The Deal

2421 Words
Panay ang ring ng cellphone ni Don Carlos Villaromano pero hindi niya ito sinasagot. Nakaupo ang don sa kahoy na upuan sa gilid ng kama ni Miguel. Mag-isa lamang siyang naiwan sa basement para bantayan ang anak. Pinauna na niya ang asawa para umakyat at matulog. Pasado alas-tres ng madaling-araw, pero, hindi pa rin dinadapuan ng antok ang don. Kahit si Miguel, na nakaposas muli ang mga kamay sa bedposts, ay nakapikit na. Natutulog ba ang Diyos? Ang karaniwang kasabihang pumasok sa isipan ni Don Carlos. One thing is obvious though aniya sa sarili, ang dimonyo pala'y nagpapahinga rin. Nag-ring muli ang cellphone na nasa bulsa ng don. Sa wakas ay hinugot na niya ito—sa screen ang pangalan ni Jules ay nagbiblink. Pero, imbes na sagutin ay pinatay niya ang cellphone. May idea siya kung bakit siya tinatawagan ng parapsychologist sa disoras ng gabi. Malamang ay nadiskubre na nito at ng iba pa ang kanyang sikreto. Binalik niyang cellphone sa bulsa at sumandal sa upuan at pinagmasdan ang anak. Si Miguel na ngayo'y bihag pa rin ng dimonyo. Ni Satanas. At siya'y naluha sa kalagayan ng anak, ang putla nitong balat, ang mga tuyong sugat at galos, ang pagdi-deteriorate ng health nito, at ang kaalaman na iba na ang nagmamay-ari ng katawan ng anak, ay hindi napigilan ng don ang magalit. "Wala ito sa usapan!" matigas niyang sabi. "It's not part of our deal!" Tumulo ang luha ni Don Carlos at naalala niya kung saan siya nagkamali. # Makati Med Hospital. 18 years ago. Patay ang oras sa mga sandaling ito. Tahimik ang mga corridors ng ospital at karamihan sa mga flourescent lights ay nakapatay na. Lagpas na sa visiting hours kung kaya't pa-ilan-ilan na lamang ang mga bisita na makikita, karamihan sa kanila'y tangan ang sariling unan sa paghahanda na matulog at mag-overnight para samahan ang pasyenteng kamag-anak. At karamihan sa kanila'y dala ang basa pang mga payong pagka't galing sila sa labas kung saan umuulan. Dinig ang squeaky nilang mga sapatos sa paglapat nito sa makintab na sahig na umistorbo sa katahimikan ng ume-echong hallway. Tahimik na rin sa mga nurse's stations ng bawat palapag—ang mga pang-gabing shift ay abala na lamang sa maliliit na mga gawain at pagkukuwentuhan—bagay na hindi nila nagagawa sa umaga. Ang mga duktor ay nasa kani-kanilang mga bahay na at nag-aantay na lamang ng tawag o beep, sakaling meron man. Maging ang mga security guards at mga janitors ay tila nasa-relax mode na. Tahimik sa kalakhan ng ospital ng gabing ito. Maliban sa maternity ward at delivery room. Pagka't sa gabing ito'y nakatakdang manganak ang isang ginang na magsisilang ng kambal. Ng dalawang lalaking kambal. Hawak ni Carlos Villaromano ang kamay ng kanyang asawa na naka-higa sa hospital bed at wini-wheel in ng mga nurses tungo sa delivery room. Basa ang katauhan ni Carlos, tumutulo ang tubig ulan mula sa ang kanyang kasuotan—jacket, pantalon hanggang sa sapatos. Pawisan naman at hinihingal si Mrs. Villaromano, at namimilipit sa sakit mula sa tiyan. Maingay ang tunog ng bakal na gulong ng kama sa sahig at hindi nakakatulong sa pasyente tuwing ito'y malulubak sa mga c***k ng tiles. "Carlos..." tawag ng asawa, mahina ang boses niya. "I'm here," sagot ni Carlos. 18 years ago, mas bata pa ang mag-asawang Villaromano. Hindi pa tinutubuan ng puting buhok ang don at tulad ng kanyang asawa, ay wala pa gaanong guhit sa mukha. Kapuwa nasa kanilang mid-30s ang dalawa. "I'm scared, Carlos," naluluhang sabi ni Mrs. Villaromano. Tumango si Carlos at hinigpitan ang kapit sa kamay ng kanyang asawa. Ang kanilang mga tingin ay balot ng pangamba. Ito'y dahil may hinaharap silang malaking problema. 