To JHS!

1230 Words
"Tattoos?" Tumaas ang kilay ni Jules nang madinig ito. Habang binabaybay ng Hi-ace na minamaneho ni Hannah ang A.H. Lacson Ave. tungo ng Makati/Mandaluyong ay tinawagan ni Don Carlos si Jules upang sabihin ang tungkol sa mga tattoos na may malaking posibilidad na konektado sa Satanic worship kung saan involved ang anak niyang si Miguel. "Okay, sir," sabi ni Jules sa cellphone. "Ire-research ko 'yan...yes...yes. Tomorrow?" Tinakpan niya ang telepono at bumaling sa mga kasama. "Tinatanong ni Don Carlos kung pwede daw tayong makipag-meet bukas?" "Sure!" may ganang sagot ni Hannah. "Father? Okay ka bukas?" lingon ni Jules sa likuran kung saan naroon ang pari. "Bukas?" nag-iisip si Father Markus. "Teka, may kasalan at binyagan yata ako bukas...tapos may blessing pa." "'Di nga?" nanlaki mata ni Jules at in-adjust ang kanyang salamin sa mata nang madaan sa lubak ang Hi-ace. "Anong oras ang---" "Jules, bakit pa ba ko lumuwas?" interrupt ni Father at napailing.  Natawa si Hannah. Saglit pa bago na-gets ni Jules ang sarcasm ni Father Markus at nakangiting binalik ang cellphone sa kanyang tenga at sinabi kay Don Carlos na available sila para makipag-meet. Pagbaba nila ng Nagtahan Bridge ay may traffic patungo ng Quirino Highway dahil sa mga naglalakihang mga trailer truck na tila walang oras na nagsusulputan, isama mo na ang nangyayaring construction sa kalsada. Bagama't bakasyon na ng karamihan sa mga schools sa Metro Manila ay may pasok pa ang mga opisina at ahensya ng pamahalaan.  Tumigil sila sa isang gasolinahan para mag-CR si Jules at bumili ng sigarilyo si Hannah. "Tanghaling-tapat, traffic," angal ni Hannah. "Wala bang lunch break ang traffic?" "Speaking of lunch, gutom na ko, tara!" aya ni Jules, at bumalik sila sa sasakyan. Napagkasunduan nila na mag-rent ng apartment si Father Markus sa Makati na malapit kay Hannah, sa ganoon ay madali ang sunduan nila at malapit na rin papunta sa Forbes Park kung saan gaganapin ang exorcism. Pumayag din si Jules na sumama kay Father Markus para hindi na siya susunduin sa may Dapitan Street sa Maynila kung saan siya nakatira kasama ang kanyang lola at nakababatang kapatid na si Clint, na graduating na ng High School. "Anong course ang kukunin ng utol mo?" tanong ni Hannah habang nagmamaneho. "Bachelor of Arts in Pambubulakbol," sagot ni Jules na may pag-roll ng eyes. "I.e. Fine Arts," sabi ni Hannah. "Fine Arts, agad?" balik ni Jules. "Pero, yes, fine arts nga. Habol daw niya yung nude painting sessions." "'Yon!" "Or baka naman gusto ni Clint ng religious vocation?" sabi ni Father Markus mula sa likuran. "Hindi lang natin alam, baka may divine calling siya. A life dedicated to God. A life of celibacy and worship..." "Stop na kita sa celibacy, father," singit ni Jules. "Never na mangyayari 'yang sinasabi mo." "Sure ka?" may challenge sa boses ng pari. Tumawa nang malakas si Jules. "Naririnig mo 'tong tawa ko, father?" bulalas ni Jules. "Demonic laughter! Never mangyayari 'yang sinasabi mo." Napangiti lang si Father Markus at sumandal sa upuan. May ngiti ring binitawan si Hannah, habang si Jules ay paulit-ulit na sinasabi ang "never" sabay umiiling pa. At bakit ganun na lang ang denial ni Jules? Ito'y sa dahilang may abilidad si Father Markus na ma-sense ang pagkatao ng isang nilalang. Hindi siya isang prophet, or seer tulad ni Nostradamus, ang 16th century na French physician at pinakasikat na prognosticator na nag-predict ng Atomic Bomb, rise ni Adolf Hitler at ng Kennedy Assassinations, si Father Markus ay more on sa aura ng isang tao. Or sa mas madaling paliwanag, nakikita niya sa tao ang balanse ng good and evil nito. Nase-sense niya ang level ng kabutihan o kasamaan. Sa ganoong paraan, alam niya ang magiging takbo ng buhay ng isang tao. Noong una niyang makilala sina Jules at Hannah ay na-sense ni Father Markus na mabubuti silang tao. Lalo na kay Hannah na nagtataglay ng mga special abilities, na hangarin ng psychic