin ang pasensya ng kanyang kliyente.
"I mean, I'm paying you more than you should be getting," diin ng don. "Pero, kung ito lang ang maipapakita mo sa akin, well..."
Agad na dinampot ni Andy ang litrato ng warehouse at initsa sa mesa, sa harap ng don.
"Diyan, sir," senyas ni Andy bago uminom ng tubig. "Naniniwala ako na nandiyan siya sa loob."
Nagliwanag mukha ng don, hindi niya akalain na ganoon kabilis natunton ni Andy ang taong pinahahanap niya.
"Sa warehouse? Are you sure?"
Tumango si Andy.
"You mean nakita mo siya?" dilat na sabi ni Don Carlos.
"Malaki ang kutob ko," confident na sagot ni Andy.
"Kutob?" napaindak ang don at nasira ang excitement niya. "My God, we have to be sure!"
"Maniwala kayo, sir, pagsinabi kong nandyan—nandyan," matigas na sabi ni Andy. "At sinasabi ko na ngayon, kailangan n'yo na ng intervention ng mga pulis. Pasukin ang warehouse na 'yan at ng iba pang hideouts nila, at alamin ang mga nangyayari. Crackdown. Buybust. Malaman kung anumang mga Satanic na activities ang nagaganap."
Agad na tutol si Don Carlos dito.
"No, no, no," iling niya. "Kung involved ang anak ko, I don't want this to go out. I don't want my name in the papers."
Tumango si Andy. Tanggap niya ito.
"Okay, so anong gusto n'yong gawin?" ipinasa ni Andy ang desisyon sa don.
"We'll hire people," sabi ng Don at tinuro si Andy. "You, I mean may baril ka naman 'di ba? Dati kang sundalo o pulis, right? I'm sure may kilala kang mga tao."
Napaisip si Andy at tumango, may tao na siya in mind na maari niyang hatakin para pasukin ang warehouse.
"You can handle these...these people," sabi ng don. "They're just a bunch of kids. I'll give you extra if you think na may risk involved. How about another P200 thousand?"
Napaayos ng upo si Andy. P200 thousand. Easy money.
"S-sure," tango ni Andy.
"And please," insist ng don. "Do it while Miguel is not present, okay?"
Saglit silang natahimik at nagkatinginan, at nagareglo sa pamamagitan ng pagtango. Ibinalik ng don ang mga litrato kay Andy dahil ayaw niya ng ebidensya sa kanyang possession. At kanya ring ipinaalala sa private investigator na sa uli-uli, kung kailangan nilang magusap ng personal ay huwag sa kanyang opisina. At ukol sa karagdagang P200k, ibibigay niya ang cheke once na ma-fulfill ni Andy ang trabaho niya. Nagkamay sila at nagpaalam si Andy.
Kalahating oras nang umalis ang private investigator ay nagring ang cellphone ni Don Carlos. Tawag mula sa kanyang asawa. Humihingal ang doña at dama ang takot sa boses nito.
"What is it?" anxious na tanong ng don.
"Carlos...s-si Miguel..."