7 months ago, noong 2nd trimester ng pagbubuntis ni Mrs. Villaromano ay nalaman nila na ang kambal nila'y in fact, conjoined twins. Inexplain ng kanilang duktor ito sa kanila. Ang ibig sabihin ng conjoined sa kasong ito ay ang rare occurrence kung saan ang identical twins ay magkakabit sa utero. Omphalopagus to be precise, kung saan ang dalawang sanggol ay magkadikit sa tiyan—sa lower abdomen at sila'y nagsha-share ng liver. Tinanggap ito ng mag-asawa ng may matinding paghihinakit. Lalong-lalo na ni Carlos na pinalad ngang magka-anak ng mga lalaki na siyang magmamana ng kanyang negosyo, nguni't sa kasamaang palad nama'y may risk na hindi sila mabuhay. "It's going to be alright," pangako ni Carlos sa asawa habang pinasok na ito sa delivery room kung saan naghihintay na ang mga duktor na magpapa-anak sa kanya. At magpe-perform ng surgery. It's going to be alright. Nang sabihin ito ni Carlos sa asawa'y buo ang loob niya. Buo ang paniniwala niya na tila ba nakasisiguro siya, bagama't taliwas sa sinasabi ng mga duktor. It's going to be alright. Si Carlos Villaromano ay isang taong hindi nagta-take ng chances. At sinigurado niya na mabubuhay ang dalawa niyang mga anak. Whatever it takes, aniya sa sarili. Bakit ganoon na lang ang determinasyon niya? Ito'y dulot nang makausap niya ang lalaking naka-itim. # Bago ipinasok ang kanyang asawa sa delivery room, si Carlos ay nasa open smoking area ng ospital kung saan halos makaubos na siya ng dalawang kaha. Malakas ang ulan at may munting pagbabaha sa sahig. Ang lugar ay nabububungan lamang nang bahagya kaya't naulanan na ang kuwadradong ash bin at kumalat nang mga upos sa sahig. Nguni't hindi ito pansin ni Carlos. Wala rin siyang pakialam kung mabasa na ang kanyang balat na sapatos. Pagka't sa hinaharap niya at ng kanyang asawa ngayon ay wala nang pakialam si Carlos sa maraming bagay. Tanging concern niya'y ang magiging kalagayan ng kanyang kambal na mga anak. Kung kaya't hindi niya pansin na basa nang medyas niya. Kaya't 'di niya pansin na nagsindi na naman siya ng isa pang sigarilyo. Kaya't 'di niya pansin ang pagdating ng lalaking naka-itim. # "Maaari ba akong makahingi ng sigarilyo?" Nang lumingon si Carlos upang tignan ang pinanggalingan ng boses ay saglit siyang nakaramdam ng init bagama't malamig ang hanging dinudulot ng ulan. Isang matangkad na lalaki na naka-itim na trenchcoat ang nakaharap niya. Malalim ang mga mata nito, matangos ang ilong, mabuto ang features ng mukha at ang jet black hair nito'y naka-brush up. Wari ni Carlos, na tulad niya, may lahi rin ito. Pero, hindi niya masabi kung anong nationalidad. "Here," sabi ni Carlos habang inalok ng yosi ang lalaki. Humugot ng sigarilyo mula sa kaha ang lalaking naka-itim at sinubo ang stick sa bibig. Kinapa ni Carlos ang kanyang Zippo lighter sa bulsa ng kanyang jacket at nang ibibigay na ito sa lalaki ay nagulat siya pagka't may sindi na ang sigarilyo nito. Nagtaka si Carlos pagka't hindi naman niya nakitang nagsindi ang lalaki, or wala rin naman itong nilabas na sariling lighter o kahit na posporo. Namalikmata lang ba siya? "Manganganak si Misis?" tanong ng lalaking naka-itim tapos ay bumuga ng usok. Although walang gana si Carlos na makipag-usap kanino man, lalo na sa isang lalaki na hindi naman niya kilala, ay hindi niya napigilang sumagot. May something sa lalaki, may kakaibang dating. "O-oo," tango ni Carlos. "Kambal?" ngiti ng lalaki. "Y-yes. Paano mo nalaman?" may konting pagtataka si Carlos. Bumuga ng usok ang lalaki at sinabi: "Alam ko lang." Napaatras si Carlos ng isang hakbang. Hindi niya feel ang diretsang sagot ng lalaking naka-itim. Alam ko lang? Anong klaseng sagot ito? Sa ganitong mga bagay ay alerto siya, bilang isang negosyante, ingat siya. Sino ang lalaking ito? Kalaban? Kakumpetensya? Mga tanong na agad pumasok sa kanyang isip. Naisip pa niyang baka isa itong kidnapper. "Excuse me," may warning sa tono ni Carlos. "Do I know you?" Napangiti ang lalaking naka-itim. "Maybe," sabi niya. "Pero, ikaw Carlos Villaromano, kilalang-kilala kita." Nang marinig ang pangalan niya'y napaatras pa ng ilang hakbang si Carlos na