Palubog na ang araw nang lisanin nila ang bahay ni Andy. Dalawang sasakyan na convoy tungo sa kuta ng mga Satanista. Maluwag ang kalsada sa may E. Rodriguez Avenue sa kakaunting nagdaraang mga pribadong sasakyan. May ilang pampasaherong jeepney ang bumiyahe para sa ekstrang kita at kadalasang naisasakay ay buong pamilyang galing sa pamamasko suot kanilang pinakamagarang mga damit. Ang tumawag kay Pam ay isa sa mga death metal chicks na siya ring nakipagkilala sa kanya noong nasa Black Nativity concert sila ni Dean, at ayon sa babae, magkikita raw muna sila sa Club Gemini sa Cubao, at mula roon saka sila dadalhin kung saan magaganap ang "eternal beauty" ritual. "Kinakabahan ako, Dean," nginig na boses na sabi Pam. Bigla siyang dinapuan ng takot na ma-realize na tuloy na tuloy na'ng missio

