"What are you saying, Julius?" dilat ni Hannah. "Na hindi possessed si Miguel? What the f**k?!" Laking gulat nina Hannah at Father Markus sa sinabi ni Jules. Hindi pa man sila nakakatagal ng upo sa Starbucks kung saan sila tumigil muna para mag-regroup matapos ang hindi na naman matagumpay na paghaharap kay Satanas, ay may binitawan na bomba si Jules ukol sa kaso ng demonic possession ni Miguel. "Yes, well, no, I mean possessed si Miguel in a way," sabi ni Jules. "Let me explain, alam n'yo ba 'yung enigma ng twins? Na dahil may extraordinary psychic bond ang mga twins ay alam ng isa ang nangyayari dun sa isa?" Napaisip sina Hannah at Father Markus. Binuksan ni Jules ang kanyang laptop at nag-search. "Okay, for example, in 2009 sa England," basa niya. "Twin sisters na sina Gemma and Lea