halos sa dulo na ng bubong ng smoking area kung saan lalo siyang nababasa ng ulan. Instinct niyang itinaas ang mga kamao bilang depensa. At siya'y lumingon-lingon pa sa paligid para maghanap ng security guard. Nguni't, ang nakikita lamang ay ang buhos ng ulan—sa mga puno at mga kotse, pagka't malapit sila sa parkingan. "S-sino ka?" dilat na sabi ni Carlos. "Isang kaibigan," sabi ng mahiwagang lalaking naka-itim habang humithit pa ng yosi. Kinabahan si Carlos, na baka ang lalaki ay isang killer, isang assassin na hinire ng mga kalaban niya sa negosyo. "H-hindi kita kilala," nanginginig ang boses ni Carlos. "Anong kailangan mo sa akin?" Ngayo'y mulat na mulat na si Carlos, dahilan para mapansin niya na tila hindi nababasa ng ulan ang lalaki. May baha sa sahig pero ang sapatos nito'y tuyo. Ni ang suot na mahabang itim na trenchcoat ay wala ni isang patak ng ulan. "Ikaw ang mas may kailangan sa akin, Carlos," sabi ng lalaki, may ngiti sa mukha. "A-anong..." nauutal na si Carlos sa nerbiyos. "Manganganak ang asawa mo, hindi ba?" interrupt ng lalaki. "Kung hindi ako nagkakamali, kambal na lalaki, ang tagapagmana ng negosyo mo. Nguni't may problema. Conjoined twins. Sa gagawing surgery, malaki ang risk na hindi mabuhay hindi lang ang isa, kundi silang dalawa." Nanlaki ang mga mata ni Carlos. Ito'y impormasyon na siya, kanyang asawa at mga tiwalang duktor lang ang nakakaalam. "Pano mo nalaman?! Sino ka?! SINO KA?!" Hindi siya sinagot ng lalaki, and with conviction, sinabi, "Mamatay ang dalawang anak mo, Carlos. Ito ang mangyayari at wala kang magagawa. Walang magagawa ang pera mo. Ang kayamanan mo." Tinignan siya ng lalaki nang diretso. "At lalong-lalong walang magagawa ang diyos mo." Pumutok sa galit si Carlos. "f**k you! You're crazy!" sigaw niya. "Don't you know who I am?!" Hinarap siya ng lalaki, kataka-takang tila hindi nauubos ang hawak nitong sigarilyo. Dahan-dahan siyang humakbang palapit kay Carlos, na sa takot ay siya namang napaatras at dahil dito'y lumabas siya ng bubong ng smoking area at napunta sa ulan. "I told you, kilala kita, Carlos," sabi ng lalaki habang papalapit pa. "Alam ko kung anong klaseng tao ka. Alam ko kung anong iniisip mo. Alam ko kung anong gusto mo sa buhay..." Habang papalapit pa ang lalaki ay paatras pa si Carlos na basa na sa ulan at muntik pang madulas sa putik. Nasa labas na sila ng smoking area, nguni't ang lalaking naka-itim ay tila hindi nababasa. "At alam ko, Carlos..." patuloy ng lalaki at ang mata nito'y naging nagbabagang kulay pula, "ang future mo." Pagkasabi nito'y nagka-vision si Carlos. At sa vision niya, nakita niya ang hinaharap—kung saan isinilang ang conjoined twins na pinaghiwalay ng mga duktor, nguni't sila rin ay namatay. Nakita niya ang sarili na hawak ang kamay ng mga sanggol na wala nang buhay. Nakita niya ang maliliiit na mga ataol nito. Nakita niya ang umiiyak na asawa. At sa vision, nalaman niya na hindi na maaaring magkaanak pa ito. At sa trauma na dulot kasunod ng depression ang pagpapatiwakal ng kanyang asawa. Nakita niyang sarili na mag-isa at ang pagkalulon niya sa alak at droga. At nakita niya ang pagbagsak ng kanyang negosyo. At nakita niya na siya rin sa kalaunan, ay nagpakamatay. Nang matapos ang vision na binigay sa kanya ng lalaking naka-itim ay napaluhod si Carlos sa putik. Sa mukha niya ang magkahalong ulan at luha. Hindi siya makapaniwala sa nakita, nguni't alam niyang tutoo ito. "Ngayon, Carlos," sabi ng lalaki. "Kilala mo na ba kung sino ako?" Lumuluhang tumango si Carlos. Hindi na niya kailangang banggitin ang pangalan. Alam niya kung sino ang kaharap. Satan. Ang devil. "Ngayon, may proposal ako sa 'yo, Carlos," dugtong ng lalaking naka-itim na hindi nababasa ng ulan. "Kung sasabihin ko sa iyo na kaya kong iligtas ang dalawa mong anak, papayag ka bang gawin ko ito?" "O-oo, please," pagmamakaawa ni Carlos. "Pero, may kapalit ito, Carlos