na gamitin ito para sa kabutihan. Hangarin naman ng pari na protektahan si Hannah sa korupsyon ng dimonyo. Hindi rin niya ina-underestimate si Jules, bagama't walang mga extra-sensory abilities, ay may angking talino ang parapsychologist. Walang kapantay ang analyzation ni Jules sa mga bagay-bagay. At sa karamihan ng mga missions nila, si Jules ang nakaka-solve ng mga problema o nakakahanap ng paraan para sila ay mag-succeed. Ikanga, kung si Father Markus at Hannah ang may super powers sa team, si Jules ang brains. # Ang apartment na kanilang pinuntahan ay malapit sa may J.P.Rizal sa Makati, sa area ng Poblacion na malapit din sa Sta. Ana Race Track. Isang 4-floor na building na may kalumaan na. Kakilala ni Hannah at ni Pam ang may-ari kaya't madali nilang nakausap at napapayag na isang buwan lang na rerentahan ang unit--mga 40 sqm ang laki at may dalawang kuwarto. "Not bad, 'di ba?" sabi ni Hannah nang pumasok sila sa apartment. "Semi-furnished pa." Binuksan ni Jules ang pintuan ng mga kuwarto at sumilip. Single bed. Closet. Aircon. Sinilip naman ni Father Markus ang banyo at tinesting ang gripo, shower at flush. May maliit na sala na sakop na ang dining at kitchen. "Okay naman," sabi ng pari. "Oo naman," ngiti ni Hannah. "I mean, 'di ba, father, you've been to worse?" Natawa ang pari. May kumatok sa pinto at iyon ay ang matandang katiwalang babae at sila'y pinapirma ng kontrata. Pagkatapos, ay ibinaba nila ang kanilang mga gamit mula sa Hi-ace: damit at epektus exorcism ni Father Markus, at damit at ghost hunting equipment ni Jules--mga hardcases na naglalaman ng iba't-ibang gadgets. At nang maiayos ay lumabas sila ng apartment para kumain ng late na tanghalian. Maraming kainan sa paligid sa commercial street na kung hindi beauty parlor ang negosyo ay sanglaan. Pinili nila ang restaurant na nagse-serve ng special bulalo at walang takot na nakikipagkumpetensiya sa katapat na Jollibee. Halos puno ito at amoy ang aroma ng sabaw ng baka at tiniris na sili sa suka't toyo. "To JHS!" hudyat ni Jules habang inangat ang can niya ng Coke bilang toast. Nagkatinginan sina Hannah at Father Markus, at nagtaas ng balikat. Oh well. "To JHS! ulit ng dalawa. Nag-toast ang tatlo. Dumating ang bowl ng umuusok pang bulalo hatid ng waiter at sila'y nagsimulang kumain. "'Oo nga pala," sabi ni Hannah habang nilalagyan ang tasa niya. "Ano 'yung nabanggit mong tattoos?" Inexplain ni Jules ang sinabi ni Don Carlos sa telepono. Satanic tattoos. "Pamilyar ka naman dito, tama?" tanong ni Father Markus habang humigop ng sabaw ng bulalo. Tumango si Jules habang gumagawa ng sawsawan niya, "Na-cover ko na din." "Yeah, Jules! Mr. Encyclopedia!" ngiti ni Hannah. "Paano natin malalaman kung anong klaseng Satanic tattoos ito?" tanong ng pari. Naka-casual clothes lang siya. Ang dalawang kasama sa usual nilang kasuotan. Rock tees. Jeans. "May pictures," inform ni Jules. "Apparently, nag-hire ang don ng isang private investigator at may nakuha daw na mga litrato." Napaindak ang dalawang kausap. "Private Investigator?" pagtataka ni Father Markus. "Alam mo na, mayaman eh, can afford," usal ni Jules. "Besides, American mentality." Nagkibit-balikat sila at napatingin sa maliit na TV na naka-mount sa pader ng restaurant, kung saan palabas ang noon time game show, at hudyat ng celebrity host na 13 days na lang before Christmas. "Sana lang matapos natin itong mission bago mag-pasko," muni ni Hannah. Nagtanguan silang lahat at sa kani-kanilang isipan ay umasang sana'y magkatutoo ang hiling ni Hannah. Matapos kumain ay dumaan silang grocery para bumili ng ilang mga supplies tulad ng mineral water at 3-in-1 na kape. Nag-charge ng mga equipment si Jules, namalantsa si Father Markus ng kanyang damit pampari, vests at stole, habang nagyosi si Hannah bago nagpaalam para umuwi ng kanyang apartment. Masarap ang tulog nila ng gabing iyon. Ang huling mahimbing nilang tulog ng taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD