Bago umuwi ng Tagaytay si Father Markus noong araw ng bisperas, ay naisipan niyang bumisitang mag-isa sa mga Villaromano. Nakaramdam siya ng deep sense of personal duty na alamin ang kalagayan ng don at doña...at ni Miguel. Nang pindutin niya ang doorbell ay ang mag-asawa ang nagbukas sa kanya, as if hinihintay na siya, at nakita ng pari ang kasiyahan sa kanilang mga mukha na makita siya. "We were praying that you would come, father," sabi ng doña. "Come in, come in," malugod na bati ng don. Tahimik sa loob ng mansion nang pumasok si Father Markus...at may kadiliman. Hindi tulad ng dati, bukas lamang ang ilaw kung saan may tao, maliban sa Christmas lights ng higanteng Christmas tree na nagpapaalala sa kanila na bagama't may matinding suliranin ang pamilya ay Pasko pa rin. "Nag-lunch k