Villaromano," sabi ng lalaki. "Ang kapalit ay ang isa mong anak. Payag ka ba?" Namutla si Carlos, hindi niya ini-expect ito, pero, alam niyang wala na siyang choice. "O-oo," kanyang sagot. Nangiti ang lalaki. "Good," sabi niya. "Mabubuhay ang dalawa mong anak at papangalanan mo silang Miguel at Lucas." Nagtaka si Carlos, "Miguel...Lucas?" Nagtaas ng balikat ang lalaking naka-itim. "Wala lang, gusto ko lang," aniya. "Para epic 'di ba? Miguel tulad ni Archangel Michael at Lucas para sa...well, sabihin nating tribute mo sa akin. Ngayon, mamili ka, Carlos, kung sino ang mapapasa-iyo at kung sino ang mapapasa-akin." Hindi handa si Carlos sa tanong na ito. Hindi siya makapagsalita. "Okay," ngiti ng lalaki. "Kung gusto mo ako na lang pipili---" "Miguel!" daliang sabi ni Carlos. "Sa akin si Miguel!" Napangiti ang lalaking naka-itim. "Okay, sure, why not?" nagkibit pa ito ng balikat. "Isa kang tunay na negosyante." Tumawa ang lalaki habang si Carlos ay nakaluhod pa rin sa putik. Pagkatapos ay yumuko ang lalaki at nag-face to face sila ni Carlos, at kanyang inalok ang kanyang kamay. "Deal?" Nag-aalangang makipag-kamay si Carlos. May pagdududa siya. Pero, naisip niyang naroon na siya't wala nang ibang choice. Binigyan siya ng deal—ang pinakapabor na deal, at instinct niyang kunin ito kundi'y siya ang matatalo. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kanang kamay at inabot ang sa lalaki. Sila'y nagshake-hands. "Makinig kang mabuti, Carlos Villaromano," naging serious ang mukha ng lalaking naka-itim. "Pagdating ng ika-16th na kaarawan ni Lucas ay ibibigay mo siya ng buong loob sa akin. Ang katawan at kaluluwa ni Lucas ay mapapasa-akin. Iyan ang kontrata natin. Ang kasunduan natin." Hindi pa binibitawan ng lalaki ang kamay ni Carlos. Matapos ang huling kataga ay naramdaman ni Carlos na para bang bumigat ang kanyang palad, may tila energy na dumaloy dito, at ang pakiramdam na may nabuong usapan...na wala nang bawian. Binitawan ng lalaking naka-itim ang kamay ni Carlos. "Okay, good," sabi nito. Napatingin si Carlos sa kanyang palad. My God, anong ginawa ko? Nasabi niya sa sarili. Sa saglit na iyon ay napuno siya ng pangamba sa ginawa. Nguni't, alam niyang huli na ang lahat. At jinustify sa sarili na tama ang kanyang desisyon, para ito sa kanyang pamilya, para ito sa future ng kanyang kumpanya. Isa itong sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. "Ngayon, sabihin mo na sa asawa mo ang good news," ngiti ng lalaki. "Puntahan mo na siya, hinahanap ka na, Carlos. Manganganak na siya." Nang madinig ito'y napatayo si Carlos at nagmamadaling tumakbo pabalik ng smoking area at daliang binuksan ang pintuan doon at pumasok sa ospital. Naiwan ang lalaking naka-itim na may mala-dimonyong ngiti sa mukha at sinabi: "See you in 16 years, Don Carlos Villaromano." # Tulala si Don Carlos matapos gunitain ang pangyayaring iyon. Ang kontrata niya sa dimonyo. Ang kasunduan nila. At tumulo ang kanyang luha. Nawala lamang siya sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Miguel. "Dad? Are you crying? What's wrong?" Pinahid ng don ang luha at napuno siya ng saya na makita ang anak na normal. "N-nothing." "Lucas," sabi ni Miguel. "Iniisip mo si Lucas." "Y-yes," amin ni Don Carlos. "Don't worry, Dad. Lucas is fine..." Napangiti ang don sa sinabi ng anak, pero, saglit lang ay nawala rin agad, pagka't biglang nag-iba ang boses ni Miguel. Naging garalgal na boses ng lalaki at ang kanyang mata'y nagkulay pula. "...he is with us." Napaatras si Don Carlos. Nagbalik ang dimonyo sa katawan ni Miguel. "And soon, si Miguel naman ang sasama sa amin." Tumawa nang malakas ang dimonyo kay Miguel. Nakaramdam ng galit si Don Carlos. "Leave my son alone!" sigaw niya. "Miguel is not part of our deal! Hindi siya kasama sa usapan natin! Hindi! HINDI!" At ngumiti lang ang dimonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD